May mga ilang students na nasa library na rinig na rinig siya. I could feel my blood starting to boil from her tone and was about to speak but my eyes landed on the girl beside Ma'am Rae. My forehead creased with her expression, tuwang tuwa na naman.

"I'm so sorry but may I know your first concern first? My handle? My handle is actually Jail Booth, that's where you assigned me. And, nagsisimula na po kami kanina pa, you can go out and see it yourself po."

I gulped and lick my lower lip. "Second, what do you mean na nagkakagulo po sa Senior High? The participants? Each advisers has the list, nasa kanila po. Just like what you told me, ieexplain sa Head teacher and sila na ang bahala. If I may, gusto niyo po ba kunin ko sa mga teachers yung list?"

I explained with my fixed serious face. Tinignan ko naman ang babaeng nasa gilid ni ma'am na ngayon ay naka frown na.

This bitch. Sinusubukan talaga pasensya ko.

"Sabi ni Steph." Pinigilan ko ang sarili kong umirap nang lumingon si Ma'am kay Steph.

And suddenly, naging soft naman ang expression niya na parang maamong aso.

"Nagkakagulo po kasi kanina—" malumanay na sabi niya with her soft-like-conniving face.

"Nagkakagulo?" Hindi ko siya pinatapos and because of that I could sense how she step back dahil sa kaba.

Lakas ng radar. Magsisimula ng kung ano pero hindi kayang panindigan.

"Ayusin niyo nga!" sabi ni ma'am bago mag walk out.

I looked at her numbly and waited for her to speak. I'm aware with how I look at her, alam kong gagawin na naman niyang issue ito but the heck I care?

Naiinis ako.

Ang aga-aga pero nagagalit ako.

"Beh, kasi nagkakagulo kanina sa mga participants—"

"In what way?"

Hindi siya nakasagot agad.

"Ginawa mo ba 'yung dapat gawin?"

"I did."

"Ganito kasi, wala yung mga participants at mukang hindi naintindihan ng mga teachers ang gagawin. Ikaw kasi naghahandle ng SHS tapos ngayon nagkakagulo na, ginawa mo ba talaga?" 

"Si Ma'am Abalo ang head, siya ang nag explain."

"Ayon na nga, mukang hindi inasikaso ni Ma'am Abalo, binigay lang ata 'yung papel na binigay mo at hindi inexplain. Inexplain mo ba sa kaniya ang gagawin?"

Tangina. Bobo ka ba? Bakit hindi?

"Inexplain ko," maikling sabi ko.

"Kung inexplain mo bakit nagkakagulo? Beh, ang nangyari kasi hindi inexplain ni Mrs. Abalo at basta basta na lang niya binigay sa teachers 'yung list kaya ayan nagkakagulo," she said, keeping her soft manipulative face.

I looked around to calm myself pero biglang nahagip ng mata ko si Mrs. Abalo kaya mabilis ko siyang pinuntahan para itanong kung inexplain ba niya sa mga under niyang teachers 'yung sinabi ko.

"Yes, of course, I did."

"Stephanie said nagkakagulo raw po ang senior high department."

"Ano?" Nakakunot noong tanong ni ma'am. Lahat ay busy at mainit ang ulo kaya sa mga ganitong events nagsisimula ang initan sa pagitan ng mga tao.

Bukod sa pagod, pikon. Pero hindi naman kasi nakakapikon kung walang tanga sa paligid.

"Sinabi ko. Inexplain ko rin. Nasan siya?"

Escape of Sweet CinnamonWhere stories live. Discover now