"How dare you! At bakit? Ako pa rin ang tunay niyang ina kaya may karapatan ako sa kanya!" ani Cassidy.

Lumingon sa kanya si Oxford at nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa kanya.

"ENOUGH!" he said with his thunderous voice.

Nanlalaki ang mga mata ni Cassidy sa galit at hindi makapaniwalang sinigawan siya ni Oxford. Well the world wasn't hers after all, hindi lahat ng tao ay napapasunod niya.

Pati si Mariza ay napaatras sa sigaw ni Oxford. Umatras siya sa gilid para hindi siya mapasama sa gulo namin pero huli na dahil simula noong kumatok siya sa pinto ng apartment namin ay kasali na siya sa gulo.

Bumalik ang tingin ni Oxford sakin. Humupa ang nanlilisik na mga mata niya pero naninigas parin ang kanyang mukha.

"Can we talk for a second? I can explain everything I only know, please." Pakiusap niya.

"Sabihin mo na sa akin, ngayon din, gusto ko ay maririnig nila ang sasabihin mo sakin." Pabalang kong sagot.

He let out a deep sigh as he also tried to calm down himself.

"Yeah, but please calm down. Tune down your voice."

"Hindi naman ako sisigaw kung hindi lang sa mga babaeng yan!" Turo ko sa dalawa pa naming kasama.

"EXCUSE ME?!" Cassidy exclaimed in exasperation.

"Well you please stop ejaculating?! Hindi tayo magkakaayos dito kung sumasabat ka!" Pasigaw naman na asik ni Oxford sa kanya.

Isang matagumpay na ngisi ang pinalabas ko kay Cassidy habang siya ay nanlilisik na nakatingin sa akin. Para siyang ahas na handa akong tuklawin. Si Mariza naman ay nagbaba ng tingin habang nakakagat ang daliri sa kanyang bibig.

"At bakit ka sa kanya kumakampi?! Oxford baka nakakalimutan mo na may usapan tayong dalawa!"

"Yes I know! But she's my girlfriend so  kakampihan ko talaga siya!" Pabalik na singhal ni Oxford habang nakatingin ng hindi maganda kay Cassidy.

Binalik ang tingin ni Oxford sakin pero agad ko siyang dinirekta. "Ano bang usapan yan. Huwag mong sabihin na ginagamit mo lang talaga ako para mapalapit ka rin kay Nillie."

"Billie hindi ko alam na si Nillie ang anak ni Cassidy. Trust me, I didn't know. Ngayon ko lang nalaman na siya pala ang hinahanap namin."

"At bakit kasama mo siya ngayon? Bakit sinamahan mo siyang makipagkita sa amin ni Mariza?"

Pinatong niya ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat at bahagyang yumuko palapit sa akin para pantayan ang tingin ko. Bumuntong-hininga siya at dinalaan ang ibabang labi.

"Do you remember what I told you about her asking me for a favor? This is the favor, sweetheart. I'm just doing this because of my old friend—Ares' father."

Pinagpalit ko ang tingin sa kanilang dalawa, kay Oxford at Cassidy. Nalito ako sa sinabi niya. Nakakunot ang noo ko.

"Anong—"

"Cassidy and—"

"Oxford I want to see the kid." Pagputol ni Cassidy.

Mabilis akong napatingin sa kanya na may mapaklang ngisi sa labi. "Hindi mo makikita ang bata at hindi ka rin makakalapit sa kanya dahil ako ang pipigil sayo para hindi mo makuha sakin ang bata." Mariin kong sagot habang humahakbang palapit sa kanya.

Pinigilan ako ni Oxford pero winaksi ko lang ang kamay niya na nasa braso ko pero tila bakal ang kanyang kamay na nakahawak sakin kaya hindi ako nakaalis mula sa kanya pero hindi parin yun makakapagpigil sakin. Buong pwersa akong humakbang papunta kay Cassidy pero dahil nakahawak si Oxford sakin ay hindi ako tuluyang nakalapit rito.

Oxford Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon