CHAPTER 9: KLERANTO

Start from the beginning
                                        

"Opps, sino ka?, maaari mo bang pangalanan ang iyong sarili?." Tanong sakin ng gwardiya, nasa likod kasi ako nila roland.

"Ano poo, ako po si.." hindi ko na natapos ang pagpapakilala ko ng hatakin ako ni bernard.

"Kasamahan namin siya, isa sya sa mahalagang panauhin at kaibigan ko." Singit ni roland.

"Paumanhin sa aking kapangahasan pinuno, paumanhin din po ginoong panauhin, sana po ay patawarin ninyo ako sa aking kasalanan." Ani nito sakin ng naka yuko.

"Wala yun kuya, pinapatawad na kita, atskaaa ginagawa mo lang naman ang trabaho mo, salamat din dahil ginagampanan mo ng maayos ang trabaho mo." Ani ko.

"Sigi po kuya mauna na po kami." Ani ko at kinuha ko ang roba kong itim, ayoko kasi mag mukhang artista char, kasi kasama ko sila roland, duhh sya kaya ang pinuno ng bayan nato.

"Andiyan na ang mga bayani!!."

"Mag bigay daan sa mga bayani!!."

"Mag pugayy!!, ligatas na tayo, ligtas na ang bayan!!." Ayan ang mga sigawan habang kami ay nag lalakad lamang, pero hindi parin makakawala sakin ang nga bulung bulungan.

"Sino kaya yang isa nilang kasama?."

"Isang bata? Hindi ehh, malaki naman kung bata?."

"Isang duwende?."

"Ano kaya ang kanyang kakayahan?."

"Isa kaya syang mago?."

Amana kayo, grabe sa pandak, duwende kaagad, isako ko kayo ehh.

"Huwag mo nalang silang pansinin at dumiretso na tayo sa isa sa mga magagaling na salamangkero ng aking bayan." Bulong saakin ji roland.

Natapos naman ang parada namin at pumunta kami sa isang bahay na hindi naman kalakihan at hindi maliit, sakto ang laki para lang sa 3 tao.

"Tandang Ernesto, nandito na po kami!!." Tawag ni kuya bernard." Lumabas naman sa pinto ang isang matandang lalaki, siguro nasa 50 to 60 na to.

"Nadala nyo na ba ang orżen ng basilisk?." Ani sakanila ni tatang ernesto, oo tatang, bakit ba hahaha.

"Opo, nakuha na po namin." Sagot naman ni roland at pinakita ang orżen ng basilisk.

"Kung ganon ay pumasok na kayo sa aking silid." Ani nito saamin sabay tingin sakin.

"Sino ang isang ito?, hindi nyo siya kasama ng kayo ay mag lakbay sa gubat ng florenza." Tanong sakanila ni tatang ernesto.

"Sya po ang tumulong saamin upanv magapi ang basilisk, kung hindi po sya tumulong saamin ay baka hindi na po kami naka uwi at wala sa mundong ito." Paliwanag ni atte alice.

"Ganun ba, o sige, pag bibigyan kita, ngunit hindi pa buo ang tiwala ko sayo, baka isa ka sa mga espiya na gustong manakop saa bayang ito." Ani nya, hindi nalang ako nagsalita baka udlot pa eh.

Pagpasok namin ay dumungaw kaagad samin ang sangkaterbang potion, at iba't ibang uri ng mga sample like monster parts, para ata sa kanyang gagawing gamit.

"Umupo muna kayo at matatagalan ang aking paggawa ng ashtren." Ani nya sabay kuha ng orżen, so ashtren pala ang pangalan ng gagawin nyang gamit.

"Saglit lang po tatang ernesto, maari nyo po ba akong turuan kung paano gumawa ng sandata gamit ang mga ito?." Sabay pakita ng orżen ng wyvern, ng baboy ramo na malaki, yung kauna unahan kong orżen kung saan na activate ang aking mana at pinuno ng mga troll.

"Kamangha mangha!!, ngayon lang ako nakakita ng mahigit dalawang orżen sa panahon ko, ngunit paano mo nakuha ang mga ito, at sino ka bang talaga." Manghang mangha na tanong saakin ni tatay ernesto.

"Ano po kasi, galing po akong ibang kontinente at na padpad po ako sa gubat ng florenza at nawala at hindi na makalabas, inabot po ako ng ilang taon sa pag hahanap ng madadaanan pero wala parin po, hanggang sa makita ko sila roland." Sagot ko.

"Isang orżen ng wyvern, masuwerte ka at nabuhay ka pa dahil sama sama sila kung mangaso, ang orshar ang halimaw na may apat na paa at tatlong ulo na bumubuga ng apoy, ang barszen, isa sa mga agresibong halimaw sa florenza, pinaniniwalaan na mahiwaga ang kanyang balat at laman dahil sa angkin nitong laki at taba, at ang pinuno ng mga troll, isa sa mga maiilap ngunit malakas na nilalang sa gubat ng florenza, paano mo sila nakuha?." Ayt tatang paulit ulit, binigyan mo lang ako ng info sa mga napatay ko eh.

"Ano po, hehe pinatay ko po?, nangyari na po eh." Walang ideya kong sagot sa kanya.

"Iho ilang taon kana at isa ka bang mataas na mago? Isang maharlika?." Tanong saakin nito.

"Ahh mali po kayo, isa lang po akong maralita, mag 19 na po ako ngayong taon at eto po ang aking kakayahan." Ani ko at pinalabas si fiery moth na gusto ng lumabas, isa syanv malaking moth at nag lalagablab na moth.

"Kamangha mangha, hindi pako nakaka kita ng ganyang mahika, isa kaba sa mga may tribo o may lahi ka ng sinaunang tribo?." Tanong sakin ni tatang, di ko rin alam, siguro nga? Pero paano? Mukhang normal lang naman sila mama at paano ko maipapaliwanag yung katawan ko, hindi, hindi ko muna ipapaalam ang mga ito.

"Ahh wala po, sabi ko nga po maralita lang po ako, atsaka hindi ko rin po alam kung may lahi po ako ng sinaunang tribo dati." Ani ko.

"Ganun ba, matutulungan kita kung sa paggawa ng ibang kagamitan katulad ng gamit mong lalagyan, pero kung sandata ang nais mo, sa panday ka manghingi ng tulong." Ani nito saakin.

"Ahh meron po akong ibang gamit." sabay labas ng balat ng wyvern, balat ng basilisk, at balat ng troll, natapon ko kasi yung orshar atsaka yung balat nung barszen ginawa ko ng bag.

"Maaari, ano bang gusto mong gawin ko dito?." Ani nya.

"Masusuot lang po, pang itaas at pang ipapa, atsaka po isang roba na tataklob ng buo kong katawan at ulo, at eto po pala." Ani ko at binigay ang orżen ng troll.

"Eto po ang kabayaran, hindi ko naman kinakailangan ng maraming orżen, alam ko pong mahal o mahalaga ang orżen pero tanggapin nyo na po ang kabayaran ko." Ani ko, sabay bigay sa kanya ng ng sapilitan ang mga balat at orżen ng troll.

"Maraming salamat iho, akala ko ay isa kang kalaban o espiya ngunit nag papakasiguro nako na hindi ka namin kalaban, dahil binigay mo saakin ang isang orżen na napaka halaga, mas patitibayin pa neto ang proteksyon ng aming bayan, dahil sa binigay mo ay mas ginanahan pakong gumawa." Ani neto saakin.

"Walang anoman po iyon, atsaka po kabayaran na din po iyan ng paggbigay nyo ng tulong saakin." Ani ko.

"Kung ganon ay mag uumpisa nako, maiwan ko na kayo at mahaba habang trabaho ito." Aniya atvnag patuloy na sa isang kuwarto dala dala ang nga gamit.

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now