Kung gusto niyang makipag-usap sakin ay sige, kakausapin ko siya para magkaliwanagan kaming dalawa sa totoong pagkatao ni Nillie.

Pinagpahinga ako ni Nanay pero hindi ako agad nakatulog sa kakaisip. Nakayakap lang ako kay Nillie habang hinahalikan siya sa noo. Natatakot akong kunin siya sakin ng kung sino mang totoong mga magulang niya pero paano kung naghihintay nga sila sa kanya? Paano kung gusto nilang makasama si Nillie?

Hindi ko kaya na mawala si Nillie pero hindi kaya ng konsensya ko na ipagkait siya sa totoong mga magulang niya.

Pasado alas onse na ako nakatulog. Nagising lang ako sa alarm clock dahil handa na para gisingin ang mga bata para pumasok na sila sa eskwelahan. Agad akong bumangon para makapaghanda na.

Si Nanay ang nagluto ng agahan para sa amin pero kunti lang ang kinain ko. Nawalan ako ng gana dahil ngayong araw darating ulit si Mariza. Parang kung anong rebelasyon na malalaman ko ay parang hindi ko kayang marinig at ipasok sa ulo.

"Ubusin mo na ang pagkain mo Kamp para maligo ka na. Darating na ang Papa niyo." sabi ni Nanay kay Kamp dahil hindi pa nauubos ang pagkain nito.

Sinunod ni Kamp ang sinabi ni Nanay. Si Nillie ang unang nakatapos sa kanilang dalawa kaya inaya ko na maligo na para hindi sila magkasabay ng kuya niya dahil mag-aaway na naman ang dalawa.

"Mama it's cold!" reklamo niya nang isawsaw ang kamay sa tubig sa timba.

"Hindi masyadong malamig yan. Naligo ka naman diba kahapon na ganyan ang temperature ng tubig? Hindi yan masyadong malamig." sabi ko para mapanatag ang loob niya.

Pinaliguan ko na siya kahit ayaw niyang mabasa dahil malamig daw. Eh hindi naman masyadong malamig. Hanggang matapos siya sa pagligo ay kinonsulta ko siya na hindi talaga malamig ang tubig.

Kinarga ko siya papunta sa kwarto namin para punasan at bihisan. Sunod kong pinaliguan si Kamp na walang reklamo sa lagay ng tubig. Pagkatapos niyang maligo ay saktong dumating si Oxford para ihatid sila sa eskwelahan. Hindi niya alam na hindi ako papasok sa shop kaya sasabihin ko sa kanya.

"Good morning po, 'nay. Handa na po ba sila?" Magalang niyang tanong kay Nanay.

"Magandang umaga din. Hindi muna papasok si Billie sa shop. Ako lang muna ang pupunta doon." Paliwanag ni Nanay kay Oxford.

"Bakit ho?" Narinig kong tanong ulit ni Oxford.

"Eh kasi... may darating na bisita dito mamaya at gustong kausapin si Billie kaya hindi muna siya papasok ngayong umaga."

Mabuti nalang at hindi sinabi ni Nanay na buong araw dahil magtataka si Oxford. Hindi nagsinungaling si Nanay sa kanya dahil ang turing talaga ni Nanay kay Oxford ay pamilya kaya hindi siya nagsinungaling rito.

"Ganun ho ba? Nasa kwarto ho ba siya?"

"Ah oo, binibihisan lang ang mga bata. Lalabas na yun saglit lang." sabi ni Nanay at narinig kong naglakad siya paalis siguro mula kay Oxford para maghanda na rin sa pag-alis.

Inayos ko ang buhok ni Nillie bago ko siya pinakawalan dahil narinig niya ang Papa niya na nasa labas ng kwarto. Pero hindi pa man siya nakakalabas ay narinig ko siyang tinawag ang Papa niya.

"Papa!" She squealed delightfully.

"Hey princess." ani Oxford.

"Hello Papa. I buttoned my shirt." Kamp said boasting what he did.

"Really? You're such a good boy. Now get ready guys because I'm going to drive you to your school." sabi ni Oxford sa mga bata.

"Yes Papa." The two kids answered in chorus.

Oxford Where stories live. Discover now