Hindi ko maalala ang pangalan niya pero familiar siya kaya nginitian ko lang habang papalapit siya sa 'ken.

"Uhm… I just wanna invite you to my birthday party this saturday. I'm Keylee, I know you don't know me. I'll appreciate it if you will be there." Binigyan niya ako ng nahihiya niyang ngiti sa akin. Inilahad niya sa akin ang invitation card.

"Hi Keylee! Sure, See you on your party. Also, advance happy birthday, girl." Marahan kong kinuha ang inilahad niya at excited siyang nagpasalamat sa akin. Excited din siyang nagpaalam na babalik na sa klase niya. She's cute.

Agad din naman akong nagpatuloy sa pagpunta sa faculty room at hanapin si Mrs.Joryn.

Kakatok na sana ako sa pintuan ng faculty nang bumukas ito at bumungad sa akin si Rudeus Darren. Nagkasalubong ang paningin namin at napatigil siya sa paglabas dahil nakita niya ako sa harap niya.

Ilang segundo ay napataas ang kilay niya sa akin na parang nagtatanong kung bakit nandito ako sa harap niya. Hanggang leeg niya lang ako kaya medyo nakatingala ako sa kaniya.

Binigyan ko lang siya ng ngiti pero nawala ito nang malaman niyang wala siyang mapapala sa akin kaya patagilid siyang lumabas doon at naglakad na palayo. Napanguso ako habang nanonood sa kaniyang likod. Nang lumiko na siya ay pumasok na ako sa loob.

Nakita ko agad si Mrs.Joryn kaya agad ko itong nilapitan para makabalik na agad sa room.

"Hi Mrs.Joryn! May nagsabi po na pinatawag niyo ko?" She glance at me and smiled.

Mukha siyang maraming ginagawa ngayon dahil mabilis niyang inalis sa akin ang tingin at may kinuha na mga folder sa gilid ng table niya.

"Hello Ms.Fuentes. Pwede bang ihabol mo 'to kay Mr.Alcayde? Akala ko kase hindi ka makakapunta at tyempo namang dumaan siya dito kaya binigay ko nalang sa kaniya. Pero may naiwan pa pala ditong mga papers." Mabilis niyang binigay ito sa akin habang nakatingin sa laptop niya kaya agad ko itong kinuha at pumayag bago magpaalam na paalis na.

Mukhang pinagkakatiwalaan na ni Mrs.Joryn si Rudeus Darren. Napangiti ako dahil doon at nagmamadali na lumakad kung saan huli ko siyang nakita.

Pumaliko ako sa kanina niya lang nilikuan at naglakad padiretso. Ilang minuto akong lumilingon sa iba't ibang direksyon hanggang sa hindi ko namalayan na may madadaanan akong limang lalakeng nakatambay. Halatang nagka-cutting classes dahil oras pa rin hanggang ngayon ng klase, walang mga istudyante na dumadaan.. Bumagal ang paglalakad ko at pasimpleng dadaan sa gilid nila.

"Faina!" Papalampas na 'ko eh. Napapikit ako ng mariin at lumingon sa kanila ng nakangiti.

"Hi everyone! Ba't kayo nandito?" Tuluyan akong humarap sa kanila. Pasimple akong tumingin sa paligid. Baka makita ko pa si Rudeus Darren pero nakakainis dahil walang dumadaan. Ang bilis naman kaseng maglakad ng lalakeng 'yon.

"Wala naman. Nakatambay lang kami. Ang boring ng klase eh. Ikaw? Mukhang may hinahanap ka,"

Tumingin na ako ng tuluyan sa kanila at halos silang lahat ay hindi pamilyar sa 'ken. Napasulyap ako ng mabilis sa ayos ng mga uniform nila. Yung iba hindi naka-uniform. Bawal ang hindi kompleto at hindi maayos na uniform sa university na 'to ah.

"Yep. May nakita ba kayong lalake na nakasalamin na dumaan dito? May nakalimutan kaseng ibigay sa kaniya ng teacher." May kumaway sa 'keng kasamahan nila kaya kumaway ako at nginitian ang iba.

"Faina! Totoo ba talagang wala kang boyfriend ngayon? Bakit wala?" Imbis na sumagot sa tanong ko binigyan ako ng tanong ng isa.

"Nga naman! Siguro naman mayro'n kang mga manliligaw na tinatanggap? Isama mo na 'ko do'n!"

My Nerd CrushWhere stories live. Discover now