"Ay ang damot!" inaabot nya sa akin ung phone ko nilalayo ko naman sa kanya

"Wag na kase! Isa!" patuloy pa rin sya sa pag agaw ng phone ko

"Pashare lang! ang damot mo naman!!" nag aagawan kaming dalawa na parang mga bata

Hanggang sa mapahiga ako sa upuan kakaiwas sa kamay nya. Maya-Maya nadulas ang kamay ni Ethan na nakapatong sa sandalan ng upuan. Aksidente syang natumba sa itaas ko sobrang lapit namin sa isa't-isa nakatinginan pa kami ng matagal


Tumayo agad sya at inalalayan akong tumayo din mukhang wala namang nakakita sa amin

"Sorry Court,di ko sinasadya" napakamot sya sa batok nya


"Don't talk about it, it was an accident" inopen ko ang phone ko at inaabot sa kanya yun


"Pasa mo na sa phone mo para may remembrance ka sa akin" ngumiti ako sa kanya ayaw ko ipahalatang malakas ang kabog ng dibdib ko


Mukhang gusto nya talagang makuha ang copy mg pictures namin. Pinapanood ko lang sya habang pinapasa sa phone nya ung mga picture namin halos lahat ata ng picture na kasama sya pinasa nya. After that sinauli nya din agad sa akin ang phone ko


"Nagka girlfriend ka na Ethan?" I asked him I was just curious about his love life puro kase sya biro


"Hindi pa, pero na in love ako" sa isang maikling sagot nyang yun medyo kumirot ang dibdib ko bakit na naman ba?

"Really?? If na inlove kana panong hindi kapa nagka girlfriend? hindi mo sya niligawan?" I looked at him he just chuckled

"Alam lang niya na gusto ko sya, sinasabi ko naman sa kanya pero hanggang kaibigan lang ang turing at pagmamahal nya sa akin. Hanggang sa nakita nya na ang para sa kanya wala akong magawa kundi panoorin syang sumaya sa lalaking mahal nya. Tsaka nagmove on na ako hindi na masakit parang tusok nalang ng karayom dapat ko nang kalimutan yun kase may anak na sila" I gasped when I realized who's he's talking about

Tumingin ako sa bungalow ni Sierra at binalik ang tingin ko kay Ethan

"Galing mong manghula ahh" There's no pain or sadness on his eyes mukhang moved on na nga sya

"I'm sorry to asked you that question" nahiya tuloy ako sa kanya bat ba kase napaka chismosa ko


"Wala naman na sa akin yun, Masaya na ako sa kanila tsaka magkaibigan pa din kami. Hindi ako bitter sa buhay hahahaha" mukhang wala na talaga syang bitterness na nararamadaman. This man is so genuine and pure

"Ikaw? How's your love life? may iniwan ka ba sa Manila?" tanong nya sa akin

"I'm fucking single, mahirap makipag relasyon sa mundo ng showbiz" sagot ko sa kanya

After the day  I  lost my child never na ulit akong pumasok sa isang relasyon wala na akong tiwala sa mga lalaking nasa showbiz gaya ng tatay ng anak ko na isa sa pumilit sa akin na mag palaglag


I felt tears forming in the corner of my eyes. Naalala ko na naman yung hayop na lalaking yun

Napapikit ako naririnig ko na naman ang mga boses nila

"Wag kang selfish Courtney! "

"Ayaw ko niyan Courtney!"

"Ipalaglag mo yan!"

"Let's abort that child dugo palang naman yan!"


Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nag-uumpisa na naman ang panginginig ng buong katawan ko

Drown by His Love | COMPLETED |Where stories live. Discover now