balikuko

317 13 8
                                        

BALIKUKOisinulat ni yohan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BALIKUKO
isinulat ni yohan

Umiikot. Tuyok. Lumiliko. Batid ng lahat ang hilo sa mundo ng batang ang mata'y balikuko. Nakapagtataka kung bakit ang sining ni Francis parating walang pahinga at permeng bilog. Lapis at papel nga'y nagsilbi niyang karamay sa kanyang pag-iisa, hindi ang taong may tenga at marunong umunawa.

Bakit nga ba, ano ba ang pinagkaiba ng papel at tao?

Ika pa ni Francis sa manunula, hindi marunong mangyamot ang mga pahina, ikumpara mo sa taong nakangiti nga, palihim ka namang dinurungisan sa likod nang walang pagdadalang sisi.


Ang akdang ito ay gawa-gawa lamang, produkto ng kathang-isip, at espasyo upang magpahayag

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang akdang ito ay gawa-gawa lamang, produkto ng kathang-isip, at espasyo upang magpahayag. Ang mga pangalan, mga karakter, mga lugar, pangyayari, at mga insidente ay hindi tunay at bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng manunulat. Ang anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Ang mga opinyon at kuro-kuro ng mga karakter sa akdang ito ay hindi kinakatawan ng may-akda, naroon lamang sila upang magbigay ng representasyon sa bawat opinyon.

Ang akdang ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at sensitibong mga paksa, tulad ng kamatayan, pagkitil sa sariling buhay, pagkasuklam sa mga tao, depresyon, pagtatalik, at iba pa, na hindi angkop at maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na ka...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang akdang ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at sensitibong mga paksa, tulad ng kamatayan, pagkitil sa sariling buhay, pagkasuklam sa mga tao, depresyon, pagtatalik, at iba pa, na hindi angkop at maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na karanasan para sa mga mambabasa, lalong-lalo na sa ilan na nakaranas o nakasaksi nito.

Kung ang mga nabanggit na paksa ay nagdulot ng hindi kanais-nais, maiging huwag ng ituloy ang pagbabasa at bigyang prayoridad ang kapayapaan ng isipan.

Pinapaalalahanan ng may-akda na maging maingat sa mga nilalaman na inyong nababasa, sa akda mang ito o sa iba, gayong ang sirkulo ng midya ay masyado ng malaya na nakaliligtaan na ng iba ang mga limitasyon at mga etika.



Nalaman ko ang rason kung bakit hindi ako makatapos sa pagsusulat ng isang nobela, iyon ay dahil mahilig akong gawing komplikado ang mga bagay, mahilig maglagay ng mga pasikot-sikot gayong pwede ko namang lakarin iyon nang tuwid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nalaman ko ang rason kung bakit hindi ako makatapos sa pagsusulat ng isang nobela, iyon ay dahil mahilig akong gawing komplikado ang mga bagay, mahilig maglagay ng mga pasikot-sikot gayong pwede ko namang lakarin iyon nang tuwid. Kaya ang nobelang 'to ang aking magiging munting eksperimento, nais kong magsulat lamang, hindi ang malunod mismo sa pagsusulat.

Sisikapin ko ring magsulat sa purong Filipino, kaya asahan niyong gagamit ako ng mga salitang maaaring hindi pamilyar. Kung may katanungan o alalahanin, maaari kayong mag-iwan ng mensahe o komento rito. Salamat sa pag-unawa!

- jo

- jo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
balikukoWhere stories live. Discover now