chapter 20

112 6 3
                                    


Chapter 20

Naglalakad na ang grupo ng basketball player patungong gym habang nag uusap usap, iba't ibang topic ngunit sa grupong iyon mayroong isang nahuhuli sa paglalakad, nakasunod lamang ito habang nakatulala na tila may malalim na iniisip.

Napansin iyon ni daichi at tomoya kaya nagkatanguan ang dalawa at nilapitan si ichinoya.

"Uyy pre! Bakit tulala ka dyan?" Punang saad ni daichi na dinanggil pa sa braso si ichinoya.

Napatingin si ichinoya kay daichi bago umiling, ngunit maya maya pa'y bumuntong hininga ito ng malalim.

"Bigla ako nakaramdam ng hiya kanina habang kumakain tayo. Naging impulsive ako at hindi na isip na hindi pa komportable si sakuragi sa ganoong topic." Mababakas sa boses nito ang labis na pag sisisi at kahihiyan dahil sa ginawa niyang aksyon kanina.

"Hm. Naiintindihan ka naman non ni sakuragi pre, sadyang umiwas lang siya sa tanong mo pero di ibig sabihin non is minasama niya na iyong tanong mo." Anas ni tomoya sa seryosong panayam.

"Tama si tomoya, tsaka hihingi ka naman ng paumanhin mamaya sakanya diba? Maiintindihan ka non, sure kami sa bagay na iyon." Pag papalakas loob na saad naman ni daichi bago tinapik sa balikat si ichinoya.

Pagliko nila papasok sa gym narinig na nila ang pag talbog ng bola at ang tunog ng sapatos mula sa sahig ng gym.

"Go na pre, lapitan mo na. Kailangan pa naming kausapin si captain para sa practice natin ngayon." Anas ni tomoya na tinulak pa ng bahagya si ichi.

Wala namang nagawa si ichinoya kundi ang lumapit sa pwesto ni sakuragi na kasama si rukawa. May blangkong expression lamang itong nakatingin kay ichinoya at pagkaraan ay tumango dito at umalis para mabigyan sila ng pagkakataon makapag usap.

Tumikhim ng bahagya si ichi upang kahit papano'y maalis ang pagbabara sa kanyang lalamunan. Napalingon si sakuragi sakanya at katulad din noong nakita nila ito'y nandoon parin ang lamig ng bawat titig nito na lalong ikinakaba ni ichinoya.

"Pre! Pasensya na sa sinabi ko kanina, hindi ko na isip na hindi ka pala komportableng pag usapan ang bagay na iyon at naging insensitive ako kanina." Pag lalakas loob na saad ni ichinoya kay sakuragi, umiwas nang tingin si sakuragi at muling nag dribble.

Tila nakaramdam ng pagkapahiya si ichinoya dahil sa naging behavior ni sakuragi. Ngunit hindi naman iyon masisisi ni ichinoya dahil sa ginawa niya rin kanina.

Aalis na sana siya at tutungo na sa ibang player ng mag salita si sakuragi na ikinatigil niya sa pag alis.

"Wag mo nang alalahanin pa ang bagay na iyon, pasensya na rin kung bigla akong umalis kanina. Hindi ko lang talaga sa ngayon kayang sabihin ang mga iyon, medyo nakikibagay pa kasi ako sainyo." Saad ni sakuragi na ikinatodo ng iling ni ichinoya.

"Ha.ha! Pre, a-ayos lang iyon, wag kana humingi ng tawad sa ginawa mo kanina. Kasalanan ko naman e, pasensya na talaga hindi na ulit mauulit iyong pag tatanong na iyon." Kinakabahang pag tawa ni ichinoya kay sakuragi, bahagya ring nabunutan ng tinik si ichi dahil doon.

"Okay. Wag nalang natin pag usapan pa iyan. Hayaan niyong ako ang magkusa na mag sabi niyan sainyo." Anas pa ni sakuragi na ikinatango ni ichi

"Salamat sakuragi." Nakangiti ng saad ni ichinoya

Nakarinig sila ng pag palakpak kaya napatingin sila doon, si taiga pala at nakatingin na sila sa amin.

"Okay! Assemble, mag sisimula na ulit ang practice natin. Napili na rin namin ni tomoya at daichi kung sino ang mag lalaban ngayon." Saad ni taiga, tumungo naman ang lahat na player sa gitna ng court.

The GENIUS revengeWhere stories live. Discover now