Hindi kami pwedeng pumasok ng walang dalang foot mop kaya dala-dala namin ang foot mop namin ni Alyn patungo rito.

"Bukas na uuwi si kuya." Masayang anito.

Malaki ang age-gap nilang magkapatid. Habang junior high palang kami ay nasa 2nd year college na ang kuya nito na nag-aaral sa ibang bansa.

"Ilang araw lang ba siya ritong magbabakasyon?" Tanong ko habang sinusuot ang foot mop ko at ganon din siya sa kanya.

"Mmm...I guess two weeks lang 'ata." Bumuntong hinga ito, bakas sa boses nito ang disgusto. Medyo matagal narin kasing bumisita ang kuya ni Alyn sa kanila kaya siguro ganito ang reaksiyon ng babae.

Pumasok na kami sa loob. Malaki ang library dito sa campus pero hindi kasing laki ng Library na binigay ng Beast ni Belle. Limang magkaibang book shelves ang nakatayo sa gitna at mayroon ding tatlong book shelves na nakadikit sa dingding.

Dito kami palaging tumatambay ni Alyn dahil bukod sa tahimik rito ay hindi lang din pang-educational books ang narito, mayroon ding mga novels at mga Short stories na nakahilera sa iisang book shelf at sobrang dami nito.

Nilapag namin sa kulay brown na  lamesa ang dalang bag at magkasabay naming tinungo ang linya ng nakahilerang Science books, including the Biology na sobrang kapal ng pages nito at ito ang librong pakay namin ngayon.

"Katamad magbasa." Humikab ang kaibigan ko at tamad na tiningnan ang makapal na libro sa harap nito.

Nakakatamad talaga kapag hindi love story ang babasahin niya, kahit ako nga ay hindi ko pa binuklat ang libro sa harap ko tinatamad na ako.

Tumaas ang tingin ko ng mapansin ang anino sa may pintuan. Napako ang tingin ko sa lalaking pumasok sa loob  hindi ito lumingon sa gawi namin, pumunta ang lalaki sa kabilang dako ng upuan. Nakaharap ito sa gawi namin ni Alyn.

Ng makaupo ito ay mabilis kong binuklat ang makapal na libro at pinatayo ito sa lamesa. Lihim kong inangat ang mga mata sa gitna ng nakatayong libro tahimik  kong pinagmasdan ang lalaki—nakapatong ang ulo ng lalaki sa magka-cross na braso na nakapatong sa lamesa.

So... Matthew came here just to sleep?

Since then ay palagi ko nalang natatagpuan ang sarili ko sa loob ng library pagkatapos ng tanghalian. Sinamantala ko ang oras sa paghihintay sa lalaki ngunit dalawang beses lang iyon nangyari hanggang sa nag-grade 12 ito ay hindi ko na ito nakitang tumapak muli sa loob ng library o baka hindi lang talaga ako naka-timing dahil sa magka-ibang sched namin.

Sayang...

"Happy birthday po Lola." Nakangiting bati ko sa Lola nina Alyn.
Kahit matanda ay makikita mo parin sa kagandahan ng mukha nito noong kabataan pa nito. Hindi rin naman nakakapagtataka iyon dahil halos lahat yata ng mga anak at apo nito ay maypanlaban sa itsura. Nasa angkan talaga nila ang mala-artistang mukha.

"Salamat apo, kasama niyo ba si Ernesto?" Pagtutukoy nito sa Lolo ko. Matalik na magkaibigan pala sina Lola Miranda at si Lolo Ernesto noon paman. Katulong kasi ang nanay ni Lolo sa pamilya nina Lola Miranda at dahil hindi rin malayo ang agwat ng edad ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Kahit  na may kanya-kanya na silang pamilya.
Kaya nga mag-bestfriend sina mama at mommy ni Alyn habang kami naman ni Alyn.

Hindi na sumama si Lolo sa amin sa pagdalo ng birthday party ni Lola Miranda dahil inaantok na raw ito. Ganyan kasi lagi si Lolo, maaga na itong aantokin kaya naman minsan ay alas dos palang ng hating gabi ay gising na ito at nagtetempla na ng kape.

7:50 kasi nag-start ang party kaya lang knocked down na si Lolo Ernesto, 6:30 palang ng hapon.

Halos naroon lahat ng pinsan ni Alyn na kilala ko rin naman noon pa dahil lagi kaming invited sa pamilyang Gustavo kapag mayroong occasions.

Ito talaga ang pinakanagustuhan ko sa angkan ng mga Gustavo—ang pagiging mabait at mapagmahal nito sa mga tao. Sobrang yaman nila pero ni kailan man ay hindi ko napansing ipinagdamot nila ito sa mga nangangailangan.

Lumabas muna kami ni Alyn dahil medyo maingay rin kasi ang tugtog sa loob at hindi na namin gaanong naririnig ang isa't isa. Nasa likod kami ng Mansion pumunta, Wala rin kasing pumupunta rito. May maraming mga halamang nakahilera sa harap namin na nasa loob ng Banga.

"Ang sabi ko sa kanya... Kapag hindi ka titigil dyan ay tatabingi talaga iyang ulo mo—"

"Hmmm...uhh..."

"Tf?" Mahinang bulalas ni Alyn.

Nanliit ang mata niyang tumingin sa akin at base sa reaksiyon niya ngayon ay iyon din ang repleksiyon ng akin.

Nagpatuloy ang magkasunod na ungol ng babae at sinundan ito ng mga mura ng lalaki.

Bumungisngis naman si Alyn. Sumenyas ako sa kanya upang patahimikin ito. Baka ma-istorbo pa ang nagha-honey moon.

"Ahh—soshgdfjdjsfhdbsggsjsj..."

Hindi ko na maintindihan kung anong pinagsasasabi ng mga ito.

"Hgnjdhgskskshkkkskdsfjaa!"

Tumingin ako kay Alyn ngunit wala na pala ito sa tabi ko.

"Lyn?"

"Psst!"

Automatic akong napatingin sa pinanggalingan ng boses nito. Nagtago ito sa ilalim ng malaking halaman malapit lang sa pinagmumulan ng mga halinghing at ungol.

Malisyosang ngumisi si Alyn sa akin ng biglang sumigaw ang babae na sinaway naman ito ng lalaki.

Umawang ang labi ko dahil parang mga pusa ko lang ang gumagawa ng milagro ngayon sa likod ng mga halaman.

Tumabi ako sa kanya.

"Anhjsbskksjhs—"

"Guess who?" Mahinang bulong nito.

"Pinsan mo?" Sa mahinang boses.

Marami kasing pinsan na lalaki si Alyn kaya hindi na ako magtataka kung isa sa kanila ang gumagawa ng milagro ngayon.

"Fusbskakhsja..."

"I don't think so."

"Gskahskoa!"

The guy growled.  Tinakpan ni Alyn ang bibig niya at natatawang tumingin ito sa akin na para bang alam na nito ang sagot.

"Sino?" Atat na tanong ko sa kanya.

Huwag lang sana si Matt!

Lyn opened her mouth.

Please huwag lang sana si Matt.

"Si—"

"Alyn." Parang nanigas ako sa pamilyar na boses na tumawag sa kaibigan ko. Na sinundan ng boses ng isang babae.

"Paktay."


A taste of my medicine Where stories live. Discover now