First Love

22 1 0
                                    

(5 years ago)

First day of school ko nun sa pagiging highschool wala akong kakilala at walang kaide ideya sa kung anong klaseng mga tao ba yung makakasalamuha ko.

Nagsimula ng magsidatingan yung mga kaklase ko tapos nag aattendance na si Ma'am, yung Adviser natin at unang tinawag ang pangalan ng mga boys sa class list. Unfortunately, hindi ka niya natawag, inisip namin non na baka nagkamali ka lang ng room na napasukan.

Ma'am double checked the list at natagpuan ang pangalan mo sa mga babae. Medyo nagkatawanan pa nga kami nun e buti na lang hindi ka naoffend. At dun kita unang nakilala.

Simula non palagi na kitang tinitingnan. Ang galing galing mo kasi e, kahit sa klase ikaw palagi yung nag eexcel, sa Math sa English sa Science sa lahat na. Jusmiyo parang ikaw na nga lang yung estudyante ng mga teachers e :D

Tuwing free time ay tumatambay ka kasama ang mga elementary classmates mo, nagja jamming kayo habang ako ay nakatingin lang sa inyo.

Ang totoo'y mas naging first love ko ang boses mo, I heard you sang Adelle's several songs and I feel like i'm listening to an angel. You're really good in singing kaya palagi ako sayong nakikinig non habang prenteng nakaupo sa aking silya.

Second year highschool naman tayo ng madiscover namin ang sa writing skills mo ang galing-galing mo nga e, no wonder ikaw ang naging (if i'm not mistaken) editor-in-chief ng newspaper ng school na pinapasukan natin. Bukod dun sa boses mo, I also admired your literary skills since then.

Nagsulat ka (yung literally na sulat) ng isang story, which entitled "Nasaan si Feliza" hindi lang naman ako ang naging fan mo noon kaya matiyaga kong hinintay na matapos ang mga kaklase natin bago ko mabasa ang masterpiece mong iyon.

While waiting, I decided na mag FLAMES muna kasama yung kabarkada ko. Marami kasing couples sa section natin e, I tried our names feeling ko kasi maganda ang kakalabasan at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay lumapit ka pala sa amin at nasa may likuran kita at nakita mo yung pinaggagawa ko.

I was so embarrassed! Ikaw ba namang mabuking ng crush mo ay ewan ko na lang. You attempted to steal the piece of paper na hawak ko pero hindi ako pumayag kaya tumakbo ako palabas ng room at ayun naghabulan tayo sa corridor. Habulan lang tayo ng habulan wala akong pake kung magmukha tayong mga bata dun, parang ang romantic nga ng eksenang yun kung ii-slow mo. hihi *^^*

And then when we're both tired ay bumalik na tayo sa room at wala na ! nabuking mo na ako! -.- Inamin ko na crush kita kahit noong first year palang tayo! Halos hilingin ko na nun na lumubog na sana ako sa kintatayuan ko sa sobrang pagkapahiya.

Yung kabarkada ko naman ay tawa ng tawa sa atin paano kahit anong allibi ang gawin ko, hindi parin ako nakalusot sayo.
Feeling ko non nasa hot seat ako, as in literally na hot kasi yung mukha ko ay sobrang pula na as well as my ears. Napaka-awkward nung mga araw na yun para sa akin. Pero memorable naman siyempre NAPAAMIN AKO E! Ikaw kaya try mong umamin sa crush mo na crush mo siya sure akong daig mo pang namapak ng siling labuyo. Anyways, yun na ang pinaka nakakakilig na confession sa lahat! :D

Ayun na nga, Dumating na yung turn ko para mabasa ang story mo, hindi ako nakain tuwing break time dahil gustong gusto kong matapos iyon.

One time habang nagbabasa ako sa upuan ko, wala akong katabi kasi nasa labas ang mga kaibigan ko, lumapit ka at pumwesto sa may likod ko. Binack hug mo ako at nakibasa sa akin. Sobrang lapit ng mukha mo nun, I even feel your warm breathe. Yung heartbeats ko parang biglang naging weird, yung simpleng dikit palang ng balat mo sa akin ay nakapagbigay na agad ng 220V my goodness!! hindi ako makapag concentrate sa pagbabasa.

Kumawala ka sa pagkakayakap sa akin ng tanungin tayo nung classmates natin na kung TAYO daw ba! Pareho lang naman natin iyong tinawanan. (kahit nasa isip kong sana TAYO nga)

Sa araw-araw kong pagbabasa ay palagi mo ring pinaparamdam ang mga ganung feeling.

Tinatabihan mo ako at iniistorbo sa pagbabasa, dumating nga din sa point na nagpaQUIZ ka sa aming barkada sabi mo nun para malaman mo kung totoo bang may natandaan kami sa kwento mo. Unfortunately, mababa ang nakuha kong score hahaha kaya ayun 2 chocolates na tigpi-fifty cents ang napapunta sa akin. Gayunpaman, napasaya ko na nun paano ikaw naman ang nagbigay e! *^^* Natutuwa lang ako sa thought na napakadami mong pakulo sa buhay na talaga namang may kabuluhan, at hindi na nga yata mawawala sayo ang sense of humor mo na talaga namang mas nakakapagpasidhi (wow! amg deep!) ng damdamin ko para sayo.

Araykupo! FRIENDzoned (Oneshot story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora