Pagpakilala niya sa akin na nanay siya ni Oxford ay muntik na akong mapatameme sa harap niya. My eyes partially widened as I heard her name.

Agad kong pinalakihan ang pagbukas ng pinto. "Naku sorry po ma'am, pasensya na po kayo-"

"No, you don't need to apologize, Billie." agad din niyang sagot.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para pormal na magpakilala. "Sorry po ma'am-and nice to meet you din po. Ako po si Billie Areizaga."

Malugod niyang tinanggap ang aking kamay. We shook our hands together. Pagkatapos ay niluwagan ko pa ang pagbukas ng pinto.

"Pasok po kayo ma'am-pasensya na po kayo at maliit lang po ang apartment namin." sabi ko naman.

She waved her hand. "No it's okay, I may not use this kind of spaces or place but I can adjust. Ang importante sa akin ay makilala kita-at ng apo ko." sagot niya.

Napatango ako sa ibig niyang sabihin. Tinuro ko ang sala para doon kami umupo at mag-usap. "Nandun po si Kamp sa sala, kasama ng isa ko pang anak."

Nagningning ang kanyang mga mata nang banggitin ko ang pangalan ni Kamp. "I'd love to meet them, kaya ako napapunta dito ng maaga dahil hindi ako makatulog sa kakaisip na may apo pala ako. Hindi naman niya daw inaasahan na magkakaanak siya." sabi niya saka problemadong bumuntong-hininga. "That kid must be careful next time." she muttered under her breath.

But I heard it.

Iniisip niya siguro na mali nga ang ginawa ni Oxford. Na pagkakamali lang si Kamp.

Hindi ko maintindihan ang nanay ni Oxford dahil hindi ko rin alam kung nagkukunwari lang siya o ano. Pero sana ay tanggapin niya si Kamp.

"Uh... tatawagin ko ho si Kamp." sagot ko lamang dahil nagkaroon ako ng ibang pakiramdam.

Agad akong naglakad papunta sa may sala. Nakaupo sa sahig ang dalawang bata habang naglalaro. They're just playing, they didn't mind what was happening, though.

"Kamp, may gustong makilala ka." sabi ko nang lumuhod ako sa harap niya.

Umayos ako ng tayo at hinakawan siya sa balikat. Nginitian ko siya at humarap kami sa lola niya. Lumapad ang ngiti ni Olga nang makita si Kamp. Lumipad din ang tingin niya kay Nillie na kumapit sa laylayan ng t-shirt ko.

"They are both an angel." she prompted.

Yumuko siya para pantayan si Kamp. Kumapit si Kamp sa kamay ko at bahagya kong iniyuko ang aking ulo para makita yung ekspresyon niya. Wala siyang emosyon na nakatingin sa lola niya.

"Hi Kamp baby, I'm your grandma Olga. Your Daddy's momma." she introduced herself.

"Kamp say hi to your grandma." I encouraged him to do so because he just stared at his grandmother.

"Hi." Maliit lang ang boses niyang sabi sa lola niya.

"You're really look like your Daddy except that you have the same skin complexion to your Mommy." she complimented.

Kamp tilted his head like a puppy. "It's Mama and Papa." he answered. Tumingala siya sakin at tinuro ako. "This is my Mama, not Mommy. And I call my Papa, Papa. Not Daddy." he added smartly.

Napaawang ang labi ng lola niya pero agad ding tumawa sa sagot ng apo. Sa kakatawa ay may nangilagid na luha sa kanyang mga mata. Ilang segundo din ay tumigil siya pero hindi natanggal ang ngiti sa labi nito.

"You're smart just like your Papa." Then she turned her eyes to Nillie. "You're must be Nillie. You're so pretty. Nice to meet you baby girl." sabi ni Olga sa malambing na boses.

Oxford Donde viven las historias. Descúbrelo ahora