Ano nga ba ang nagtulak sa kanya para pangarapin ang maging isang romance novelist?

She enjoyed reading every genre of books since she was a teenager. Mapa-English o Tagalog man iyon. Pero ang pinakagusto niya ay ang pagbabasa ng romance. Noong fourteen siya ay sumubok siyang sumulat gamitang bond paper at type writer ng mommy niya. And whenever she finished a story she would file it up in a folder. Ibang klaseng saya ang dulot niyon sa kanya sa tuwing nakakatapos siya ng isang istorya. Then one day, she decided she wanted to become a writer.

Ngunit pansamantalang isinantabi niya ang pangarap na iyon at pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa kolehiyo. Nangmaka-graduate siya mula sakursong Business Administration Major in Marketing ay tinulungan niya ang kanyang mommy sanegosyonitong events organizing company.

Dahil hindi naman niya tuluyang tinalikuran ang pagnanais na maging romance writer, binalikan niya ang pagsusulat. Sa umaga ay may regular job siya sa opisina at sa gabi naman ay nagsusulat siya ng nobela.

Nang magkaroon siya ng sapat na lakas ng loob ay ipinasa niya ang kanyang manuscript sa isang publication-ang Hearts In Love. She had her first rejection! It was so painful. She was depressed for months. Sabi sa comment ng editor, kulang raw sa emosyon at "kilig factor" ang nobela niya.

Ilang romantic films at Koreanovela na ang pinanood niya para ma-inspire ngunit wala pa ring narating ang mga nobela niya.

Sa katunayan ay may boyfriend siya-Si Vince-they've known each other since highschool. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit kulang parin sa "kilig factor" ang mga sinulat niya. Hindi ba nakakakilig ang boyfriend ko kaya naaapektuhan ang mga sinusulat ko? naitanong niya sa isip.

Iginala niya ang mga mata sa loob ng coffee shop. Nagtamang muli ang mga mata nila ng lalaking nakatingin sa kanya kanina. Nagsalubong ang mga kilay niya nang alisin nito sa ulo nito ang baseball cap.

She definitely knew him! He was non-other than Shinji Serizawa! He was the half Japanese-half Filipino musician, rock star and heartthrob. Sikat na sikat ito sa buong bansa at halos lahat ng babae sa Pilipinas ay nababaliw dito.

Ngumisi ito at kumuway sa kanya.

Biglang dinagundong ng kaba ang dibdib niya sa pagtatama ng kanilang mga mata. Agad niyang binawi ang tingin palayo rito.

Ipinaling niya ang mga mata sa glass wall ng coffee shop. Lalong nangitim ang kalangitan. Ilang saglit pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Mukhang hindi pa siya makakalabas roon sa coffee shop.

NANG humina na ang ulan ay isinuot ni Erika ang jacket na dala niya at nagpasyang umuwi na sa kanilang bahay. Tumayo siya saka isinukbit ang bag sa kanyang balikat. Naglakad siya palabas ng coffee shop. Huminto siya sa gilid at saka binulatlat ang laman ng kanyang bag. Hinanap ang kanyang kulay purple na payong.

"Nasaan na ba ang lintik na payong na 'yon?" kikay kit, wallet, cellphone, suklay at balat ng candy ang laman ng bag niya. Wala iyon doon. She groaned in annoyance.

"Nani mondai ga arimasu ka?"

Napalingon siya sa kanyang tabi nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Hindi niya inaasahang lalapitan at kakausapin siya ni Shinji. They were not in good vibes since eight years ago.

"May problema ba?" tanong ulit nito.

"U-umuulan... iyan ang problema ko. Wala akong payong." kandautal na sagot niya. She was feeling uncomfortable with his presence.

All these years, Erika ganyan pa rin ang nararamdaman mo sa kanya?! Sita sa kanya ng kabilang bahagi ng sarili niya. She breathed inwardly, trying to calm herself. Pinunasan niya ang anggi ng ulan sa mukha niya gamit ang sleeve ng jacket na suot niya. That awkward moment, when your former best friend suddenly appeared in front of you, anang isip niya.

Tatta Hitotsu no Koi (COMPLETE- My One And Only Love) [Published 2012 under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon