Pagtuwid ko ng tayo ay naabutan kong may maliit na ngisi sa labi ni Oxford habang nakatingin kay Kamp. Pinahid niya ang kanyang daliri sa labi bago tumalikod palabas ng kwarto. Sumunod din ako sa kanya. Hinintay niya akong lumabas bago niya sinara ang pinto.

"Make sure to lock the door. Huwag mo narin kaming ihatid sa labas. Ako na ang magsasara sa gate." Paalala niya.

I chewed my lips. "Pero okay lang naman." sagot ko habang naglalakad kami papunta sa sala.

Muntik na akong mabangga sa dibdib niya nang bigla siyang huminto para harapin ako. "Do what I say, Billie. Other than that, it's also late. Paano kung nakaalis na kami at nasa labas ka pa? Baka may lumapit nalang sayong hindi mo kilala. You must be aware of your surroundings because you have two kids."

"Ano na naman ba ang ibig mong sabihin?" Pinagkrus ko ang aking mga braso sa dibdib at nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.

Umusod siya sakin at bahagyang iniyuko ang kanyang mukha palapit sakin. "If you heard what I said, sweetheart I meant all of it. Delikado sa labas, naiintindihan mo ba?" Nakataas din ang kanyang kilay na tugon sabay pihit patalikod.

I shook my head in disbelief. That guy was pain in my head. Sana lang ay hindi matulad sa kanya si Kamp kasi kapag ganun ay kukutusan ko talaga yung bata na yun kapag lumaki na siya.

Tinawag ni Oxford ang inaanak na nakahiga na sa sofa namin. Wala siyang arte habang nakahiga. Tumayo ito nang tawagin siya ng ninong niya. I even saw him yawn, he must be tired. Sinama pa kasi ni Oxford yung bata. Kung sana hindi niya pinabakasyon yung katulong niya sa mansyon niya ay may kasama sana si Ares sa bahay niya.

"We're going home, miss—"

"You should call her Auntie from now on, Ares." sabat naman ni Oxford.

Tiningala siya ni Ares. "Okay." sagot nito at nagkibit-balikat lang.

Okay lang naman na tawagin ako ni Ares na Auntie. It's also sign of respect to elders. Tinapik ko sa balikat si Ares at nginitian. Sumunod ako sa kanila hanggang sa may pinto. Binuksan ni Oxford ang pinto.

"Alis na kami. Just tell your mother that we're already off."

"Sige." I responded.

He nodded but his eyes glued to me. Umiwas siya ng tingin. "We're heading out." he said one last time before the two of them stepped out from our apartment.

"Drive safely." Pahabol ko.

Ngumiti si Ares nang lumingon siya pero yung ninong niya ay hindi manlang lumingon. Sa inis ko ay sinarado ko nalang yung pinto ng padaskol. Ewan ko kung narinig nila yun pero wala na akong pakialam kung nahimigan ni Oxford na nainis ako dahil hindi manlang siya sumagot.

Inilock ko ang pinto saka sumandal.

I realized after a few seconds that I was being so childish. It wasn't me. Being childish was not a thing in me. Narinig ko nalang ang kotse niya na umugong. Unti-unti akong sumilip sa may bintana para makitang nakaalis na sila. Dahan-dahang umalis ang kotse na sakay silang dalawa. Sana manual ang pagmaneho ni Oxford para mas maingat siya.

Sinarado ko ang bintana at inayos ang kurtina na nakasabit. Nilinis ko muna ang mga tasang nagamit ng dalawa kanina. Yung kape na tinimpla ko para kay Oxford ay naubos. Pati din yung gatas ni Ares. Hinugasan ko muna yun bago ko pinatay ang ilaw sa kusina.

Nang matiyak ko na wala ng kalat sa sala ay pinatay ko na ang ilaw doon at naglakad na papasok sa kwarto namin.

Nang sumunod na araw ay bumangon agad ako nang makita kong alas sais na. Since walang pasok dahil Sabado ay hindi ko ginising ang dalawang bata. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo bago lumakad papunta sa kusina. Habang naglalakad ay ako papunta sa kusina ay naabutan ko si Nanay na nagsasaing.

Oxford Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin