Simula

70 0 0
                                    

Simula

"Have you heard the news about our classmate? Si Nikko iyong kilala sa campus na nonchalant nerd na kaklase rin natin," panimula ni Nadine habang nag-apply ng lip gloss sakanyang labi.

Nandito kami ngayon sa loob ng cr at nagre-retouch, naghahanda para sa susunod na subject.

"Oh, iyon ba? Rinig ko nga rin na nireject niya si Celeste, iyong social climber na nangagaya sa'yo Bea," dugtong ni Ella. "Hindi naman kayang gayahin, mukha pang paa."

Natawa na nalang kami ni Nadine sa sinabi niya. Ella and her savage words.

Nakikinig lang ako sakanila habang inaabala ang sarili ko sa pagpo-polbo at pagpapahid ng lip gloss sa labi. It's not like hindi ako updated sa tsismis sa school, hindi lang talaga ako nagsasalita tungkol doon. Like para saan pa? Sayang laway. Hinahayaan ko lang 'tong dalawa na magtalk at pakunwari na walang alam.

Ella and Nadine are my best friends, at gaya ko rin updated din sila sa nangyayari dito sa school, iyon nga lang lantaran silang nagtsi-tsismis kahit pa may ibang taong nakakarinig unlike me na tahimik lang.

"Iba rin kasi datingan no'ng nerd na iyon. Ang angas, pogi, matangkad plus matalino, saan ka pa 'di ba?" dugtong pa ni Nadine, mukhang tapos na sa ritwal niya sa mukha. "Maski ako na-po-pogian din sakanya."

Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano tumango si Ella sa sinabi ni Nadine. Well, gwapo naman talaga si Nikko at habulin kahit na wala siyang pakialam sa paligid niya, hindi ko lang talaga type.

"Sang-ayon ako dyan, Nadine. Kung hindi lang gano'n ugali niya baka nagkagusto na rin ako sakanya at napa-confess ng malala," said Ella, almost done retouching her eyebrows.

"Buti na lang talaga unbothered 'tong kaibigan natin pagdating sa mga lalaki. Hm, di mo type?" tanong ni Nadine sabay tingin sa'kin.

"Me? You know abala ako sa pagsasayaw at pagkanta 'di ba? Wala sa isip ko ang lalaki," sagot ko, tapos na rin magretouch.

"See, no chance... pero ang dami kayang nagkakagusto sa'yo. Anyway, tapos na akong magretouch," sambit ni Ella at inilagay sa bulsa ng skirt niya ang mga ginamit.

Isa-isa kong nilagay sa bulsa ng skirt ko ang polbo at lip gloss. "I don't mind though, tara na? Baka ma-late pa tayo," sambit ko saka sila binalingan ng tingin.

Lumabas na kami ng cr at habang nasa hallway, may i-ilan na kumakaway sa gawi namin, may magha-hi at may i-ilan naman na nginingitian ako.

Nakasalubong namin si Celeste pero agad din siyang nag-iwas ng tingin nang makita kaming naglalakad.

"Si gaya-gaya oh," mahinang bulong ni Ella. Kinurot ko nga sa tagiliran. "Kairita pagmumukha eh."

"I must agree, Ella." Segunda naman ni Nadine.

Sabay silang tumawa at pakunwaring nagbubulungan habang nakatingin kay Celeste na ngayon ay pumasok na sakanilang room.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ito talagang dalawang 'to walang pinapalampas. Pareho nilang nilingkis ang mga braso nila sa'kin habang naglalakad sa hallway.

Naupo kami sa sari-sarili naming upuan pagkapasok ng room. Umayos kami ng upo nang makita namin si Sir Ion na nakasunod kay Nikko, dala ang ang sandamakmak na test papers. Kung hindi ako nagkakamali iyong dala niya ay iyong exam namin sa Physics.

Napapikit ako ng mariin nang maalala ko ang mga sagot ko ron'n, ilan lang ata ang may sagot doon. Hindi pa ako sigurado kung may tama.

"Since ikaw Nikko ang highest sa exam, distribute the papers to your classmates," ma-awtoridad na sabi ni Sir.

Make It HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon