Pumasok si Olan sa kanyang kwarto at nilock ang pinto. Saktong sinusuot ni Jude ang  puting brief na suot nito kanina. “Pare..” sabi ni Olan sabay hawak sa balikat ni Jude at pinaharap ito sa kanya. Hinalikan ni Olan sa labi ang kaibigan. Masiil. Tinulak ni Jude si Olan palayo sa kanya. “Puta pare! Nanjan syota mo. Baka makita tayo..” kabang sabi ni Jude kay Olan. “Nasa baba naman siya e..” sagot naman ni Olan. “Kahit na..” sabi naman ni Jude. Nainis si Olan at may kinuha sa kanyang cabinet. “Oh heto muna suotin mo, hiramin mo. Isauli mo nalang kapag bumalik ka..” si Olan na halatang nagdadabog. “Salamat..” si Jude. Inabot niya ang mga damit na hihiramin. Sando at shorts iyon. “Babe ready na yung snacks..” sigaw ni Marissa sa baba. “Okay babe. Patayin ko lang tong playstation..” sagot ni Olan. “Galit ka ba?”  tanong ni Olan kay Jude. “Ha?! Bakit naman ako magagalit?” sagot na patanong ni Jude habang nagbibihis. “Eh kasi kanina parang mag-asawa na tayo sa banyo. Tapos ngayon ni halik bawal na.. Nainis ka ba kasi dumating si Marissa?” tanong muli ni Olan habang nililigpit ang playstation at CDs. “Hindi ah. Tsaka hindi mo naman sinabi na may syota ka na..” sagot ni Jude na nagpapapogi na sa harap ng salamin. Nakaupo na si Olan sa kama at pinapanuod ang ginagawa ni Jude sa sarili.  “Halika na at baka naghihintay na babe mo..” sabi ni Jude kay Olan. Umakbay si Olan kay Jude at sumabay ng lumabas ng kwarto.  “Selos.. hehehe.” pabirong sabi ni Olan sa kaibigan. “Ulol!” ganti naman ni Jude at inalis ang pagkakaakbay ni Olan. “Pati akbay bawal na din?” sabi ni Olan sabay kiliti sa kaibigan. Sabay na bumaba sina Jude at Olan na naghahrutan at naabutan si Marissa na pinapak ang Nutella. Sinisipsip ni Marissa ang hintuturo nitong may tsokolate. “Babe, ansarap talaga nitong Nutella no..” sabi ni Marissa. “Ahh.. Ehh..” nauutal na hindi makasagot si Olan. Natawa naman si Jude at siya ang sumagot sa tanong ni Marissa. “Oo masarap talaga yan. Pinapak nga ni Olan yan e pagdating naming dito. Diba tol?” natatawang sagot ni Jude. Natawa lang si Olan. “Siya nga pala pare. Mauna na ako sa inyo. Dumating kasi yung bagong kasambahay ni tita e. Walang kasama sa bahay..” paalam ni Jude sa magkasintahan. “Tsaka monthsary niyo, nakakahiya naman na third wheel ako sa inyo..” dagdag pa nito. Biglang tumayo si Marissa at umabrisyete sa braso ni Jude. “Nako, Jude. Ayos lang yon sa akin. Dito ka na maglunch. Ipagluluto ka ni Olan. Masarap yan..” si Marissa. “Ahhh.. Alam ko..” sagot ni Jude. “Anong alam mo?” nagtatakang tanong ni Marissa. “Alam kong masarap si Olan… magluto.” pabirong sabi ni Jude kay Marissa. Tinanggal ni Jude ang braso niya sa nakadikit na sa katawan ni Marissa. Naka-tank top kasi ito at maikling shorts. Bakat ang malulusog nitong dibdib. At dahil naka-abrisyete si Marissa sa kanya. Nadikit tuloy ang braso niya sa dibdib nito. “Ah.. ehh. Pare salamat sa damit ah. Lalabhan ko nalang. Congrats sa inyo..” paalam na ni Jude sabay labas na ng bahay. “Sige pre. Text text. Salamat ah..” habol pa ni Olan sabay kindat sa kaibigan. Ngumiti naman si Jude bilang pagganti.
Mag-aalas onse na ng umaga. Medyo mainit na sa labas dahil tirik na ang araw. Nagmamadaling umuwi si Jude sa bahay dahil iniwan niya si Manang Estring sa bahay. Pagkauwi niya ay naabutan niyang nagluluto na ng tanghalian si Manang. “Oh iho. Tamang tama. Nagpriprito ako ng manok para sa pananghalian. Uuwi ba sila ngayon?” tanong ni Manang. “Ay. Hindi po sila naglulunch dito e..” sagot naman ni Jude sa matanda. “Ah ganun ba. edi tayong dalawa lang pala ang kakain..” sabi naman ni Manang Estring. “Opo. Ako nalang po maglalagay ng plato..” alok ni Jude sa matanda. “Salamat iho..” sagot naman ni Manang. Pagkatapos maghanda ng lamesa si Jude ay umakyat muna siya sa kanilang kwarto. Dinampot niya ang kanyang cellphone. 3 missed calls at 9 unread text messages. Si Mac, ang kanyang kaklase sa college, ang tumawag sa kanya. “Bakit kaya tumawag si Mac?” tanong ni Jude sa sarili. Humiga siya sa kanyang kama at binasa ang mga text messages. 3 sa mga messages ay galing sa kanyang tita. Tinatanong kung nanjan na daw si Manang Estring. Nireplayan niya ito. At ang 5 messages ay galing kay Mac.

Mac: Pare punta ka mamaya sa party ah. Text ko sayo address.
Mac: Pare dadating yung ibang kaklase natin. Punta ka ah..
Mac: Pare?
Mac: Uy!
Mac: Jude.

Nasibak ni InsanWhere stories live. Discover now