Prologue

9 1 0
                                        

"Sabrina! Bumaba ka na dyan at kanina pa naghihintay itong si Aiden dito sa baba."

Nagmamadali kong sinuksok sa bag ko lahat ng gamit na kailangan kong dalhin. Hindi ko na inisip kung maayos ko bang nailagay ito o hindi.

"Sabrina! Ano pa bang ginagawa mo dyang bata ka? Bumaba ka na dito!" Sigaw ulit ni Manang sa baba.

Paniguradong ang unggoy na iyon ang may kasalanan kung bakit ako minamadali ni Manang. Sumusol na naman iyon.

"Opo! Pababa na!" Sigaw ko pabalik.

Nagmamadali akong bumaba dahil ramdam ko ng mapapagalitan na ako pag hindi pa din ako bumaba. Mamaya at marinig pa ni Nanay Lolet si manang at mas lalo pa akong mapagalitan.

Nasa ikatlong baitang na ako ng hagdan namin ng nakita ko si Aiden na kung ano ano sinasabi kay Manang.

"Ate Tes, dalawang oras na po ako dito. Sinabihan ko na naman po si Irina na aalis kami ngayon. Bakit di pa po siya bumababa?"

"Ewan ko ba sa batang iyan! Kanina pa gising at hindi naligo agad."

"Tawagin nyo naman po, Ate. O kaya patawag po kay Nanay Lolet. Tapos..."

Hindi pa siya natatapos magsalita ay binatukan ko na. Ang kulugong ito hindi talaga titigil kakadakdak at ipapahamak pa ako.

"O ano na naman sinusulsol mo dyan kay Manang? Manahimik ka ngang unggoy ka!" Lumingon ako kay Manang. "Sorry po, Ate Tess. You can go now to do your work po. Pasensya na sa disturbo." Nginitian ko siya ng matamis. Ngiting ginagamit ko para di ako masumbong kay Nanay Lolet.

"Osya sige maiwan ko na kayo dyan at marami pa akong gagawin. Sabrina, mag sabi ka pag pauwi na. Aiden, ikaw na bahala sa alaga namin ah." Pagpapaalam ni Manang.

"Masusunod, Ate Tes." Sabi niya habang tumatayo.

Sumaludo pa siya kay Manang bago ako hilain palabas. Hindi ko na nilingon kung ano magiging reaction ni Manang.

Nakatingin lang ako sa kamay niya na nakahawak sakin at hindi ko na namalayan na nasa harap na kami ng sasakyan niya. Kung hindi pa siya humarap sakin ay baka hindi ko pa naalis ang mga mata ko doon.

"Sakay na, Prinsesa!" Sabi niya bago ako pagbuksan ng pinto.

"Ayaw ko nga! Sabihin mo muna saan mo ko dadalhin." Hinila ko ang kamay niyang nakahawak sakin at tinignan siya ng mapanuri.

"Basta sumakay ka na lang. Dami po pang satsat! Kailan ba kita pinahamak?"

Hinihila na niya ako papasok pero pilit kong tinatapik ang kamay niya.

Lagi. Lagi mo na lang ako pinapahamak.

Sabi ng isip ko. Hindi  ko kayang sabihin sakanya. Baka magtampo na naman siya at hindi ako kausapin.

"Oo na! Bitawan mo ako at papasok na ako." Napangiti na lang siya sa sinabi ko.

Tinitignan ko lang siyang umikot papunta sa driver seat habang kinakabit ko yung seatbelt ko.

Bumibigat talaga pakiramdam ko. Parang gusto kong bumaba. Parang may mali.

Ayaw ko talaga sumama kasi parang may iba sa lakad na ito. It feels like this is our last trip together.

I hope not...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Second BestWhere stories live. Discover now