Chapter 06 Pakatatag

8 6 1
                                    

Ilang buwan na ang lumipas..

"Walang soc med wala sa mga school, anong ginawa ni Lhara hindi naba sya nag aral? Wlang kahit ano na makikita tungkol sa kanya online puro kapangalan lang pero hindi sya"
Sabi ni Allen samin.

"Nalibot ko nadin yung lugar kung saang ng yari ang aksidente pero wala makapag turo kung nasaan si Lhara"
Sabi ko kay Allen at Ica.

"Teka Na try mo nadin ba mag tanong tanonh sa mga Hospital baka sakali may malaman tayo"
Sabi ni Ica.

"Wala din sa susunod na bayan ako mag hahanap hanggang sa susunod na bayan hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita si Lhara"

"Zam hindi naman sa mag negative thinking ako paano kung patay na si Lhara"

"Hindi patay si Lhara buhay sya"

"Paano ka nakakasiguro?"
Tanong ulit ni Allen. Nilapitan ko sya at tinitigan sa mata.

"Pag sinabi kong buhay sya! Buhay sya!!"

"Chill lang Zam, huwag ka magalit kay Allen mag pahinga na tayo pare pareho na tayong Stress at pagod ok"
Awat ni Ica sakin.

Matapos ang pangyayari nag decide ang dalawa na mag pahinga muna ng mga ilang araw habang ako patuloy ko parin sya hinahanap gabi gabi napapanaginipan ko si Lhara, umiiyak may sinasabi pero pag nagigising ako hindi ko matandaan ang sinasabi nya. Habang tumatagal ang pag hahanap ko sakanya lalong hindi maganda ang nararamdaman ko.

May mga tumatawag na nakita daw nila si Lhara pero puro false Hope lang.

****************************

Lhara

Isang araw matapos ko ma discharge sa hospital sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng pagasa na panandalian lang pero kahit na panandalian lang iyon nag papasalamat parin ako.

Dumating sila Prof.Jin at Pako na may dalang mga pagkain na pag sasalusaluhan namin dahil ang araw na ito. Ay kaarawan ni Sheryl ang anak ni Ate sabina 7years old na ito kaya medyo pinaghandaan maigi nila ate Sabina.

Katulong ako sa pag dedecorate pagluluto. May mga ibang bisita din sila syempre. Pero ng araw na iyon biglaang umuwi si Tiya Isay. Hindi ko alam pero galit na galit ito. Bigla nalang nakaramdam ako ng takot na ngatal buong katawan ko hindi ko ma intindihan bakit.

"IKAW!!!!!!! ANONG PINAGGAGAGAWA MO HABANG WALA AKO!!!!"
galit na pasugod na lumapit si Tita sakin.. sa hindi ko malamang dahilan bigla nalang nya ako sinabunutan. At kinaladkad ako papasok sa kwarto ko.

"NAKUHA MOPA Talaga pagandahin ang bodega na ito"
Bago ma isara ni Tita ang pintuan napansin ko ang paglapit ni Prof.jin at ni Pako pero agad ng naisara ang pintuan at na lock na ito.

Ang mga sumunod na pangyayari,

"IKAW SINISIRA MO PLANO NAMIN ANONG GINAWA MO AT PINAGHAHANAP KA NG MGA TAO NAYUN!!!!"
Sabay sakal nya sakin,.

Ugh.... Ano nanaman ba ang nagawa kong mali at dapat kong danasin ito unti unti nako nawawlan ng hininga at ang tanging naiisp konalang ng mga oras na ito huwag na nila ako pahirapan pa.

"Darling Huminahon ka baka mapatay mo sya"
Sigaw ni Tiyo sa labas..
Bahagyang lumuwag ang pagkakasakal sakin ni Tiya

"Anopo ba ang nagawa ko??"

"ANONG NAGAWA IKAW ANG MAG SABI SAKIN BAKIT HINAHANAP KA NG MGA TAO NAYUN?!"
sabay sabunot sakin ni tiya.

"Hindi ko po kayo intindihan sino po ba ang tinutukoy nyo"

Huske ( Remember )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon