"Bakit ka umuwi? May naiwan ka ba?"

Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa sofa. Tinanggal ko ang bag ko at inilagay sa tabi. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Nagtatakang lumapit si Nanay at kinalabit niya ako.

"Billie anong nangyari? May nangyari ba sa shop?"

Umiling ako at tinago ang aking mukha gamit ang isang kamay pero hindi maiitatago ang mga tumutulong luha sa'king mula sa aking mga mata.

"Billie naman, ano? May nangyari ba sa mga bata?"

Umiling ulit ako at pinunasan ang aking pisngi. "Wala ho 'nay."

"Oh eh ano ba ang nangyari sayo at bakit ka umuwi na umiiyak?" Nagtataka na niyang tanong. Nabahiran narin ng pag-aalala ang tono ni Nanay.

Umupo siya sa tabi ko pero hindi parin niya binitawan ang mga nalabhan na mga damit. Siguro ay kinuha niya yun mula sa sampayan namin.

"Y-Yung Papa ni Kamp..."

"Ha? Anong ibig mong sabihin Billie?"

Huminga ako ng malalim pero hindi tumigil sa pagbuhos ang mga luha ko. "Si Oxford po 'nay." Nahihirapan kong sagot.

Napaawang ang labi ni Nanay nang sabihin ko ang pangalan ni Oxford. Pagbanggit palang ng pangalan ni Oxford ay nahulaan niya ang ibig kong sabihin. Hindi siya nakapagsalita agad at parang lumalim ang iniisip niya ng dahil dun.

Tahimik kong pinunasan ang aking luha atsaka yumuko lang at pinaglaruan ang aking mga daliri. Maya't-maya ay narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Nanay.

"Nasaktan ka bang nalaman mong siya ang ama ni Kamp?"

Umiling ako at nagkibit-balikat. Hindi ako nagtaas ng tingin. "Hindi ko alam 'nay. Parang naging over-acting ako sa kinilos ko kanina. Nahihiya din akong humarap sa kanya."

"Hindi naman pwedeng buong araw kang magmumukmok dito sa apartment, Billie. Kausapin mo siya ng masinsinan—ako, hindi lang kita kinukunsenti kasi na manatili ka dito sa apartment dahil kailangan mo ring kausapin yung tao. Kung siya ang ama ni Kamp ay dapat magdesisyon kayo para sa bata. Kahit nasa likod mo ako anak ay hahayaan lang kita sa gusto mong gagawin. Matanda ka na at may sarili kang isip." sagot niya.

Bago ako iniwan ni Nanay sa sala ay tinapik niya ang balikat ko at sinabi sakin na magpahinga lang muna at kailangan ko raw na mag-isip ng maayos.

Nagbihis muna ako naghilamos ng mukha. Sinuklay ko ang buhok ko at tinali para hindi magkalat. Naglakad ako papunta sa kusina para tignan kung ano ang niluto ni Nanay para sa tanghalian. May inorder siyang pagkain na sigurado akong magugustuhan ng mga bata.

Pumasok muna ako sa kwarto ko para ipasok yung mga damit na kinuha ko mula sa likod. Saktong paglabas ko mula sa kwarto ko ay may kumatok sa pinto. Unang pumasok sa isip ko ay baka sina Nanay na at ang mga bata pero wala akong narinig na ingay sa labas. Naglakad na ako papunta sa pinto para buksan at makapasok sila.

Pagbukas ko ng pinto ay agad na tumambad sakin ang mukha ni Oxford. I catched him expressionless but when he saw his face lit up a bit. He let out a sigh.

Nataranta ang sistema ko pagkakita sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung isasara ko ang pinto o papasukin siya sa loob ng apartment namin.

"Oxford." Halos maputulan na ako ng hininga nang banggitin ko ang pangalan niya.

"Billie." he uttered.

Napasandal ako sa pinto pero hindi ko pinahalata sa kanya na nangangatog na ang binti ko dahil nakita ko siya. "A-Anong ginagawa mo dito?" I stuttered.

He took one step to get closer to me but we still had a few steps distance from each other. "Will you go out with me and have lunch together?" Hindi siya nag-atubiling sabihin yun sakin.

Oxford Onde histórias criam vida. Descubra agora