I also checked the temperature of my daughter. Hindi pa bumaba ang lagnat niya. Ang sabi ni Nanay ay pinauna niyang pakainin si Nillie para makainom ng gamot. I felt sorry for Nillie because I forgot that she's sick. Napunta kasi sa iba ang isip ko kaya nakalimutan ko siya.

"Itatabi ko lang munang matulog si Nillie sa kwarto ko. Wala na akong sipon ngayon kaya ayos na maitabi ko siya sa akin kaysa mahawaan niya ang kuya niya." suhesyon ni Nanay.

"Okay lang 'nay. Kung may kailangan ho kayo ay sabihin niyo lang sakin." sabi ko at kinarga palabas ng kwarto si Nillie para mailagay siya sa kwarto ni Nanay.

Nakaayos naman yung higaan ni Nanay. Linagyan niya ng unan sa gilid para hindi mahulog ang bata. Hiniga ko si Nillie sa kama. Pinunasan ko muna ang kanyang katawan bago siya binihisan ng bago. Nilagyan ko rin siya ng basang towelette sa noo.

Nilagyan siya ng Kool fever ni Nanay sa noo kanina pero hindi parin bumaba ang lagyan niya. Kapag tatlong araw na siyang hindi magaling ay dadalhin ko siya sa ospital para matignan ang kalagayan niya, baka ano na ang nangyari sa kanya.

"Mama I want water color." Kamp announced as I entered our room. Nauna na siyang humiga sa akin at yun ang binungad niya sakin.

Pinatay ko muna ang ilaw bago humiga sa tabi niya. Tumagilid ako para makaharap siya. "Bibili ako pero hindi ako sure, okay? Kapag may free time si Mama pupunta ako sa mall."

"Okay. Thank you Mama."

"Now go to sleep, Kampy. May pasok ka pa bukas."

Yumakap siya sakin at pinikit ang kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim at unti-unti ko ring pinikit ang aking mga mata para makatulog.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Kamp para maihatid ko siya sa eskwelahan at para maaga din akong makapunta sa shop. Magaan ang loob ko nang umalis ng apartment dahil hindi na mataas ang lagnat ni Nillie pero hindi siya pwedeng pumasok kaya nagsulat ako ng excuse letter para sa anak ko. Sinabi ko rin sa teacher niya para malaman na hindi papasok si Nillie.

Dala ko ang relo ni Oxford. May ugali siyang dumalaw sa Lopez kahit maaga palang. Ewan ko kung bakit siya dumadalaw minsan ng maaga pa. Ilang beses na yung nangyari, minsan kapag wala ako sa Threads ay sinasabi nalang ng mga kaibigan ko na nakita nila si Oxford sa labas ng shop ko.

There's something suspicious by that action of his. Mabuti sana kung manghuhula ako ay mahuhulaan ko kung ano ang nasa isip niya pati narin ang mga kinikilos niya para handa ako kung sakaling ano man ang gusto niyang iparating sakin.

Hindi ako nag-aassume ng kung ano, pero nasa dibdib ko yung ibang pakiramdam na parang gusto niya akong habulin, dalawin, o hawakan.

Hindi ko pa yun naramdaman sa ibang lalaki. Hindi ko rin kayang magtiis.

Binaba ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesa. Paglabas ko ng opisina ay pinunasan ko muna ang sewing machine ng tissue paper dahil may alikabok na ito. Yung mga kasamahan ko sa shop ay tahimik ng nagtratrabaho. Yung musika lang na pinatunog galing sa Spotify ang siyang naglilikha ng ingay sa loob ng shop para hindi boring at hindi antukin ang mga katrabaho ko sa pagtatahi.

Sewing sometimes could be sleepy especially if the day seemed like it's a boring day.

Tumulong ako sa pagtatahi at kalahating araw ako halos nagbabad sa pagtatahi. Mabuti nalang at natapos ako sa shirt ni Ares. Mahal din ang tela na ginamit at hindi yun makati kapag isinusuot at hindi din yun madaling kumupas kapag linalabhan araw-araw. Bago ako nag-umpisa sa pants niya ay kinuha ko muna si Kamp sa eskwelahan niya at hinatid sa apartment bago ulit bumalik sa Threads na hindi kasama ang bata.

Hindi ko natapos ang pants pero may bukas pa naman para gawin yun. Hindi dumating sa Lopez si Oxford sa araw na yun. Nadismaya ako pero wala akong karapatan para pumait ang pakiramdam ko dahil lang sa hindi niya pagbisita. He's a busy guy and he's not just making his empire growing wider, he also had a life outside of it and I wasn't included in his life.

Oxford Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon