2

18 0 0
                                    


"2 years din kami, it's not easy for me to move on. Hindi ko gustong bumitaw, It was her choice. Noong una, It was hard for me to accept everything, pero I guess it's for the better." He said habang binubuksan ang pangalawa niyang bote ng beer.


I nodded, understanding what he said. So mahal na mahal niya talaga 'tong Iris na 'to. Bakit siya iniwan? Anong dahilan?


"How can she let you go? Parang nasayo na lahat." I chuckled. I don't care kung ma weirdo-han siya sa sinabi ko, but it's the truth. Hays, kung ako yan.


He laughed hearing my statement. "Well..sana nga ganyan nalang tingin niya sakin, but she said na hindi niya ako makita sa plano niya."


"Anong ibig sabihin n'on?"


"Hindi niya ako makita sa future niya."


Hindi rin nagtagal at nagyaya nadin akong umuwi, buti nalang at sober pa si Seven kaya maayos ko pa siyang nakausap at nakasabay. Nakakahiya kasi kapag nagpahatid ako sa driver niya tapos hindi ko naman siya kasama.


Bago kami tuluyang umalis ay nagpaalam kami sa mga kasama ni Seven. Lumapit ako kay Ian at nagpaalam na din.


"I have to go, Nice to meet you." nakangiti kong sabi habang kinuha ang handbag ko sa gilid ng inupuan namin.


"Nice to meet you, see you around"  he replied.


Sana nga ay madalas ko pa siyang makita.



"Nababaliw na ko Samantha, crush na crush ko talaga siya pero may ex tapos 2 years pa sila! Lugi talaga d'on!" reklamo ko habang naga apply ng skin scare sa mukha.


Samantha is here with me dahil niyaya ko siya mag-sleep over. I want to clear my mind din sa mga nangyayari lalo na't  nalaman ko na yung crush ko ay 'di pa naka move on sa ex niya.


"Well, don't rush him. Let him move on. You can help naman e, just be there for him."


That's right. Sapat na siguro na palagi ko siyang sasamahan para kahit papaano naman ay ma-acknowledge din niya presence ko.


"Saka, ilang araw mo palang naman kayo magkakilala. May mahahanap ka pang mas better diyan sa crush mo. 'yung hindi baliw sa ex lol."


She's right. I'm sure na hindi naman ganon kalalim 'tong nararamdaman ko for him. Ilang araw palang naman ang nakakalipas, I'll wait na mag-fade 'tong nararamdaman ko. Siguro ay mas mabuti na kilalanin ko muna siya at maging friends kami. That's better right?


"I just don't want to see you get hurt, Everleigh."


"I promise, I won't."



The next day, Maaga umalis si Samantha dahil pinapatawag siya sa org nila. Hindi na ako nakapagpaalam dahil tulog pa ako. She just left a note apologizing na hindi na siya nakapagpaalam sakin.

Withdrawing to the BackgroundWhere stories live. Discover now