Fritz And The Bridas Guy

3 1 0
                                    

CHAPTER 1

ALAS singko y media na ng umaga at ako'y nagkanda-uga-ugaga para lang makapag-lagay pa ng kahit kakarampot na eyeliner sa mata ko.

Kung tutuusin, maaga pa para sa isang high schooler na kagaya ko, ang kaso, tagabukas ako ng pinto. Kaya no choice kung hindi ay maagang umalis ng bahay.

Kasabay ng pagmamadali ko ay nag patuloy na pag-ring ng aking cellphone dahil sa mga alarm ko na may 5 minute intervals each. 1 to 5 ng umaga nag-riring 'yan kasi malaki trust issues ko sa sarili ko.

"Umayos ka, please," halos maiyak kong sabi hanggang sa makatapos na sa paglalagay ng make-up.

Buhat ang bag at ilang kakailanganin, patakbo akong bumaba sa hagdan at kumaripas papuntang pinto. Bumungad sa akin ang nakapamewang kong ninong na siyang kanina pa naghihintay.

And so, I was bombarded with a bunch of sermons papuntang school.

Upon arrival, nakita ko na nakalinya na ang aking mga kaklase kaya naman dali-dali kong hinalungkat yung susi ng room sabay bukas.

"Late ka nanaman," rinig kong pang-aasar ni Angelo. Pinakyuhan ko siya sabay upo.

A squeal came from outside at nakita ko naman si Justin na animo'y kinukuryente ang paa habang papasok sa classroom. Napakunot ako ng noo. "Ano meron, 'teh?"

"Behhhh! 'Bat ka may dalang bag? Baliw walang lesson ngayon!" tili nito. For a moment I was confused but then I remembered today was the opening program from Intramurals. Napamura ako sa sarili ko.

Nagdala pa nga ng extra bag! Tingin-tingin kasi sa schedule next time!

"Walang lesson! Walang lesson!" Paulit-ulit na sigaw ni Justin.

"Ate, tama na-"

"Walang lesson!"

"Oo na!"

I just sighed tapos kinurot sa tagiliran si Justin.

I know naman na hindi about sa lesson yung ugat ng kasiyahan nya. Intramurals means sports and sports mean mga lalaking pawisan. Which is kadiri pero hindi naman all the time.

"Settle down, class," Napaigtad ako nang biglang pumasok si Ma'am Lorenzo na may dala-dalang clipboard. Mas mabilis pa sa mabilis na nagsi-upo yung mga kaklase ko. "I know you are all excited kasi nga nakalibre kayo sa lesson today pero just a reminder," she pulled out her phone. "May note tayo galing sa principal's office na may darating na mga taga-ibang school. So, I expect na kayo ay magpakita ng inyong best behavior lalong-lalo na at kayo ang number 1 pilot ng grade level nyo."

Her eyes began searching for me. "Marco," tawag nya sa apelyido ko. Napatayo naman agad ako sabay sabing, "Ma'am?"

"Remember, representative ka para sa school festival after ng intrams. Ready na ba?" tanong nya na may ngisi. Napressure ako bigla dahil sa itsura ni ma'am.

"Yes, ma'am,"I simply nodded.

"Good."

I gulped. Other schools? Hindi ba dapat sa kanya-kanyang schools yung intrams nila? And what? Kasama sila sa school festival? Luh?!

"Wala akong maririnig na comment about sa inyo na pagala-gala daw ang section ng Emerald at mas lalo nang wala akong maririnig na kahit anong drama tungkol sa inyo, naintindihan ba?"

No, ma'am! Hindi pwede! I can not face my old school! Baka nandon pa inaway ko! Nooo!

Nang walang sumagot ay nagtanong muli si Ma'am. "Naiintindihan ba ako, 9-Emerald?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Times I Fell For YouWhere stories live. Discover now