chapter seventeen.

Start from the beginning
                                    

"Good girl.." Ngumisi si Trevor. "5 minutes till movie screening. Time to let the world see your talent." Pinunasan nito ang mga luha sa mata ni Sasha.

"Shoot! Yung makeup ko!" Nataranta si Sasha habang nakita ang makeup niya na nasira.

Kinuha ni Trevor ang makeup bag niya at sinimulan na ayusan si Sasha. "Aayusin ko lang saglit tapos pumunta na tayo sa theater."

~'•'~

Dumating sila sa theater at mas lalong namangha ang mga tao nang makita si Sasha na mas manipis ang makeup pero mas daring at mas sexy.

Nagsimula ang movie screening at naupo na sila sa Front seats.

~'•'~

Nang matapos ang movie, maraming mga manonood ang naiyak at naantig. Marami rin ang natuwa sa pinakitang galing nila Trevor at Sasha dahil trahedya at mas ma-drama ang mga scenes nila.

Paglabas nila mula sa theater ay nagkislapan ang mga ilaw ng camera sa kanila.

"Trev.. saan nga ulit yung fan meet?" Tanong ni Sasha sa kaniya habang papunta sa sasakyan.

"Sa may stadium, bandang Makati I think.." Sagot naman nito habang sumasakay sa sasakyan.

Nagmaneho na muli si Trevor papunta sa Makati para makapag-prepare sa fan meet.

"Hindi ba kasama sila Leiah sa fan meet?" Isa pang tanong ni Sasha habang kumakain ng burger.

"Tayo lang yung pinag-event. I think walang masyadong pumansin kay Leiah dahil puro paarte lang naman yung ginawa niya sa movie." Tumawa ito.

"Gutom ka na ba?" Nakatulala si Sasha kay Trevor.

"Hindi pa naman." Sagot naman ni Trevor.

Rinig na rinig na ni Sasha na kumakalam ang sikmura nito.

Sinubo niya yung buong burger sa bunganga ni Trevor. "Mhm. Ayan kainin mo. Eat well." Humalakhak si Sasha sa itsura ni Trevor habang puno ang kaniyang bibig. Pinicturan niya pa ito habang kumakain.

"Huy 'wag naman ganiyan. Baka mamaya I post mo yan tapos mukha akong tanga ah." Ngumuso siya.

"Hay nako. Kumain ka na lang. Malapit na ba tayo?" Nakadungaw si Sasha sa labas.

"5 minutes. Malapit na tayo" Ngumiti si Trevor. "Sash.. painom po ng tubig."

"May kamay ka naman eh." Inilapit niya ang straw ng cup niya kay Trevor. "Oh inom."

Makalipas ang limang minuto, nakarating na sila sa Stadium at sinimulan ang fan meet.

Kumanta at sumayaw ang dalawa habang kilig na kilig ang mga fans nila na patuloy sa pagsigaw ng pangalan nilang dalawa.

~'•'~

Pagkatapos ng fan meet ay bumalik na sila sa condo ni Sasha.

"Dito ka na kaya mag-dinner? 11 pm na pala. I'm sure nakakain na sila Ares at Rai. Kakaalis lang ni Ares kanina." Ibinaba ni Sasha ang bag niya sa couch.

"Sige ba..what are you cooking chef?" Kinindatan niya si Sasha.

"Ano bang gusto mo? Steak? Pasta?" Tanong nito habang naghahanap ng ingredients.

"Hindi naman porket mayaman ako 'yan lang kinakain ko. What if uhmm.. Sinigang?" Pagsu-suggest nito.

"Sige, madali lang naman yun, give me 30 minutes." Sinimulan na niyang lutuin ang mga ingredients at hinati ang mga gulay.

"Pagod ka na pero ang ganda mo pa rin." Nakatulala si Trevor sa kaniya.

"Aba syempre naman! Ako na to eh.." Namula siya at natawa sa mga compliments ni Trevor.

~'•'~

Habang kumakain sila, napanood nila ang news. Nag-viral ang kanilang film dahil sa kanilang dalawa. Tuwang-tuwa sila sa balita. Ngunit bumalik ang inis sa mukha ng dalawa nang makita na nag-viral rin ang pamamahiya ni Leiah kay Sasha.

TO BE CONTINUED.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glow Up Series #9: Flat is the New SexyWhere stories live. Discover now