chapter seventeen.

2 0 0
                                    

Nakarating na ang red Lamborghini na nakapukaw sa atensiyon ng marami. Matapos lumabas ng mga bida sa pelikula nila, sumunod sila. Tila mas naantig ang mga tao sa kanila dahil panay sila ang sigaw ng mga tao at sila ang kinukuhanan ng mga pictures.

Naglakad si Sasha sa red carpet habang nakahawak sa braso ni Trevor na nakangiti sa kaniya.

Bumulong si Sasha sa kaniya. "Bakit ba ngiti ka ng ngiti?"

"Kasi ang ganda mo" Bumulong si Trevor pabalik.

Hinampas niya ito ng mahina at tumawa ng saglit sa sagot nito.

~'•'~

Habang nasa press conference, rinig na rinig ang tawanan at kulitan nila Sasha at Trevor. Maayos ang takbo ng event hanggang sa tinanong siya ng co-actor niya na si Leah.

"Kung gusto mo na magpa-plastic surgery may kakilala akong doctor." Biro nito.

Napakagat ng labi si Sasha, hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Leiah sa kaniya.

"Excuse me?" Napatanong na lamang siya at hindi makapaniwala na tatanungin siya ng ganon.

"Oh come on.. kung gusto mo ng boob job I can recommend a doctor." Tumawa ito ng malakas.

Nagtawanan rin ang mga reporters at guests sa biro niyang ito.

Sasha's POV
At this point gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Wala naman akong ginagawa sa babaeng 'to pero grabe makapagbiro akala mo naman close kami.

Napatahimik lamang ang iba nilang co-star na hindi rin nagustuhan ang inasta ni Leiah rito.

Pilit na pinigilan ni Sasha ang mga salita na lalabas sa labi niya. Hinayaan niya na lamang ito at iniba ang topic.

"Sash.." Pag-aalala ni Trevor.

"Ayos lang ako" Pinilit ni Sasha na ngumiti sa harap nito.

Sa mga sumunod na sandali, inilapat ni Trevor ang kamay niya sa kamay ni Sasha.

"Kung nagagalit ka, pisilin mo na lang yung kamay ko." Alok ni Trevor.

Habang nagsasalita at nakangiti si Sasha, pinipisil niya ang kamay ni Trevor. Halos gusto niya nang umiyak dahil sa mga nangyari.

Nang matapos ang event, kinompronta ni Trevor si Leiah ng patago.

"I don't know where you got that trashy attitude of yours, pero kapag may narinig pa ako na masamang salita tungkol kay Sasha.. ako mismo ang sisira sa buhay mo pati sa buhay ng mga minamahal mo." Sinamaan niya ng tingin si Leiah at umalis.

Hinila ni Trevor si Sasha at niyakap ito. "May movie screening pa tayo mamaya, cry all your tears until 7:59 pm.." Hinaplos nito ang likod ni Sasha.

Hindi na napigilan ni Sasha na maluha sa yakap nito. "Kasalanan ko ba na ganito yung katawan ko?" Patuloy ang pagluha niya. "Ginawa ko naman lahat ah. Plastic surgery ba? Kapag ginawa ko sasaya sila? For once.. I want to be flawlessly beautiful.." Humagulgol ito habang ibinabaon ang mukha niya sa dibdib ni Trevor.

"Shh.. ilabas mo yan.. you have 10 minutes left.." Hinalikan nito ang noo ni Sasha.

"Hindi.. hindi dapat ako nagb-breakdown ngayon." Ngumiti siya kay Trevor. "It's not like this is new to me.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glow Up Series #9: Flat is the New SexyWhere stories live. Discover now