chapter sixteen

2 0 0
                                    

"Parang ayaw mo na ata sa condo ko eh" Hirit pa ni Trevor.

"Sorry na nga e! Ang kulit mo diyan ka na nga!" Inis na paglalakad ni Sasha palayo sa kaniya.

"Ay! Huy, it was a joke." Bigla niyang niyakap si Sasha.

Nanigas si Sasha at hindi makagalaw nang maramdaman niya ang yakap ni Trevor.

~squish~

"Ahh.. ate, kuya you're squishing me!"

Hindi namalayan ng dalawa na kinakarga ni Sasha si Rai at naipit sa yakap ng dalawa.

Mabilis na itinulak ni Sasha si Trevor at hinawakan ang pisngi nito na naipit sa dibdib ng dalawa.

"Ang landi kasi!" Sinamaan niya ng tingin si Trevor.

Ngumisi lang si Trevor sa kaniya. "I just remembered.. may press con at fan meet tayo mamaya. Sumabay ka na sa'kin papunta." Alok ni Trevor dito.

"Aba! Ayoko nga. Bahala ka diyan sa buhay mo. Para-paraan ka na naman eh." Inirapan niya si Trevor.

"Hindi kaya. Para yun sa fans natin since tayo rin naman yung gusto nilang magkatuluyan. Tyaka para na rin mas maging hot topic tayong dalawa sa showbiz."

Tila hindi na makatatanggi si Sasha dito dahil para rin ito sa trabaho niya.

"Oh sige na. Sasabay na ako, baka naman gumawa ka pa ng essay sa paliwanag mo eh." Suminghal si Sasha.

"I'm gonna go, kailangan ko pang maghanap ng susuotin ko mamaya. Bye." Nagpaalam si Trevor at niyakap si Sasha bago ito umalis.

~'•'~

Sasha's POV
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong susuotin ko. Nasa labas na ata si Trevor.

"Sash? Uhm can I go in?" Kumatok si Trevor sa condo niya.

Binuksan ni Rai ang pinto. "Hi kuya. Nagbibihis pa po si ate." Nakangiting sabi nito.

"Ah ganon ba? Sige maghihintay na lang ako." Hinaplos nito ang buhok ni Rai at umupo sa upuan.

Habang natataranta si Sasha sa closet niya, nag-uusap si Trevor at Rai.

"I'm going to court your ate soon" Pagsisimula nito.

"Soon? Why not now?" Pagtataka ni Rai sa sinabi nito.

"Because I want to ask your permission first. Pwede ko bang ligawan si Sasha? What do you say hmm?" Tanong nito.

"Di po ba dapat si ate tinatanong mo?" Kumislap ang mga mata ni Rai habang ini-imagine na ikinakasal si Sasha at Trevor.

"Well, traditionally dapat nililigawan muna ang pamilya para maligawan ko yung babae na gusto ko. And since you're her family, syempre naman ikaw ang kailangan kong mapapayag bago ang ate mo." Inayos ni Trevor ang buhok niya sa salamin. "Kailan ba lalabas yung ate mo? Baka haggard na ako pag lumabas siya."

"Kuya, I approve of you!" Itinaas niya ang mga kamay niya na naka-thumbs up sa kaniya. "Hindi ka naman pumapanget eh. 'Wag ka na po mag-ayos."

"Anong pinag-uusapan niyo?" Sumingit si Sasha sa usapan nila.

Natulala si Trevor at Rai habang lumalabas sa walk-in closet niya si Sasha. Kumikislap ang mga mata nila sa sobrang ganda ng pagka-ayos ni Sasha sa sarili niya.

Kapansin-pansin ang hulma ng katawan niya dahil sa pulang long dress na suot nito. Sleeveless at backless ang disenyo na may slit sa bandang hita niya. Tila nag-ibang anyo siya sa fierce makeup look niya habang suot ang magagarang alahas.

"Huy! Trev! Anong pinag-uusapan niyo?" Pag-ulit ni Sasha..

"Wala naman. Nag-uusap lang tungkol sa condo." Malamig na sabi nito.

Malamig man ang tono ng boses nito, hindi makakaila ang matinding pagtitig nito kay Sasha. Tinitignan niya ito mula ulo hanggang paa habang pinapanatili ang walang emosyon niyang mukha.

"May mali ba sa suot ko?" Kinakabahang tanong ni Sasha. Ramdam niya ang matinding tingin ni Trevor at parang nangliliit siya. Napansin niya rin ang suot nito; itim na tux na may puting long sleeve at itim na neck tie.

Kahit pa makapal ang tela ng blazer ni Trevor, agaw-pansin pa rin ang pagkahulma ng kaniyang katawan, maskulado ang buong katawan. Bakat na bakat ang mga muscles niya suit niya at nakikita ang kaniyang shoulder-dominant na pangangatawan rito.

"Maraming maglalaway sa'yo Sasha. Para kang walang suot." Puna ni Trevor.

"Wala akong masyadong nahanap kanina eh. Sige magpapalit na lang ako." Bakas ang pagkadisappoint sa mukha ni Sasha dahil inakala niya na hindi maganda ang pananamit niya.

"Hindi mo kailangang magpalit. I learned karate, boxing, taekwondo, Muay Thai, martial arts, and self-defense. I'm sure someone who'll try to approach you will be the least of our problems. You can wear whatever you want. I doubt those who look at you will live another second anyway." Naging seryoso si Trevor. Naging protective ngunit hindi controlling ang mga sinasabi nito.

"Pero sa tingin mo, ayos lang ba yung suot ko?" Tanong ni Sasha.

"Maganda ka naman talaga, kahit basura pa isuot mo maganda ka pa rin. You look.. hot." Mahinang sabi nito habang papalapit sa kaniya.

"Ikaw rin.. Parang ngayon lang kita nakita na ganiyan kagwapo." Tumawa siya ng mahina.

"Rai, dito ka muna ha. Sasamahan ka ni Ares dito.." Niyakap ni Sasha si Rai bago tuluyang iwanan sa kapatid ni Trevor.

"Tara na?" Inilapit ni Trevor ang kamay niya para kay Sasha.

"Oo." Ibinigay niya ang kamay niya kay Trevor.

Habang sila ay bumababa pa lamang sa elevator, napalibutan sila ng mga camera na tuloy tuloy ang pagkurap sa mga mata nila. Napalibutan rin sila ng mga bodyguards ni Trevor na pinipigilan ang mga reporters at cameraman na lumapit sa kanila.

Lumabas na sila ng hotel. Ngayon ay isang pulang Lamborghini ang sumalubong sa mga mata ni Sasha. Binuksan ni Trevor ang pinto ng sasakyan at pinauna siyang sumakay. Inilagay niya ang kamay niya sa roof ng loob ng sasakyan upang hindi mauntog si Sasha at inayos ang seatbelt nito.

Isinara niya ng dahan-dahan ang pinto ng sasakyan at sumakay sa driver's seat. Makaraan ang ilang minuto ay nagmaneho na siya patungo sa event place sa isang malaking stadium sa Manila.

TO BE CONTINUED.

Glow Up Series #9: Flat is the New SexyWhere stories live. Discover now