chapter fifteen.

3 0 0
                                    

Sasha's POV
Isang oras na kaming nagd-drive rito. Ewan ko na kung saan ako dadalhin nitong lalaki na 'to. I need to go home to Rai soon.

"Mmgh nnmm.." Pinilit ni Sasha na magsalita despite the tape gluing her lips shut.

"Don't worry, malapit na tayo" Ngumiti si Trevor sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Kumunot naman ang noo ni Sasha at tinignan ito ng masama.

"Nmm!" Hindi mawari ni Trevor kung ano ano na ang lumalabas sa bibig ni Sasha dahil sa tape.

Sa ilang sandali, tumigil ang kotse nito. Nakita ni Sasha ang isang malaking hotel na pagmamay-ari ni Trevor.

Bumaba si Trevor at tinanggal ang tape na ikinabit nito sa kaniya kanina. Kinuha ni Trevor ang kamay nito at dali-dali siyang hinigit papasok sa lounge ng hotel.

Nagpumiglas si Sasha sa malakas na kapit ng kamay nito sa kaniya. Tumigil ito ng panandalian. Inundayan niya ito ng dalawang malakas na sampal.

"Anong tingin mo sa'kin huh? Hindi ako sasama sa'yo kahit pa kaladkarin mo ako!" Galit na sigaw nito.

"I-.. It's a misunderstanding" Mahinahong pagpapaliwanag ni Trevor. "Dinala kita rito so you can live here. Since you're a famous figure now, there's no reason to live in that crappy small apartment anymore." Dagdag pa nito.

"H-huh? Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala si Sasha rito. "Bakit mo naman gagawin 'to? Wala kang utang sa akin Trevor." Bakas sa mata niya ang hiya at kaba niya sa tingin ni Trevor.

"Hindi naman lang para sa'yo ang lahat ng ito Sasha. Para rin sa kapatid mo." Inilapag nito ang kamay niya sa balikay ni Sasha.

"Wala kang responsibilidad sa amin. Hindi mo kailangan na gawin pa 'to" Tinanggal ni Sasha ang kamay ni Trevor sa balikat niya.

"No. I mean, for old time's sake. Tanggapin mo na lang. No rent needed." Dinukot niya ang keycard sa wallet niya at iniabot ito kay Sasha.

Biglang natahimik ang dalawa.

"Uh.. Salamat, sa pagbibigay nito. Pero kailangan ko nang umuwi. Mag-isa lang si Rai sa apartment ko." Niyakap niya si Trevor ng mahigpit. "Thank you"

"Hindi mo na kailangan gawin yun. Pinasundo ko na si Rai at nandito na rin lahat ng gamit niyo." Naglakad si Trevor at itinuro sa kaniya ang daan sa bago nitong condo.

"Ang laki talaga ng hotel niyo. Grabe! Hindi ko inaasahan na ganito ka kayaman." Saad ni Sasha habang naglalakad sa halls ng hotel. "Mas malaki pa yung elevator niyo sa banyo namin eh." Nanlaki ang mata niya habang tinitignan ang malawak at magandang disenyo sa loob ng elevator.

Napatawa na lamang si Trevor habang nalilibang siya na panoorin ang reaksiyon ni Sasha sa interior design ng hotel.

"Alam mo ba.. I designed a specific room for you. Kasi diba dati naikwento mo kung anong ideal home mo?" Excited na excited si Trevor na makita ang reaksiyon nito kapag nakita niya ang nakahandang design para sa kaniya.

"Huy! Grabe ka naman. Masyado na atang makapal ang mukha ko." Tumingin siya sa sahig habang naglalakad mula sa 18th floor ng hotel.

"Chin up Sasha. Wala kang dapat na ikahiya. Honestly, pati si Hikari at yung iba kong mga kaibigan nabigyan ko na ng sarili nilang condo rito. Ikaw lang talaga yung hinihintay ko para tumira rito kaya ko binibigay 'to." Inakbayan niya si Sasha at binuksan ang pinto ng bagong condo nito.

"Wow. Wala.. akong masabi. This is exactly how I imagined my house would be.." Ngumiti si Sasha. "Wag kang mag-alala. Once I get the paycheck sa screening ng film natin babayaran agad kita." Pumasok siya rito at pinagmasdan ang maigi at magandang detalye ng bawat gamit rito.

"Hindi mo na kailangan magbayad, but if it makes you feel less indebted to me.. then sure, pay me when you get the money. The price of this condo is about 700 thousand pesos." He crossed his arms over his chest, malagkit ang tingin kay Sasha na nililibot ang apartment.

"700K lang to? Ine-expect ko milyon ang aabutin. Pero hindi ako nagrereklamo." Biro nito.

"Ate!" Tumakbo si Rai papunta kay Sasha upang yakapin siya. "Kuya Trevor!" Niyakap naman nito si Trevor.

"Naku! Parang mas gusto mo si Trevor kaysa kay ate?" Pabirong pagtatampo nito.

"Whattt? Noo! Ate I love you more!" Natarantang pagtanggi ni Rai sa sinabi nito.

Both Sasha and Trevor were sneering inside their minds.

Naisipang makisali ni Trevor sa kulitan nilang dalawa.

"Aww, how about me? Do you hate me?" Ngumuso ito at nagpaawa kay Rai.

"Eheeee.." Nagsimulang umiyak si Rai.

"Hoy! Tigilan mo nga yung baby ko!" Niyakap ni Sasha si Rai.

"Oh edi sa'yo na si Rai, basta akin yung ate niyan ah" Napa-tsk si Trevor.

Humalakhak naman si Sasha sa biro nito.

"Ang corny mo pala! Hahaha!" Lalo pang lumakas ang tawa nito na sinabayan na rin ni Rai.

"Ah ganon pala.. Sige ibalik mo na lang sa'kin yung keycard." Naging seryoso siya sa pagtatampo.

"Joke lang naman eh, sorry na." Pinisil ni Sasha ang pisngi nito.

TO BE CONTINUED.

Glow Up Series #9: Flat is the New SexyWhere stories live. Discover now