"Let's just grab some food before you guys go home." Nakatingin na sabi sakin ni Oxford.

Tipid akong tumango. Siniko naman ni Easton ang kaibigan niya at mahinang bumulong. "What about me?"

Madilim na tingin lang ang ginawad ni Oxford sa kanya pero huminga ito ng malalim bago binalik ang tingin sakin.

"Sumunod ka nalang, okay?"

"Okay, magsasara lang ako sa shop." I replied, nodding my head.

Bago siya humakbang paalis ay ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. Oxford looked stormy so his friend stepped backward. Tumabi kasi sakin si Easton dahil may sasabihin yata kaya lang ay hindi niya nailabas ang sasabihin dahil kay Oxford.

Oxford prompted in his scary cloudy tone. "drei Meter voneinander entfernt" he said to Easton before he started to walk to the Pinxto Alley.

I heard Easton sighed and slowly moving away from me. Mga tatlo o apat na metro ang layo niya sakin. Nang makita niya akong nagtaka ay nginitian niya ako pero hindi umabot sa kanyang mga mata.

"Sumunod nalang tayo sa kanya bago pa pumutok ang bulkan." he joked.

"Susunod ako sa inyo. At pasensya na Easton sa inakto ni Kamp."

"I'm sorry din dahil hindi ko inilayo ang bata. I couldn't do it for someone like him, as you can see, I have special fondness over kids. Mahilig na talaga ako sa mga bata."

Kaya pala hindi niya mailayo si Kamp dahil mahilig siya sa mga bata at alam ko na awang-awa siya sa anak ko.

"Thank you. Pero sorry parin dahil pinagkamalan ka niyang Papa niya. Mula pagkapanganak kasi ay hindi niya pa nakikilala ang Papa niya kaya ganun nalang ang reaksyon niya sa mga lalaking nakikita niya."

Easton lips parted in surprise.

"Well I don't want to judge you, Miss Billie. It's your story and everyone has a reason why, pero sana ay magpakita na ang Papa ni Kamp sa kanya para hindi na niya paghinalaan na Papa niya ang mga lalaking nakikita niya."

"Actually nakita niya lang ang mukha sa Forbes magazine na binili ko at hiniram yun ni Oxford pero hindi na niya sinauli—"

"Oh that's explain why my handsome face on that magazine was soaking wet. Nakita ko kasing palutang-lutang sa pool."

My eyes widened. "Tinapon niya sa pool?" My brows lifted in shock and I couldn't believe Oxford did that to my magazine. It's my personal copy.

Nagkamot lang sa ulo si Easton pero may malademonyong ngiti sa kanyang labi na parang may ipinapahiwatig. Pero bago pa man siya sumagot ay narinig namin na sumigaw si Oxford. Nawala ang ngisi ni Easton at sumagot sa kaibigan.

"We're coming! And don't worry! Three meters—"

Hindi niya natapos ang sinasabi dahil pumasok na ng tuluyan sa loob ng Pinxto Alley si Oxford, karga parin ang anak ko.

"Hay naku, bastos talaga ang kaibigan ko na yun. Sabihin mo umuna na akong umuwi, Miss Billie. Sabihin mo na nagtaxi lang ako pauwi para maihatid kayo ng anak mo."

"Pero Easton."

He raised his finger. "And don't tell him I called him mean, malaking asset pa naman siya sa business ko, okay? Pero gago yang kaibigan ko na yun pero mga mahal ko silang lahat. Mga gago lang." he dramatically said while putting his hand across his chest and sighed animatedly.

Nalilito akong tinanguan siya. He made a thin line with his lips before he waved his hand to say good bye. He turned his back to me and headed far  away from me.

Oxford Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon