Umupo pa sa paanan ko si Hershey. May sakit ka—

Alam ko. May sakit akong glioblastoma. Alam ko iyon, pambabara ko.

Pero magaling ka na. Kaya ka nandito sa hospital kasi pinapagaling ka ng mga doctor. Naalala mo ba noong sunod-sunod na ang pagkahilo mo at pasusuka hanggang sa nawalan ka nang malay? Iyon ang time na sinugod ka namin dito at nagsabi pa sa amin ang doctor na papaoperahan ka dahil malala na iyong ang kondisyon mo. Thankful nga kami kasi naging successful ang operation kaso lang na comatose ka after. Natulog ka nang tatlong buwan. Grabe sobrang tagal mong nagpahinga, ate. Normal lang daw sa iyong magka-amnesia at handa ka naman naming tulungan, mahabang paliwanag pa ni Hershey at hindi nagsi-sink in sa utak ko iyong mga sinasbi niya.

Pero si Trevor nga! Nasaan siya? pagpupumilit ko pa.

Hindi namin siya kilala, Andriana. Nagkamut-noo pang sabi ni Venzyl.

Imposible. Kilala mo siya, Venzyl. Magkasama tayo sa iisang apartment hindi ba? Nakikitira nga iyon sa atin. Kasama ko pa iyon mag-hiking. Sinurprisa pa niya ako kagabi. Hindi ko na mapigilan ang mga hikbi ko. Gusto kong magwala kaso hindi kaya ng katawan ko.

Ilang taon nang hindi ka namin pinayagang tumira sa apartment mo, ate, dahil sa sakit mo. Pinagbawalan ka nga namin mag-hike dahil baka mapagod ang katawan mo. Delikado para sa iyo. Chini-check pa ni Hershey ang swero ko at itong nakasabit sa aking ilong. Nahihirapan nga akong magsalita dahil dito.

Saan ba phone ko? Hinahanap ko pa at nagpupumilit akong bumangon pero kaagad din namang lumapit si Kervy at inilingan ako senyales na hindi ako pwedeng gumalaw. Akin na kasi ang phone ko! Ipapakita ko sa inyo si Trevor, pagpupumilit ko pa.

Binigay naman ito sa akin ni Hershey at kaagad kong binuksan. Kaming dalawa kasi ni Trevor ang nasa wallpaper sa pagkakaalala ko pero laking gulat ko nang bumungad sa akin ang litrato namin ni Kervy. Nakabitbit ako ng isang bouquet ng pulang rosas at bakas sa mukha ko ang hanggang taingang ngiti habang si Kervy naman ay humahalik sa aking sentido.

Binuksan ko pa ang gallery dahil alam kong nandoon lahat ang mga pictures namin together ni Trevor pero ganoon pa rin ang bumungad. Halos sa amin ni Kervy ang naka-save na pictures at walang kahit anino ni Trevor akong nakikita. Tuloy ay naguguluhan na ako at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Nanaginip pa ba ako? O totoo ito?

Parang nawalan ng malay ang mga kamay ko at muntik pang mahulog ang cellphone sa aking mukha. Blanko akong tumingin sa kisame habang nararamdaman ko ang kamay ni Kervy na pinahiran ang aking luha na hindi ko man lang nalaman na pumapatak na pala.

Gusto ko munang magpahinga. Pwedeng iwan ninyo muna ako? mahinang sabi ko nang hindi man lang sila tinitingnan.

S-Sige, sa labas lang kami. Kung may kailangan ka tawagin mo lang kami, ate.

Hindi ko na sila sinagot pa at ipinikit ko lang ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang pangyayari. Nalilito ako kung ano ang totoo sa hindi. Pero kung totoo man ito, parang ayaw kong tanggapin. Oo, nag-wish ako na maibalik si Trevor sa mundo nila pero hindi ganitong sitwasyon ang inaasahan ko.

Mga ilang minuto ang lumipas, sinubukan kong tanggalin lahat ng mga nakasabit sa akin at napagtagumpayan ko naman. Dahan-dahan pa akong humakbang papunta sa pinto at maingat itong binuksan. Sumilip pa muna ako at eksaktong wala sila Hershey at Venzyl. Tanging si Kervy lang ang nandito pero natutulog lang sa upuan. Bumilang pa ako sa isip ko hanggang tatlo saka maingat na humakbang palabas. Mas dinuble ko pa ang pag-ingat para hindi ako makagawa ng ingay na magdihalan na makagising si Kervy.

Nalagpasan ko nga si Kervy ng tagumpay pero hindi pa rin ako nakasisiguro kung makalabas ba tatalaga ako rito ng tagumpay. Pinili ko ngang maghagdan na lang dahil baka makakasalubong ko pa sila Hershey. Mabuti na lang at nasa third floor lang ang kwarto ko at medyo madali lang sa akin ang makarating sa ground floor. Sinadya kong ayusin ang aking postora at diri-diretsong lumabas nitong ospital. Pumara ako ng taxi kahit wala akong pampamasahe.

Kuya, sa High Park po tayo. Isinara ko pa ang pinto saka pinatakbo ni Kuya Driver itong sasakyan. Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami rito at diretso lang akong lumabas nitong taxi at patakbong tinungo ang entrance.

Miss, pamasahe ninyo po! Miss! rinig ko pang tawag ni ng driver pero hindi ko na siya pinapansin pa.

Nakapaa lang ako pero hindi ko na lang iindahin ang sakit ng aking mga paa dahil sa maliit na bato na matatapakan ko. May mga tumitingin pa nga sa akin pero hindi ko na rin sila pinapansin. Basta diretso lang ang lakad ko. Hinihingal man pero tuloy-tuloy pa rin ang aking lakad.

"We can do this. Behind this challenge we take, there's beautiful sceneries waiting."

Napahinto na lang ako ng maalala ko ang sinabi ni Trevor sa mismong pwesto na ito. Tuloy ay naramdaman kong totoo ng ana nangyari iyon. Isa lang naman ang gusto kong makita na nagpapatunay na totoo iyon lahat. Iyong pangalan naming na inukit namin ni Trevor sa puno noong pauwi na kami.

FLASHBACK

Bago tayo uuwi, iuukit muna natin ang pangalan natin dito sap uno na ito. Gusto ko na pagbalik natin dito, may nakatatak na diyan. Tinuro pa niya ang puno na may mga naka-ukit rin na mga pangalan ng iba.

Sige, ako ang magsusulat ng pangalan mo tapos ikaw naman ang sa akin, sabi ko pa at sumang-ayon naman siya.

Doon sa may gitnang banda, aniya saka kami lumapit at isinulat na niya ang pangalan ko at ganoon na rin ang ginawa ko.

END OF FLASHBACK

Wala nang paglalagyan ang hingal ko nang makarating ako rito sa tuktok. Wala masyadong tao at medyo maambon. Siguro uulan ito mamaya pero balaha na—wala akong pakialam. Diretso kong nilapitan ang puno at hinanahap ang pangalan namin.

Alam kong nandito iyon eh. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at paghihikbi. Ano ba! Nandito lang iyon! Dito naming iyon isinulat! Hindi ko na masyadong makikita ang mga nakasulat dahil punong-puno na ng luha ang mga mata ko.

Andriana, rinig kong tumawag sa akin sa likod ko dahilan para mapatigil ako sa kahahagulhol.

Pilit ko pang ngumiti nang lumingon ako pero unti-unti rin itong nawala at napalitan ng lungkot nang malaman kong si Kervy pala ito. Buong akala ko ay si Trevor pero parang wala nang pag-asa. Huminga pa ako ng malalim saka pinahiran ang mga luha na wala namang balak tumigil sa kakapatak.

Bakit mo ko sinusundan? malamig kunwaring tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin ako ay diretso lang niya akong niyakap. Mas malala pa ay nararamdaman ko ang kanyang paghikbi at rinig na rinig ko ang kanyang pagsinghot. Bakit nangyari ito? Kervy, sabihin mo sa akin ang totoo parang-awa mo na! Ayoko ng ganito please! Nalilito—sumasakit ang ulo ko! Hindi ko na naman mapigilan ang paghagulhol.

Kumalas pa sa yakap si Kervy at marahang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Shss Pinahiran pa niya ang mga luha ko saka marahang hinagkan ang aking noo at muli akong niyakap. Everything will be fine, okay? Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan. I am always here for you no matter what, aniya at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa aking sentido. Pero napasinghap ako ng hangin ng may naramdaman ako na parang karayom na tinutusok sa kanang braso ko. Aalma na sana ako nang unti-unti akong nawalan ng lakas at tila bay namimigat ang talukap ng aking mga mata. Iyong tipong inaantok ako kahit hindi ko naman gustong matulog. Im sorry, love. We need to do this for you to be fine. Iyon lang ang tangi kong narinig galling kay Kervy pero hindi ko na magawa pang tumugon hanggang sa dumilim na lahat ng paningin ko.

Hidden PagesWhere stories live. Discover now