PROLOGUE

179 4 0
                                    

Nandito ako sa loob ng bahay ng girlfriend ko, mag papaalam lang kasi ako sakaniya na mag gagala kami ng mga kaibigan ko

Kung mag papaalam raw kasi ako na may pupuntahan ako ay dapat raw ay puntahan ko siya mismo sa bahay niya para personal na mag paalam sakaniya pero kapag kakain or maliligo ay syempre i-tetext ko na lang siya alangan namang pumunta pa ako dito

Masyado na nga siyang mahigpit saakin e, may ibinigay rin siyang rules saakin na hindi ko naman matandaan dahil sa dami

Habang ako naman ay walang ibinigay sakaniya dahil dapat ay alam na niya ang tama at mali kung ano ba talaga ang dapat na gawin at hindi dapat na gawin

Masyado siyang mahigpit pero hinahayaan ko na lang dahil para naman iyon saakin, napaka lambing niya rin saakin pero kapag may ginawa akong mali ay nag didilim ang mukha niya, nakaka takot nga e pero kinikilig rin ng palihim kasi subrang ganda niya parin hehe

"Why are you smiling?" Nabaling ang tingin ko sa nag salita, pumunta kasi siya saglit para kumuha ng maiinom ko e aalis lang rin naman ako

"Wala, may iniisip lang" ngumiti ako sakaniya tumaas naman ang Isang kilay nito "dapat ay hindi ka na lang kumuha nito kasi aalis lang rin naman ako" aniya ko at ininom na ang ibinigay niya para pag nag paalam ako ay aalis na lang ako

"What?why?, I thought you are here for me" biglang aniya niya umiling naman ako sa sinabi niya "mag papaalam lang ako, gagala kasi kami ng mga kaibigan ko. Dapat ay kahapon kaso bad mood ka kaya hindi na natuloy" kahapon kasi ay balak naming gumala at mag celebrate para sa 9th Anniversary namin bilang magkakaibigan

Hindi ko rin nga alam kung bakit siya bad mood kahapon e, ayaw niya kasing sabihin saakin

"No"

"Anong no ka jan?sapakin kita e noh" aniya ko at ibinulong na lang ang huling sinabi "I said no, you're not going anywhere. You will stay here" agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niya

Alam naman niyang nag cecelebrate kami kapag anniversary namin ng mga kaibigan ko tapos ganiyan sasabihin niya?

"Diba sinabi ko na sayo noon pa na nag cecelebrate kami ng anniversary or monthsary namin? Noon nag celebrate kami 8th anniversary namin? Kasama ka nga non kasi ayaw mo pa akong payagan" mahabang aniya ko kailangan pa ba naming magpa hirapan dito? Palagi na lang ganito kapag nag cecelebrate kami ng anniversary and monthsary naming magkakaibigan

"No is final" malamig na aniya at tumayo napa kuyom ang kamao ko at tumayo rin "we've been 3 years in a relationship fharra, Hanggang ngayun ba hindi mo parin maintindihan na palagi kaming nag cecelebrate ng anniversary and monthsary namin?" Kalmado pero galit na aniya ko, mabilis maubos ang pasensya ko lalo na sa ayaw namang intindihin ang sinasabi ko

"I don't trust them"

"And I truly trust them! We are 8 years in a friendship fharra at mag cecelebrate KAMI! Kasama ako, kahit hindi mo ako payagan wala kang magagawa. My decision is final"

"I'll put my own rules in this relationship fharra."

Agad kong kinuha ang shoulder bag ko at agad na tinungo ang pinto, bubuksan ko na sana ito ng may humigit sa kamay ko

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Aalis na ako!"

"I said no!" Giit na aniya umiling ko at kinuha ang kamay ko sakaniya "ako ang masusunod sa ngayun fharra" aniya ko at agad na binuksan ang pinto at dali daling lumabas hindi ko na rin sinara ang pinto, bahala na siya don

Kahit na sina mommy ay nababaguhan saakin kasi mas pinipili kong mag gala kapag Saturday and Sunday kasi Wala naman akong pasok sa office tapos ngayun ay nasa loob lang ako ng bahay o kaya naman ay pupunta lang sa bahay ni fharra at uuwi rin

FHARRAS' OBSESSION (ON HOLD)Where stories live. Discover now