Prologue

6 0 0
                                    

Kung nagabiyahe ka mag-isa, kaganda magbintana tapos makita mo lahat—ang tulabong na nagadapo sa likod ng karabaw, ang mga barubay ng saging na ginbalot sa blue na plastic, ang araw na gintakpan ng kaitim masyado na ulap, ang kidlat na nagakamang sa mga hibla ng ulan, ang tubig na nagailig sa bintana ng bus na daw pawis ng napabayaan na baso ng Tanduay, ang shot glass na ginapaikot ng barkada mo, kadungulan mo nung high school, mga trip mo na grabe kadamak, ubo at plema mo sa utak, mga tawa na ginasaksak ka sa likod, ang hagulhol ng puso na hindi mo gipalangga nang sapat, mga pangarap mo na suntok sa buwan lagpas sa Mars, mga kasalanan mo na hindi mo mapatawad, ang repleksyon mo sa nagaiyak na bintana na hindi mo kaya tignan, kaya gipunasan mo ang salamin para magtuyo ang luha mo.

Habang nagataas ang numbers sa kilometer signposts, nakalaya ka gid man talaga, o nagatakas ka lang?

Window Seat ItineraryWhere stories live. Discover now