"Kasi gusto ko." Sagot ko agad.

She nodded. "Same." She simply said. "For fashion purposes na rin. Para tuwing may gala, pwede kong ayusin ng kahit anong hairstyle yung buhok ko."

"Ayaw mo na ng short hair?"

"Pwede naman. Pero hindi pa siguro ngayon. Nag eenjoy pa 'ko sa buhok ko."

I nodded.

"Pag na-broken ulit ako tsaka ako magpapagupit. Char!" Pabiro niyang sabi.

"'Di ka nga nag pagupit nung naghiwalay kayo ng fiancé mo eh."

Oopsie, sumobra ata ako do'n.

"Ulit nga 'di ba?" Pataray naman niyang saad.

Hindi ko na siya sinagot. Bumaling na lang ulit ako sa litrato niya. I tapped it once before tapping it again but I hold it for a second this time, then I tapped save. Perhaps I could use this one time, to blackmail her by posting it? Ewan.

I tried cooking this time. Since busy siya ngayon at siya naman lagi ang nagluluto, ako naman muna ngayon. Hindi ako sure kung magugustuhan niya ba pero wala naman siyang choice.

"Wow, nagluto ah." Biro niya habang pinapanood ang niluluto ko.

Hinarangan ko ang view niya. "Wag ka nga, dun ka na lang." Taboy ko sa kaniya na may kaunting hiya. Hindi ako sanay na may taong nanonood sa 'kin pag may ginagawa ako. Unless that person is needed in the task that I'm doing.

"Ano ba 'yan?"

She kept on insisting to see what I was cooking and I kept blocking her view with my back.

"Dun ka na nga! Ituloy mo na lang yung ginagawa mo." Taboy ko ulit sa kaniya.

"Tapos na 'ko."

"Kahit na, dun ka. Shoo!'

Tinakpan ko ang kaldero at hinarap siya tsaka ko siya pinaalis gamit ang aksyon sa kamay. She just looked at me with a weird smile before going back to the living room. Kinuha niya ang gitara na nandoon at tumugtog na lang.

Another one of the things that I like about her is her talent in music and performing. She can sing, she can dance, and she can also play instruments. What a talented woman.

I was so immersed in watching her that I was surprised when I heard the sound of the soup overflowing behind me. Mabilis kong hininaan ang apoy at inangat ang takip. Pwede na siguro 'to.

"Tapos na ba? Gutom na 'ko eh." She asked while approaching me.

"Hm-mm, okay na."

She set up the table this time. Ipinatong ko na ang ulam sa mesa tsaka naupo. It's Sinigang na baboy with gabi. Amoy pa lang masarap na.

Actually, kinakabahan ako sa sasabihin niya. Mabuti na lang at mukhang nasarapan naman siya dahil marami-rami siyang nakain, just like me.

"Sarap 'no?" May pagmamayabang kong sabi.

"Hmm, pwede na," she acted like it was just so-so.

Sinimangutan ko siya. Nang makita niya ang reaksyon ko ay natawa siya.

"Oo, masarap. Approved." Nag thumbs up pa siya.

Those simple words made me happy. But before I even let her see my smile, I looked away.

I continued to teach her how to play the electric guitar just like what I said yesterday. Iyon lang ang ginawa namin buong maghapon hanggang sa sumapit na naman ang gabi. Inaayos na niya ang mga gamit na dadalhin niya bukas dahil Lunes na naman, mag isa na naman ako buong araw. Nasanay na ako sa presensya niya dito.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now