“I just hate him, Dad. Kung kaya niyang magalit sakin, pwes kayang-kaya ko ring magalit sakanya.”sabi ko kaya napabuntong hininga nalang siya.

Umupo rin siya sa tabi ko at sumandal.

“Mama Azon–”he cut me off by glaring.

“I didn't ask.”he said flatly.

“Hear me out. She's dying and she wants to see you. Kahit naman nakipag divorce siya sayo ay mahal ka parin niya.”sabi ko kaya napatingin siya sakin.

“You think so?”tanong nito.

“Ikaw kasi eh! Kung hindi mo sinabing hindi kapa siguradong mahal mo talaga siya, edi sana kayo parin hanggang ngayon!”sabi ko kaya napanganga ito. “tanga ka kasi dad eh! Hindi ka sigurado eh may anak na kayo! Dati karing Rios eh!”sabi ko kaya natawa siya ng sarkastiko.

“Sinabi ko lang na hindi ako sigurado, but I never said I really didn't. Nagulat nalang ako isang araw may divorce paper na.”sabi niya habang umiiling pa. “Kung hindi sana siya nakipag hiwalay, edi sana may kasunod pa 'yang si Alice.”sabi nito kaya nakangiwi ko siyang tinignan.

“Really Dad? You're really a dick! Sa lahat ng sinabi ko doon ka talaga pumasok? Ewan ko sayong matanda ka!”sabi ko at iniwan siyang mag-isa sa sofa.

Buong undas break ay tulog lang ang ginawa ko. Tamad na tamad ako sa lahat kaya bakit pa ako gagalaw?

Noong lunes ay balik aral na kami. I mean sila lang kasi pumapasok lang naman ako pero hindi ako nag-aaral.

“Lapit na december 'no?”saad ni Loren sa tabi ko. Walang gana ko lang siyang tinignan.

“Nag aadik kaba? Kakatapos lang ng undas december kana? Hindi karin excited eh.”sabi ko kaya napanguso siya.

“Mabilis lang kaya ang oras. Tignan mo december na 'yan mamaya. And something unexpected is going to happen.”sabi niya kaya napairap ako.

Anong unexpected naman ang mangyayari? Pupunta si Santa para mag bigay ng regalo? Magkakasnow sa Pinas? Magiging mayaman lahat ng tao? Alin doon?

“Sometimes that unexpected is negative. Don't ask for something you didn't expect.”sabi ko rito.

Alam kong tunog bitter ako pero sinusubukan ko lang siyang imulat sa possibleng mangyari. Masakit mag expect kaya mas mabuting 'wag nalang.

“Sakit mo ah! Anyari sayo?”tanong nito pero hindi ko na siya pinansin at humilig nalang sa mesa ko.

“May room to room interview raw mamaya. Sina Javier yata ang taga conduct. Alam kong magkaaway nanaman kayo dahil hindi na kayo nagpapansinan.”sabi nito.

Alam na alam niya talaga kung anong nangyayari. Matalino rin sana 'tong si Loren kung hindi lang siya sumasama sakin.

“Anong oras? Para alam ko kung kailan ako lalabas.”sabi ko kaya umismid siya.

“Bawal umalis eh! Recorded 'to. Kung ayaw mo makipag face to face sa solo conducting, mag sagot ka ng interview ngayon palang.”sabi niya kaya napairap ako.

I guess I don't have a choice but to face another mess. Alam kong magkakagulo nanaman kapag nagkaharap kami ni Javier.

Pagkatapos ng isang klase namin ay pumasok na sina Veil, oo kasama si Veil sa room namin. Kahit alam kong may mga matang nakatutok sakin, hindi ko kahit kailan tinapunan ng tingin ang mga 'yon.

“Who would like to go first? First five.”malamig na saad ni Veil. Gan'yan siya sa harap ng ibang estudyante.

Nagtaas ako ng kamay kaya napatingin silang dalawa sakin. Mas gusto kong mauna kesa ma suffocate sa kakaibang atmosphere sa classroom na 'to.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن