Chapter 1

62.1K 1.2K 26
                                    

PALABAS sa hallway ng university nila si Weng ng bigla siyang bumangga sa bulto ng malaking katawan. At kung hindi siya nakahawak sa pader ng hallway ay malamang nasubsub na ang mukha niya. Kaya sa inis niya ng mapagsino kung sino ang nakabangga sa kanya ay sinigawan niya ito.

"Hoy! Magaling na lalaking impakto. Madapa ka sana at magkabukol sana yang mukha mo. Hindi porket sikat ka ay basta-basta mo nalang babanggain ang mga tao dito sa university. Dahil hindi mo pag-aari ang daan." Sigaw nito na siyang kinahinto ni Aljhon sa pagmamadali. Agad niyang binalingan ng tingin ang babaeng sumigaw sa kanya. At bahagya siyang napakurap ng makita ang mukha nito. Nakikita niyang galit na galit ang mukha nito at nakapamaywang habang nakatingin sa kanya.

Kakalabas lang rin ni Dawn ng makita niya ang kaibigan. Mabilis niya itong nilapitan at agad siyang nakaramdam ng takot para dito ng makita ang isa sa kilalang leader ng isang grupo sa loob ng university nila na nakatingin kay Weng. At alam niyang dito galit ang kaibigan.

"Besty, parang awa muna, wag muna siyang patulan baka kung ano pa ang gawin niya sa'yo. Kilala mo naman ang isang Aljhon Vergara, walang sinasanto." Pabulong na ani Dawn na kay Weng. Ngunit tila walang narinig si Weng dahil sa inis nito sa lalaking ngayon ay kampanteng naglalakad pabalik sa kinatatayuan niya.

Taas noo namang hinarap ni Weng ang lalaking ngayon ay gusto niyang sakalin sa galit ng makalapit ito sa kanya. Ngunit unti-unti ay nawala ang galit niya dito at napalitan ng pagkaasiwa dahil sa klase ng tingin nito sa kanya. Sa klase ng tingin nito ay tila sinusuri ng lalaki ang katawan niya at kaluluwa.

Si Aljhon naman ay hindi makapaniwalang may sisigaw sa kanya sa loob ng university sa unang pagkakataon. Dahil akala niya ay halos sambahin siya ng mga kababaihan dito. At minsan kahit siya pa ang nagkasala ay ang mga ito pa ang humihingi ng paumanhin sa kanya. Ngunit sa sitwasyon niya ngayon ay iba, dahil hindi ata umubra ang charming niya sa babaeng kaharap ngayon.

Agad niyang sinipat ang kaharap at hindi niya maiwasang hindi humanga dito ng lihim matapos niya itong tingnan mula ulo hanggang paa. Hindi niya maikakailang maganda ang babae at sa tindig nito ay sa tingin niya ay nasa mga 5'6 ang tangkad at balingkinitan nitong katawan ay tamang-tama lang ang laki. At maganda ang hugis ng mukha nito. 'In short, simple but beautiful para ilarawn.' Anang isip ni Aljhon.

Hindi maaring magkamali si Weng sa kanyang iniisip. Alam niya at ramdam niyang sinusuri nga siya ng lalaki sa klase ng tingin nito sa kanya. Lalo ng makita niyang bahagyang kinagat ng lalaki ang pang-ibabang labi nito na nagpapahiwatig lang na may pagnanasa ito sa kanya.

"Feeling mo naman ang ganda mo para pagnasahan ng isang kagaya niya." Biglang aniya ng isa niyang isip. Kaya agad niyang ipinilig ang ulo sabay taas niya ng isang kilay.

"Maganda naman talaga ako ah." Anito sa isip. "Hoy! Impakto, alam kong maganda ako kaya wag muna suriin ang katawan ko. Dahil sa klase ng mga titig mo ay daig mo pa ang hinuhubaran ako, mabuti at hindi ako naging yelo kundi baka natunaw na ako." Sa sinabing iyon ay biglng pinamulhan ng mukha si Weng. "God. Where the hell I got that thought?" Anito sa isip.

Tila napahiya naman si Aljhon sa tinuran ng babae sa kanya. Ganun na ba kahalata ang panunuri niya dito. Kaya bigla siyang napakamot ng batok at natawa.

"At ano namang nakakatawa, unggoy ka?" Ani Weng sabay arko ng isang kilay.

"God. Anong klaseng babae ba itong kaharap ko?" Natatawa nitong tanong sa isip. "Nagagalit tapos biglang aamo ang mukha. And then after that bigla namang magtataray." Naiiling nitong aniya pa sa isip. Kaya mas lalo siyang natawa.

Mas lalo namang nainis dito si Weng dahil sa mukhang pinagtatawanan siya ng lalaki. Kung pwede nga lang siguro niya itong binato ng sapatos niya ay ginawa na niya kanina pa.

I LOVE MY SECRET WIFE(Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora