"Whoa! So it's a celebration?"

"Fine, oo na. Pupunta ako mamaya d'yan sa Asterisk. And besides, ibabalik namin ni Dave ang kotse mo."

"Buti naman! Okay, hintayin ko kayo. Bye!" She said and ended the call.

Gabi na kasi kami nakauwi ni Dave kagabi kaya inuwi nalang muna niya ang kotse ni Ren. At ang balak namin ay dalhin sa kaniya today kasi sakto rin na ngayomg araw ko balak bumili ng kotse dahil ngayon lang ako nagkaroon ng free time.

Bukas pa ulit ang next photoshoot ko sa bagong project. Nakakapagod pero nao-overwhelmed ako sa never ending projects na natatanggap ko kahit kakasimula ko palang na maging model dito sa Pilipinas. And the fact na some of the photographers knows me already dahil naging trabaho ko iyon sa London.

Bumangon na ako mula sa kama saka dumiretso sa vanity. I looked at myself. Maganda pa rin naman ako kahit bagong gising ako. Nag facial wash naman na ako kanina at naisipan lang na mahiga ulit dahil pahinga ko naman today.

Lumabas ako ng kwarto para uminom ng kape. I need boosters para mabuhay naman ang katawang lupa ko.

Pumunta akong kusina saka dumiretso sa coffee maker. Ang sarap at ang bango talaga ng aroma ng kape. Nabubuhay ang dugo ko.

"Can I have coffee, too."

"Ay, kutong lupa!" Napahiyaw ako nang may magsalita sa likod ko.

Nilingon ko iyon at punyeta naman. Oh, Lord. Sinusubukan talaga ako sa araw araw.

Si Ludwig lang naman na naka boxer shorts lang at topless, oo! Kitang kita ko tuloy ang pumuputok niyang six pack abs. Ang sexy niya, ang hot, ano ba!

Earth to myself!!

Narito na naman kami sa kusina at naalala ko na naman ang nangyari noong nakaraan.

"A-Ah, sure." Sabi ko saka muling hinarap ang kape.

Hindi pa man ako nakakainom ng kape ay ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Hindi talaga ako sa kape magpa-palpitate kundi sa presensya ni Ludwig.

Namiss ko ang lalaking 'to. Ilang araw akong busy at talagang hindi kami nagkakatagpo ng landas kahit nasa iisang bubong kami.

"Russia."

I gulped. Maawa naman! Sasabog na ang dibdib ko. Mauulit ba ang nangyari? Hahalikan ba niya ako ulit? Oh my freaking gosh, nag-a-assume na naman ako.

"Ten seconds." Sagot ko nang hindi siya nililingon. Uunahin ko na siyang bigyan ng kape bago sarili ko para makaalis na rin siya dito sa kitchen. My heart keeps on racing because of him.

Nang matapos ang isang kape ay kinuha ko iyon mula sa coffee maker saka ipinatong sa kitchen counter kung saan siya nakaharap.

"Coffee." Sabi ko lamang nang hindi tumitingin sa mukha niya. Naiilang ako, oo.

Muli akong tumalikod para asikasuhin naman ang kape ko. Bahala na si Ludwig d'yan.  Ayoko talaga siyang makaharap ngayon.

"Russia." Muli niyang tawag.

Mabilis akong nag-ipon ako ng confidence saka hinarap siya. "Yes? May kailangan ka pa? Creamer? Kulang sa tamis? Or you want other flavor?"

Sa halip na magsalita siya ay may inilapag siyang susi sa ibabaw ng kitchen counter.

Agad na kumunot ang noo ko. "Ano 'yan?"

"Your car keys."

Lalong kumunot ang noo ko. "Mine? My car? What do you mean? I have no car."

Casanova's Club #4: Beautiful BastardNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ