Hunyong Pagtatagpo

4 2 0
                                    

Hunyo, 1969

"MALIGAYA, ako sapagkat darating na ang araw na para sa iyo,"

Magiliw na saad ni Donya Helena habang ikinakabit nito ang kuwintas na nagmula sa Europa. May malaking dyamante iyon sa gitna habang pinalilibutan ng makinang na mga bato sa paligid nito.

"Bukas na bukas ay patatahian ka na namin ng ama mo ng iyong traje de boda. Bibigyan ka naming kalayaang mamili kung anong disenyo ang nais mo," patuloy ng Donya habang inaayos ang malambot at makintab nitong maalon na buhok.

Malalim na paghinga ang ginawa ni Ysabel habang hindi mawari kung ano ang dapat nitong reaksyon. Hindi ito masaya sa nais ng kaniyang mga magulang, tutol ito sa kagustuhan ng kaniyang ama't ina.

"Ina, hindi ko po nais"

Isang mahinang saad ng dalaga na animo'y halos ipadaplis niya lamang ito sa hangin. Natatakot itong muli na namang makarinig ng hindi maganda mula sa kaniyang ina.

Napatigil sa pagsusuklay sa kaniyang buhok ang kaniyang Ina at kitang-kita sa repleksyon ng salamin ang pagbabago ng ekspresyon ng kaniyang Ina. Tila batid na ni Ysabel na muli na namang manggagalaiti sa galit ang kaniyang Ina, muli na naman itong makaririnig ng hindi magandang salita.

Hinawakan ni Donya Helena ang braso ng kaniyang anak at marahas itong pinaharap sa kaniya. Halos mapadaing ang dalaga dahil sa higpit ng pagkakahawak nito gayun na rin ang pagkapit ng kaniyang kuko sa braso nito.

"Huwag na huwag mong subukan na banggitin iyan sa harapan ng iyong ama. Ang lahat ng ito ay alang-alang din sa iyong kapakanan sana'y naiisip mo iyan bago mo bitawan ang ganiyang mga salita," mariing saad ni Donya Helena habang matalim na titig ang pinapakawala nito sa kaniyang anak.

Sa pagkakataong iyon ay muli na namang nakaramdam ng lumbay ang puso ni Ysabel dahil sa pagmamando at pilit na panghihimasok ng kaniyang mga magulang.

"I-ina, paano niyo ho nagagawa sa'kin ito ni ama?" isang mahinang saad ng dalaga habang pinipigilan nito ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Hanggat maaari ay tila ayaw nitong masaksihan mismo ng kaniyang ina ang paghihinagpis na kaniyang nararamdaman.

Napaiwas ng tingin ang Donya at ibinaling ang tingin sa durungawan ng silid ng kaniyang anak. Marahil ay batid ng Donya na darating ang araw na tatanungin siya ng kaniyang anak buhat sa desisyong kanilang ginawa. 

"Pagdating ng araw ay mauunawaan mo rin kami ng iyong ama." wika ng Donya at marahang tumititig sa mata ng kaniyang anak.

"Hanggad namin ang walang hanggan mong kasiyahan at lagi mong iisipin na ang ginawa namin na ito ay alang alang sa iyong kapakanan," patuloy ng Donya at marahang hinawi ang ang buhok na nagwaldas sa kaniyang balikat. 

Napahinga nang malalim si Ysabel at ibinaling ang kaniyang tingin sa durungawan ng kaniyang silid. Marahil ay gasgas na mula sa kaniyang pandinig ang salitang binibitawan na kaniyang ina, marami ng beses niya itong narinig.

"Kapakanan ko nga ba ng inyong iniisip o ang kapakanan ng inyong kayamanan---"

"Ysabel!" isang matapang na saad ng Donya at marahas muli itong pinaharap sa kaniya. Doon ay makikita ang nagliliyab sa galit na mga mata ng Donya.

"Wala na namang pakundangan ang iyong sinasabi. Kung pagsalitaan mo kami ng ganiyan ay para bang hindi mo kami magulang," saad ng Donya habang nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniyang anak

Sa sandaling yaon ay tila unti-unting namumutawi sa isipan ni Ysabel ang pagmamahal na hindi galing sa puso kundi pagmamahal na mula sa kayamanan at gintong dugo.

Ang Lihim na kwento ng mga BuwanOnde histórias criam vida. Descubra agora