Nang sumunod na araw ay bago ako pumunta sa Threads ay hinatid ko muna sa eskwelahan ang dalawang bata. Hindi na pumasok pa si Nanay sa trabaho niya sa restaurant at siya narin ang magsusundo sa mga bata para hindi hassle kung ako pa ang kumuha.

"Hindi pa umuwi si Skim mula kagabi, sumama naman yata yun sa boyfriend niya. Alam mo mabuti nalang at hindi namin pinapabayaan ang shop niya kung hindi ay baka magsara na siya, napapabayaan na kasi."

Pumasok sa Threads si Santi at nagreklamo patungkol kay Skim. Si Skim ay mahilig gumala at baka hindi na ako magulat kung malugi siya sa negosyo niya. Alam ko na mahal ni Skim ang pagtahi at hindi niya yun iiwan kaya lang ay bisyo niya na ang gumala lalo pa't may boyfriend.

"Nag-away na naman ba kayong magkapatid?" tanong ko habang nagboborda ng panyo, yung pangalan ko ang binoborda ko sa tela gamit ang dilaw na sinulid.

"Hindi naman pero alam mo kung paano ako magalit kaya para hindi magiba yung relasyon namin ay pinipigilan ko ang dila ko para hindi magsalita sa kanya ng kung ano." sagot nito habang mano-manong tinatahi ang isang blouse.

Pumunta lang si Santi sa shop ko para ilabas ang sama ng loob niya kay Skim. May emplayado naman siyang nagbabantay sa shop niya at nandyan lang yun sa tabing shop ni Sack.

"Sino ba ang namamahala ngayon?"

"Kaming tatlo nina Saf at Sack. Busy palagi si Skan kaya hindi niya naaasikaso yung ibang business. Pero yun dapat ang iniisip ni Skim dahil pareho kaming mga abala sa mga trabaho namin. Kung hindi lang siya bumarkada sa Bea na yun ay baka hindi umaalis ang babaeng yun." sabi pa nito.

Nagtaas ako ng kilay at napahinto sa pagboborda. "Sino bang Bea na yan?" taka kong tanong.

Wala naman siyang sinabi sakin na may bago siyang barkada. Hindi ako naiinggit kung ano man ang buhay ni Skim ngayon dahil dalaga pa siya at hindi umiikot ang mundo niya sa ibang bagay kundi yung sarili niya pero ako... may mga anak ako at sa kanila umiikot ang mundo ko. Pero dati pa akong hindi mahilig gumala kaya noong gumala ako limang taon na ang nakalipas, ayun, sumabog ang excitement at nagkaanak ako at hindi ko pa alam kung sino ang ama.

"Yung sosyalerang babae pero hindi ko alam kung mayaman ba talaga. Kinaibigan si Skim dahil alam mo naman na itong kapatid ko ay basta mayaman ay kinakaibigan, hindi marunong isaulo ang leksyon na nangyari." Nayayamot niyang sagot. "Saka naalala mo yung kaibigan niya nakita niya lang sa bar yung Aica ba yun? Eh kinaibigan siya dahil ang husay manamit pero nang malaman na pobreta si Skim ay pinaghinalaan na kinuha ang alahas. Gaga talaga, hindi na nagsilbing leksyon yun para sa kapatid kong ang purol ng utak."

Nanggigil si Santi nang sabihin yun. Halos mabali na yung karayom sa kakadiin niya sa pagtatahi. Mabuti nalang at may suot ang hintuturo niya ng thimble. Her two forefingers wore those while I had one on my right forefinger to protect from the noxious niddle.

"Kahit nandito lang ako sa shop ay hindi naman kami nag-uusap ni Skim. Wala kaming komunikasyon dito. Kapag nagkikita kami sa labas ay tinatawag niya ako at kapag nagkaharap na kami ay hindi naman namin pinag-uusapan ang ganung bagay." sagot ko.

"Mabuti sana kung siya nalang ang nabuntis no'n at hindi ikaw kasi ang tino mong babae, pero hindi ko sinasabi na hindi swerte si Kamp sayo, pero lang ay kung may anak siya ay hindi ko alam kung titino ba yung babaeng yun."

Bumuntong-hininga ako. Ako rin ay hindi ko alam kung bakit ganun si Skim pero siguro ay sa magkakapatid, may iba talaga ang ugali. Si Sack ay mahilig uminom pero hindi mahilig gumala dahil priority niya ang shop niya at syempre may mga emplayado siyang sinusweldohan na may mga pamilya din.

"Siguro ay saka lang titino si Skim kapag may taong umaway sa kanya o di kaya ay makulong dahil sa kagagahan niya. At sana ay hindi niya pasakitin ang ulo ko para hindi ako mamroblema sa kanya. Ang hirap kasi na ako ang naging panganay, para akong may sampung anak na inaalagaan." Padabog niyang binaba ang dress na nirerepair at tumingin sa kawalan.

Mabuti nalang at busy ang mga kasama ko sa shop. Yung isa kong emplayado ay may nakapalsak na earbuds sa kanyang magkabilang tenga. Yung dalawa ay parehong nakabukas ang cellphone nila at nagpapatugtog. Si Tin ay nasa pinakadulo kaya hindi niya kami naririnig.

Ilang minuto din ang nakalipas ay pumasok si Farren sa shop ko. Pagkakita kay Santi na nasa tabi ko ay agad siyang ngumiti at kinawayan kami.

"Akala ko ay nasa shop ka, sumaglit lang ako doon at pumunta na ako dito kasi may pinaparepair ako." bungad nito samin.

"Ano bang ipaparepair?" tanong ko at inihinto ang pagboborda. Tapos ko ng iborda ang pangalan ko, Billie lang ang nakalagay sa puting panyo at lalagyan ko pa ng mga maliliit na bulaklak sa gilid para maganda.

"Ay itong blouse ko lang. Napunit ito nang aksidente kong naipit itong tela sa aparador kasi isasara ko na sana kaya lang ay naipit kaya ito nalang ang ipinunta ko." she explained.

Pinakita ni Farren ang kanyang blouse na napunit. Malaki ang pagkakapunit nito dahil manipis lang ang tela. Madali lang ang pagrepair dahil makina naman ang gamit ko.

Binigyan ko si Farren ng upuan para makaupo siya. May dala siyang magazine at binuklat yun para basahin.

"Gusto ko lang magpahangin kaya pumunta ako dito sa shop ni Billie." biro ni Santi sa kaibigan.

Sinungitan lang ni Farren si Santi, halatang hindi naniniwala sa sinabi ng kaibigan. Parehas ko silang kaibigan pero mas matanda sila sakin ng isang taon pero kapag magkasama kami ay parang magkasing edad lang kaming tatlo. Isama pa si Sack kasi ang matured niyang mag-isip kahit isang taon ang age gap sakin.

Yung hindi ko nabobonding sa magkapatid ay sina Saf at Skan kasi si Saf ay tulog sa araw at si Skan ay busy mula umaga hanggang gabi. Si Saf kasi ay may pinapatakbong bar kaya busy siya sa gabi pero yung dalawang nakababatang kapatid ni Santi ay mga matured din ang pag-iisip kaya mangha ako sa kanila lalo na't mga bata palang ay marunong ng humawak ng sariling negosyo.

"Nakita ko si Skim sa shop niya, sabog, parang nakipagsex mula gabi hanggang umaga." Farren murmured.

Santi snorted.

I zipped my lips. That's not an exciting news.

"Mabuti naman at nandyan na siya sa shop niya. Kinailangan niyang bantayan ang shop niya kasi baka malugi yan."

"Ikaw naman kasi ang harsh mong magcomment palagi." birong komento ni Farren pero sa magazine siya nakatingin.

Napansin ko yung cover ng magazine. Hindi ko kilala ang mukha pero parang si Easton. The magazine was about business and the guy there was smirking his handsome face to us. Hinawakan ko ang magazine sa tungki ng papel sa itaas para makita ko ng maayos ang mukha.

"Ano ba yang binabasa mo? Magnenegosyo ka din?" tanong ko para hindi niya mahalata na curious ako sa kamukha ni Easton.

Nakasulat ang pangalan ng lalaki pero hindi ko na inabala pang basahin ng maingay, hindi naman kailangan eh.

Tinignan ni Farren ang lalaki sa cover magazine pero parang wala lang sa kanya yun. "Kinuha ko lang ito sa bahay ng amo ko, hindi naman yun nagbabasa ng magazine. Saka wala akong ibang pagkakaabalahan."

Napatango ako at hindi na inabala pa ang kanyang pagbabasa. Kinuha ko ang panyo ko at tinignan ang binorda ko. Siguro ay okay na siguro ito. Tinago ko muna ang panyo saka kinuha ang dress ni Farren para maayos ko ito.

"Siya nga pala, may gagawin ka ba sa linggo, Billie? Mag-inuman naman tayo. Hindi na tayo nakakapagbonding dahil busy tayo." angkat ni Farren.

Pero naisip ko na may usapan kami ni Oxford na kukunin niya ako sa linggo dahil niyaya niya ulit akong maglunch. Hindi pa naman linggo pero pinaghahadaan ko na magkita kami ulit.

"Pasensya na dahil may lakad din ako. Baka sa susunod nalang."

"Ako rin Far may lakad kami ni Sack. Restocking namin sa mga materyales para hindi na kami maging aligaga next week." sabi pa ni Santi.

Mabuti nalang at hindi lang ako. Napasimangot si Farren pero nagkibit-balikat siya. "Okay, next time nalang kung hindi na kayo busy. Yun lang ang time ko kasi yung amo ko ay nasa bahay naman niya at may isa pa siyang yaya sa bahay niya kaya may day off ako."

"Deal na yan. Next time kapag hindi na kami busy." sagot ni Santi at binaling na sa iba ang usapan. Ako naman ay natahimik lang at inisip kung ano ang dapat gawin sa mga susunod na araw.

Oxford Where stories live. Discover now