"Ma'am! Sabay na po kayo sa'min, para 'di na po kayo mabasa." Aniya.

"Pwede ba?" Tanong ko.

"Yes na yes, ma'am! Sakay na po kayo."

I smiled. "Salamat!"

Sa backseat na ako naupo. Nang mapatingin ako sa rearview mirror ay nakatingin din sa akin si Jom. I smiled a bit before fixing myself on the seat. Ibinaba muna ni Jom si Lour sa Archi dept. bago kami tumuloy sa COED building.

"Kamusta po? Hindi ko po kayo nakita kahapon tsaka nung isang araw. Absent daw po kayo nung isang araw?" Bati ni Jom nang kaming dalawa na lang ang natitira sa kotse.

"Oo, may inasikaso kasi. Nung isang araw dapat yung klase ko sa inyo 'no?"

"Opo,"

"Hmm, sorry ha. Hahabulin na lang natin next week."

He nodded. "No worries, ma'am. Okay lang naman po ba kayo?"

Tumango rin ako. "Oo naman. Thank you for asking. How about you?"

"I'm also feeling great now that I saw you again after a few days." Mula sa likod ay napansin ko ang pamimilog ng pisngi niya dahil sa pag ngiti.

Mahina lang akong natawa at hindi sumagot. It's weird but, unlike before, I feel nothing. I admit that it's hard not to find Jom unattractive because he is really attractive. So when he confessed, I felt something, honestly. But now, I don't know, it's suddenly gone. It has no effect on me anymore.

Pagkarating namin sa building ay nagmamadali siyang bumaba gamit ang malaki niyang payong. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at nag boluntaryo sa pag bibitbit ng laptop ko. Nagpasalamat naman ako sa tulong niya nang makarating na kami sa faculty.

"Thank you, ma'am. It was nice seeing you again." He said with a wide smile.

I smiled back at him and thanked him too. There was something in his smile that I can also see in his eyes, admiration. When he left, my smile faded and then I sighed. I feel sorry for Jom. I don't want to hurt his feelings but I also don't want to waste his time on me. I'm sorry, Jom. You deserve someone who can reciprocate your feelings. Someone who will give you the same love and effort that you also give.

And I think that person wasn't me.

"Hey, dumb bitch." Kinalabit ko si Nads nang makita siya sa labas ng banyo sa faculty na isinasara ang pinto.

"Uy, dumb bitch! Nandito ka na pala." Aniya tsaka siya umangkla sa braso ko. "Mag babanyo ka?"

Umiling ako. "Titingnan ko sana sa salamin kung halata ba yung nabasa na part sa uniform ko. Halata ba?"

"Hindi naman. Matutuyo rin naman 'yan."

Habang naglalakad pabalik sa mesa namin ay nakaangkla pa rin kami sa braso ng isa't isa.

"Anyare na pala dun sa babaitang sunod nang sunod sa inyo?" Mahina niyang tanong, nag iingat na baka may makarinig.

"Ayun, wala pa namang update. Hindi na rin naman siya masyadong nagpaparamdam ngayon."

"Buti naman. Pero wag ka masyadong kapante ha? Mamaya bigla na lang umatake yun. Basta magsabi ka agad para mahuli na yun."

Tumango ako at ngumiti.

"Nga pala, may nakita ka na bang apartment or boarding house na malapit dito?" Tanong ko.

"Ay, oo, meron pala. Diyan sa apartment sa eskinita sa tapat lang ng campus. Punta tayo mamaya?" Aya niya.

"Seven pa uwi ko eh,"

"Ay, oo nga pala. Four naman uwi ko."

"Bukas na lang kaya? Tutal umuulan naman."

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon