Pader [Short Story]

Beginne am Anfang
                                        

- Aubrey

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi maiyak. Para kasing nakakalungkot ako para sa lalaki.

Kung sino man yung babaeng tinutukoy niya, Ang swerte niya! Biruin mo apat na taon siuang gusto ng lalaki??!

"Angelo, Ayos ka lang??" "Sabihin mo! Nakita mo ba yung nagvandal?! Alam mo ba kung sino siya?!" Tanong ko pero napatitig lang siya sakin habang nakangiti.

"Marami na siyang manliligaw, Aubrey. Para saan pa kung aaminin ko sa kanya??" Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Wag niya sabihing siya yung...

"I-ikaw yung nagsulat?!"

"Simula noong una ko siyang makita, gusto ko na siya, Aubrey. Ewan ko ba kung anong kabaklaan yung nagawa ko at nakuha ko pang isulat sa Pader. Pero alam mo, hindi ko alam kung paano kung sasabihin sa kanya..." Napatulala lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakita ko na ang lalaking sawing palad, o malulungkot ako dahil napatunayan kong wala na talaga 'kong pag-asa sa kanya.

May gusto siyang iba!

Hindi lang 'yon, matagal na!

"A-Alam mo ang swerteaswerte nga niya. Dapat sabihin mo na sa kaniya, baka mahuli ka!" Advice ko pa kahit sobrang sakit.

Sana ako na lang 'yon. Sana ako na lang.

"Hindi naman niya 'ko gusto." Sagot lang niya habang nakatitig sakin.

"Okay lang kahit hindi ka niya gusto, Angelo! Nandito naman ako. Tatanggapin kita." Gusto ko sanang sabihin pero hindi na lang siguro.

Para saan pa? Para magmukhang tanga?!

"Bakit naman hindi?" "Mabait ka, talented, gwapo, gentleman pa. Sabihin mo, ano pa bang hindi niya magugustuhan---" "Aubrey, Mahal kita." Sabi lang niya at napatitig sa'kin.

T-Teka! Nag-iilusyon ba ko?!

"Dapat noong first year ko pa sasabihin, pero naunahan ako ng laba, hindi ko nasabi." Dagdag pa niya. Napatingin tuloy ako sa vandal.

Teka! Paanong naging ako?! A-ano namang nagustuhan niya sa'kin?! Ang dami-daming mas magandang---"Noong niligtas kita dati, alam mo bang gusto kong patayin yung mga lalaking nambully sayo?! Kaya lang napatawag tayo sa Principal's office, hindi mo na ko pinansin. Nagalit ka yata sa'kin." Sabi pa niya kaya napatulapa ako.

Y-yon ba ang tinutukoy nung first vandal na nabasa ko?? Anong hindi pinansin?? Akala ko nga nagalit siya sakin dahil nadamay siya! Tingin kasi siya ng tingin sakin noon!

"Noong second year, dapat babatiin kita. Alam mo bang handa na nga yung flowers ko? Kaya lang naduwag ako." Paliwanag pa niya.

Kung ganon kaua kabirthday ko yung---Argh! Bakit hindi ko naisip na ako 'yon?!

"Noong third year, nagkasundo kami ng mga kaibigan ko. Kung sino ang matalo sa basketball, bibigyan ng dare. Alam mo bang dapat mananalo naman kami? Kaya lang nanuod ka! Hindi mo ba alam ba natorete ako?!" "Nang dahil tuloy sa nararamdaman ko para sa'yo, natalo kami, niligawan ko si---" "Bakit hindi mo sinabi ah?! Bat pinaabot mo pa hanggang ngayon??" Inis na sabi ko na lang.

Hindi niya kasi alam kung gaano ko nasaktan noong araw na 'yon! Ilang araw akong hindi nakakain dahil akala ko totoong gusto niya ang babaeng 'yon!

"Aubrey, sorry, natakot akong---" "Alam mo bang simula noong niligtas mo 'ko, gusto na kita?! Kasi ikaw lang yung unang lalaking nagligtas at nakapansin sa'kin!

"Simula noon gusto na kita! Na sa twing may lalapit sayong babae, alam mo bang gusto kong sabihin sa kanilang, 'Akin ka!'?! Na sobrang sakit nung araw na niligawan mo si..." Napatulala na lang ako nang bigla niya 'kong hinalikan. Nablangko yata ang utak ko.

Nakalimutan ko na ang sasabihin ko!

Hindi ko to inaasahan hahalikan niya 'ko!

"Kung nasaktan ka, sorry. Natakot kasi akong bala hindi mo ko gusto, na bala iwasan mo ko pagnalaman mong gusto kita." Sabi niya at niyakap ako. Ayaw naman tumigil ng luha ko.


"Pero diba pwede pa nating ayusin?" "Pwede ko pa naman dibang gawin yung mga bagay na hindi ko nagawa?" Sabi niya at tumitig sa'kin. Bawat titig niya, ramdam na ramdam kong ang bigat nito. Hindi naman ako makapagsalita nang dahil sa luha ko.


"Aubrey Castillo, will you be my girl?" Tanong niya kaya mas naiyak ako.

Niyakap naman niya 'ko sa gitna ng ulan.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko nasiguradong hindi panaginip 'to. Ngayon lang pumasok sa isip kong siya talaga ang navandal sa pader, at lahat ng sinulat niya...

para sa'kin.




Thank you for reading.
DeadWeakHeart

Pader [Short Story]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt