Pader [Short Story]

1.8K 101 41
                                        

Pader [Short Story]
DeadWeakHeart

This is my first short story.

- Aubrey

September 23, 2012

Simula nang ipanagtanggol niya 'ko noong freshmen kami, naging crush ko na si Angelo, isa siyang varsity at isa sa heartthrob ng school sa ngayon.

Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang feelings ko. Masyado kasi siyang Gwapo para sa'kin, natatakot akong pagtawanan lang niya 'ko!


Anyway, bago ang drama, ako si Aubrey Castillo, isang weird na loner. Bakit Loner? Dahil wala akong kaibigan. Wala din akong kaklaseng gustong tumabi sakin! Bakante ang buong row ko.

Hoy! Wag kayo magisip ng kung ano ah!Mabango naman ako kahit papano! Naliligo ako araw-araw! (Defensive)

Natauhan na lang ako nang tumunog ang bell. Lunch break na namin.

Agad tuloy akong lumabas ng classroom.

Pagkalabas ko ng classroom, maglalakad na sana 'ko papuntang canteen, pero may nagkukumpulan sa kabilang section.

Wala naman sa lahi ko ang pagiging chismosa pero biglang may nagtilian.

May kababalaghan yatang nangyayari!

Nang sa nacurious, naki-osyoso na rin ako. Kaya lang nagulat na lang ako nang nakita ko si Angelo na inaabot ang flowers sa isang babae.

Nawindang ako sa nangyari.

Napatitig na lang ako kay Angelo at parang gusto ko siyang sugurin.

"Akala ko ba mahal mo ko?! Anong nangyayari dito!?" Gusto ko sanang isigaw pero syempre hindi ko sasabihin 'yon.

Hello Aubrey?! Kailan ka ba niya minahal?!

Napako lang ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang napatingin sa'kin ng walang dahilan. Feeling ko tuloy guguho ang mundo ko. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko.

Hanggang sa nagsitilian ulit ang mga tao, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Tumakbo na lang ako ng tumakbo hanggang sa ko nakarating ako rito sa likod ng school.

Nang makarating ako dito, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala naman kasing magandang gawin dito. Sumandal lang ako sa isang pader habang nakaupo.

Pinipigilan kong umiyak.

"Aubrey naman! Bakit ba kasi nangangarap kang magkakagusto siya sayo, ha?! Alam mo namang imposible, diba?!" Sigaw ko sa sarili ko pero hindi ko na napigilang maiyak.

Sa totoo lang, ayokong umiyak dahil crush ko lang siya, at malinaw namang may gusto siyang iba---kaya lang nasasaktan talaga 'ko ngayon!

"Aubrey, ano ba! Crush lang 'yon! Marami ka pang magiging crush! Wag kang umiyak oh!" Sermon ko sa sarili ko at pinunasan ng luha. Tumayo na rin ako para sana umalis---pero nahulog ang pentelpen ko mula sa bulsa ko.

Agad ko namang pinulot pero habang papatayo, bigla akong napatingin sa Pader na sinasandalan ko kanina.

May nakita kasi akong vandal.

Paano kong masasabi sa'yong gusto kita kung lahat ng tao iniiwasan mo? 09-22-2010

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

Pader [Short Story]Where stories live. Discover now