Noong third year naman, nagpustahan kami ng mga kaibigan ko. Kung sino ang matalo sa basketball game ay bibigyan ng dare.
Hindi naman talaga 'ko matatalo---pero bigla siyang nanuod sa game, naconscious tuloy ako at napako ako sa kinatatayuan ko.
NATALO KAMI.
Nag-dare ang kaibigan kong ligawan ko si Jennica---wala naman akong nagawa.
Sa totoo lang, noong araw na niligawan ko si Jennica, hindi ko inaasahang isa siya sa makikiosyoso. Parang nabato tuloy ako nang nakita kong nanunuod sa'min. Parang gusto kong magpaliwanag kahit wala naman dapat akong ipaliwanag. Kaya lang nang pagbalik ko ng tingin sa kanya, wala na siya.
Ngayon naman, ito na ang huling taon na magsusulat ako. Kaklase ko siya at ito na yata ang pinakamasakit sa lahat. Mas gumanda kasi siya ngayon at marami nang manliligaw. Hindi na kagaya ng dati.
Sa totoo lang, dapat kanina pa kong recess pupunta sa likod ng school pero may meeting ang varsity. Noong lunch break naman, may suprise quiz sa next subject kaya napilitan na lang akong magreview.
Uwian na 'kong nakapunta.
Nang makarating ako sa pader, nakapayong ako ngayon dahil umuulan.
Hay! Ang dami ko palang memories dito sa pader no? Nakakalungkot tuloy isipin na ilang months na lang aalis na 'ko dito.
Magsusulat na sana ko pero nagulat ako nang biglang may nagsulat sa ibaba ng isang vandal ko.
Kung mahal mo siya, sabihin mo na sa kanya! Nasa huli ang pagsisisi!09-23-2012
Napaface palm na lang ako sa nabasa ko.
Nakakahiya!
Nang dahil huling taon ko naman na 'to, nagreply ako sa nakasulat, tapos nagsulat na 'ko sa pader. This time, mahaba na ang sulat ko dahil huli na 'to.
Sayang dahil mukhang hindi ako makapagconfess ako sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto, aalis na sana 'ko, pero parang may parte ng katawan kong ayaw umalis. Kaya naman umakyat ako sa kabilang bakod ng pader dahil may silomg dito at naupo sa maliit na upuan.
Naupo ako dito at nagpayong.
Hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip pala 'ko at nagising na lang nang may narinig akong bumahing!
Agad akong napatingin sa wrist watch ko at namalayang mag-iisang oras na pala 'kong nakaidlip!
Nang dahil don, agad akong tumaas sa pader at dumungaw sa kabilang banda.
Hindi ko inaasahang makikita ko siya!
"Aubrey? Bakit ka nandito??" Tanong ko. Shit! Bakit basang-basa siya? Bakit siya nandito?!
"A-Angelo?!" Agad niyang pinunasan ang luha niya. Tumalon naman ako pababa ng pader papunta sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?? Bakit ka nandito, ha??" Tanong ko pa at pinayungan siya.
"Angelo, hindi ko naabutan." Sagot lang niya habang umiiyak kaya hindi ko siya maintindihan.
"Ano yung hindi mo naabutan??"
"Yung nagsulat dito sa pader!" Sagot niya at tinuto ang pader.
Shit! W-wag niya sabihin na siya yung sumagot sa vandal ko?!
YOU ARE READING
Pader [Short Story]
RomanceKahit sa pader lang, masulat ko man lang yung nararamdaman ko para sa'yo.
Pader [Short Story]
Start from the beginning
![Pader [Short Story]](https://img.wattpad.com/cover/4811559-64-k701860.jpg)