Nang makarating ako sa pader, halos buong break time akong naghintay sa kanya, pero walang dumating. Bumalik rin ako nang Lunch break, pero wala talaga.
Hanggang sa maguwian, nakakainis dahil umuulan ngayon! Kahit wala tuloy payong, sumugod ako sa ulan para makilala siya.
Desperado kasi talaga 'kong malaman kung sino siya! Kung kabatch ko man siya, siguradong ito na yung last vandal niya dahil gagraduate na siya!
Gusto ko siyang tulungan sa babaeng gusto niya! Marami kasi akong magagandang kaibigang kabirthday ko rin, baka isa sa kanila ang babaeng gusto ng nagvandal!
Napahinto na lang ang mundo ko at parang nadurog ang puso ko nang may nakasulat na sa pader.
Ito na ang huling taong makakasama kita. Alam kong wala na talaga 'kong pag-asa sa dami ng manliligaw mo pero hinding-hindi kita makakalimutan. Mananatili ka dito sa puso ko. 09-22-2013
Bigla na lang tumulo ang luha ko at napaupo sa tapat ng pader. Nababaliw na siguro ako! Dahil lang sa pader na diary ng isang lalaki, naiiyak na ko!
Para kasing nakakarelate ako sa kanya.
Na wala na 'kong pag-asa kay Angelo.
Na sa tagal ng lalaking may gusto sa babae, parang sumulo na siya.
Ilang minuto ang lumipas, tahimik lang ako habang umiiyak. Hanggang sa napansin kong may reply siya sa vandal ko.
Ilang beses ko nang sinubukan. Sa twing nakikita ko siya, nauunahan ako ng kaba. 09-22-13
Relate na relate tuloy ako. Lahat kasi ng nakasulat sa pader na 'to, naiintindihan ko. Hindi ko na tuloy inalala ang ulan---Ewan ko ba! Naiiyak ako kasi parang nawalan na ko ng chance na makita ang lalaking to! Dahil sigurado, hindi ko na siya ulit makakausap, kahit lang sa mahiwagang pader na 'to.
Natigilan na lang ako nang nabahing ako. Ngayon ko lang napansing, basang-basa na pala 'ko!
Aalis na sana ko pero may dumating.
Si Angelo.
- Angelo
Simula noong freshmen, gusto ko na talaga siya. Bakla na kung bakla pero umabot ako sa point na gusto kong pumatay nang nabully siya dati.
Ganito yon, gusto ko lang naman kasi sana siyang batiin dahil Birthday niya, pero nakita kong may nambully sa kanya---Nauwi tuloy sa away at suntukan ang lahat. Napatawag kami sa Principal's office at parang nagalit siya sa'kin nang dahil don.
Simula noon umiwas na siya sa'kin.
Alam kong korny pero tagos sa puso yung ginawa niya. Noong araw tuloy na 'yon, tumakbo ako sa likod ng school. Sising-sisi ako dahil ipinagtanggol ko siya at nakipagaway ako.
Naisulat ko tuloy sa pader.
Noong second year naman, gusto ko sana siyang batiin ulit---hindi ko na naman nagawa. Tumingin pa lang kasi ako sa kanya, parang umurong na agad yung tuhod ko.
Oo! Siguro bakla na 'ko!
Kung pwede ko nga lang sabihin sa mga kaibigan ko yung feelings ko para matulungan nila ko, baka nagawa ko na! Kaya lang hindi pwede! Alam kong pagtitripan lang nila si Aubrey kaya bumalik na lang ulit ako sa pader at nagsulat ulit.
KAMU SEDANG MEMBACA
Pader [Short Story]
RomansaKahit sa pader lang, masulat ko man lang yung nararamdaman ko para sa'yo.
Pader [Short Story]
Mulai dari awal
![Pader [Short Story]](https://img.wattpad.com/cover/4811559-64-k701860.jpg)