Sino kaya ang nagsulat nito? 2010?! Dito pa kaya nag-aaral ang nagsulat nito? First year pa lang yata ako noon ah? Ang tagal na!
Medyo namangha ako sa pader nang mabasa ko ang sulat. Diary pala ito ng isang katulad kong sawing palad sa pag-ibig! Hahaha!
Pagkatapos aymay nakita pa 'kong isa pang vandal, malapit sa kanina.
Birthday mo ngayon. Kaya lang nahihiya akong batiin ka. 09-22-2011
Nawindang lalo ako sa nabasa ko. Magkabirthday kasi kami ng crush ni Ate!
Dahil na-curious pa 'ko, naghanap pa ko ng iba pang vandal. Halos inikot ko ang buong pader---pero wala na yata!
Aalis na sana ko pero may nakita akong sobrang liiy na vandal sa paanan ko.
Kahit na maging kami, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. 09-22-2012
Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.
Una ay dahil lalaki pala ang nagsusulat nito!Pangalawa, kahapon lang niya sinulat!
Medyo nangiti na lang ako bigla nang napagtanto kong hindi lang pala ako ang dakilang sawing palad dito sa school. May Katropa rin pala 'ko no? hahaha!
Sino kaya talaga nagsulat nito? Anong ibig sabihin niyang kahit maging kami?
Nang dahil sa mga nabasa 'ko, nag-isip ako ng paraan para matulungan ang nagsusulat dito. Hindi ko alam kung anong masamang ispiritu ang sumapi sa'kin---pero nagawa kong sulatan ang pader.
Kung mahal mo siya, sabihin mo na sa kanya! Nasa huli ang pagsisisi!09-23-2012
Napangiti na lang ako nang dahil sa sinulat ko. Ang talino ka talaga! Kung sino man ang nagsulat ng vandal, sana mabasa niya 'to para naman matauhan siyang masamang magvandal---este maging torpe! hahaha!
Matapos ang nangyari, napagpasyahan kong bumalik ng September 22 sa susunod na taon dito. Lahat kasi ng date ng mga vandal niya ay puro September 22. Kung hindi pa siya graduate, siguradong babalik siya dito!
September 22, 2013
Hanggang sa lumipas ang halos isang taon, naghintay ako. Sa isang taong lumipas, marami ring nagbago.
Bukod sa senior highschool na 'ko, natuto na 'kong mag-ayos at makipag-kaibigan. Sabi nga nila, gumanda raw ako. Marami na rin akong kaibigan ngayon, hindi na katulad ng dati.
Ang hindi lang talaga nagbabago, yung feeling ko para kay Angelo.
Minsan nga nakakasama ko siya sa mga events, pareho kasi kaming class representatives (Oo, kaklase ko nga pala siya!). Kaya lang napansin kong parang lagi niya 'kong iniiwasan.
Feeling ko nga galit siya sa'kin---Ewan!
"Happy Birthday, Aubrey!" Bati ng mga kaibigan ko kaya napangiti ako.
"Thank you." Pasalamat ko naman.
Ito na yata ang birthday kong may pinakamaraming bumati sa'kin. Dati kasi parents ko lang yata ang may alam ng birthday ko---Ngayon, buong school na yata!
Nang nagkaroon ako ng oras, pumunta agad ako sa likod ng school para abangan ang nagausulat. Siguro oras naman na para makilala ko siya, diba?! Isa pa, ni hindi man lang siya nagreply sa vandal ko! Sana naman magreply na siya ngayon.
ESTÁS LEYENDO
Pader [Short Story]
RomanceKahit sa pader lang, masulat ko man lang yung nararamdaman ko para sa'yo.
Pader [Short Story]
Comenzar desde el principio
![Pader [Short Story]](https://img.wattpad.com/cover/4811559-64-k701860.jpg)