Chibog :)

2.4K 22 4
                                    

Nagising ako ng may parang nangingiliti sa leeg ko.

“Mnh.” Ungol ko, pinapaalis yung nangingiliti sakin. Istorbo kasi :( Natutulog yung tao eh.

Tapos patuloy pa rin,

Nafeel ko na mga halik pala itong kumikiliti sa akin.

I know this smell. Ang bangooooo.

Sumilip ako sa isa kong mata, inaantok pa kasi ako.

“Bry, go away.” Sabi ko habang minomotion yung kamay ko na umalis siya.

“Meg, wake up. It’s 7 pm. Nagsisimula na silang kumain sa baba.” Sabi niya, pero patuloy pa rin niyang hinahalikan leeg ko, pataas sa tenga.

Nakikiliti ako eeehhhhhhh…

“No,” Sabi ko sabay talukbong sa kumot ko para din a niya ako mahalikan.

“C’mon, masarap yung food. Alam ko favorite mo ang shrimps.” Sabi niya at sabay kiliti sa akin sa waist.

Eiiish.

“I wanna sleep” Sabi ko, sinusubukang alisin yung kamay niya sa akin.

“Dadaganan kita, sige ka.” Panakot ni bryan.

Inalis ko ang pagkakatalukbong ko sa kumot.

“Subukan mo.” Sabi ko with matching dila face.

Tapos kiniliti niya ako ng bongga, feeling ko mamamatay na ako.

“B-bryan, hahahaha Stop! Ahhh hahaha!” Sigaw ko kay Bryan.

Tapos biglang nag open yung door.

“Eh naglalampungan na pala kayo jan eh.” Si Sab yun. Gaga talaga ‘to. Haha

At last tumigil na si Bryan.

Then I sat up.

“Ayaw kasi niya bumangon eh,” Depensa naman ni Bryan

“Hali na kayo, hinahanap na kayo ng iba doon. Bryan, hinahanap ka ni Seth.” Sabi ni Sab.

“Ah, ganun ba? Oh Meg, bangon na jan ha. Ireready ko na food mo sa baba,” sabi ni Bryan tapos humalik sa noo ko.

Ano ako bata? O lola? Sa noo hinahalikan. Gusto ko sa lips. HAHA.

Pagkalabas ni Bryan, napatingin ako kay Sab.

There’s something wrong.

Halata yung lungkot sa mga mata niya. Parang nagpipigil ng iyak.

“Sab, what’s wrong?” Tanong ko sakanya.

Tapos lumapit siya at yumakap sa akin. Tapos humagulgol.

“Eh kasi *sobs* si Luke” Sabi niya tapos tuloy pa rin sa pag-iyak.

“Shh, taha na. Wag ka nang umiyak. Tell me what happened.” Sabi ko sakanya, tinatry na icomfort siya.

Kumalas siya sa pagkakayakap.

Inabot ko yung tissue na nasa bedside table.

“Narinig ko kasi na nagkwekwentuhan sila nung ibang guys. Kinekwento niya yung girl na nakilala niya sa bar na inuwi daw niya sa apartment niya.” Paliwanag ni Sab.

</3 Ako yung nasasaktan para kay Sab eh. Imagine, wala pa silang proper closure. Ni hindi pa sila nagkakausap kung anong estado nila ngayon. Di sila nagpapansinan. Tapos stuck sila sa isa’t isa for 4 days dito sa Bolinao? Kamusta naman yon? Dapat nilang mapagusapan ‘to noh.

“You have to talk to him Sab. I know it hurts, but you have to. Ang haba na ng pinagsamahan niyo, kelangan niyang malaman ang nararamdaman mo, para marealize niya ang pagkakamali niya. Be strong Sab.” Sabi ko, habang pina pat yung likod niya. Iyak ng iyak eh.

“I know. *sobs*. Ang sakit lang kasi” sabi niya at sabay iyak.

“Aww Sab. I’m sorry you’re hurting.” Yinakap ko siya.

Somehow, ramdam ko yung pain na nafifeel niya.

“Hay, tama na nga. Bumaba na tayo para makakain na.” Sabi niya sabay punas sa tears niya.

“Sige, magbibihis lang ako.”

Nakasuot na kasi si Sab ng bikini niya, pero pinatungan ng dress na mahaba, yung pang patong talaga sa mga bikini. Gets? Haha

Sinuot ko yung bikini na binili ko kasama si Bryan :> yung nagkaroon kami ng hot scene sa dressing room. Naaalala niyo? Wahaha. Good times.

Pagbaba namin sa may pool area, may mga nagsisikainan na doon sa may malaking nipa hut sa tabi ng pool, tapos yung iba nagtutulakan sa swimming pool. Yung iba naman ay sumasayaw sa malakas na tugtog.

Nung papalabas na kami papunta sa pool area, sakto ang song na tumutugtog ay Me and You by Cassie. Kaya naman feel na feel ng lola niyo ang pagrampa! :)

Napatingin ang iba sa amin, at sabay kantsaw na “Oooohh” “Sexy o.”

Napatingin naman ako kay Bryan na may hawak na dalawang paper plates. Nakatitig lang siya akin, with his mouth slightly open.

Eto yung hungry look niya.

Wahahaha.

“Uy Bro, baka matunaw si Megan niyan.” Asar sakanya nila Seth.

Tapos parang doon nagising si Bryan.

Napasmile naman ako sakanya. Haha he’s sooo cute.

“Uhh, I got you food.” Sabi niya sabay pakita nung isang plate na haak niya.

Pag tingin ko sa plate nabalatan na niya ang shrimp.

Shet ang sweet naman neto. :)

“Thanks.” Sabi ko, giving him a sweet smile.

Sabay na kami kumain sa may table at chair na tabi din ng pool.

Sinubuan niya ako crab na kinakain niya.

Sinubuan ko din naman siya ng shrimp.

Ang daming food. Seafood, Liempo, Gising-gising, and many more.

After eating, tinulungan namin nila Dindi ang mag maid na magligpit. Kahit ayaw nila, tumulong pa rin kami. Nakakahiya kaya.

After that, sumama na kami sa pag enjoy nila sa pool. Nagswim kami. Nagtulakan sa pool. Naglaro pa ng pool wars. Haha.

May mga drinks na silang nilabas.

May beer and hard liquor.

Ako, si Sab, si Dindi, at ang isa naming blockmate ay nasa Jacuzzi na nasa tabi lang din ng pool.

“So, paano mo nakilala si Bryan?” Tanong sa akin ni Dindi.

“Uhm. Nameet ko siya sa isang party noon, pero nagkita lang ulit kami last week. Tapos dun ko siya officially nakilala ng husto.”

Kinwento ko kung paano ko siya nakilala.

“Official ba yang relationship niyo?” Tanong sa akin ni Dindi.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. I mean yes, we have sex. We call each other ‘babe’ or ‘baby’. We do things that usually a couple does. But we never actually remarked each as boyfried and girlfriends to other people. So, hindi ko alam.

“Lagot tayo jan.” Sabi ni Dindi. Napansin ang pagkatahimik ko.

“First time ko ito. Hindi ko alam kung paano ba dapat ito nagsimula.

Hindi ba dapat may ligawan stage? Yung bibilhan niya ako ng flowers, kakakantahan at susuyuin to win my heart over? Wala kasing nangyaring ganun sa amin.” Sabi ko

Nalungkot ako bigla.

It hit me.

Wala kaming label. Walang certainty na kami.

Hindi ko alam ang nararamdaman niya.

Ano nga ba ito?

I want you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon