Nagtaka ako nung una dahil inihinto niya ang sasakyan, yun pala ay nasa tapat na kami ng apartment. Pinatay niya ang makina at ibinaling ang tingin sakin.

"Tattoos are cool and I got these inks after university days." he explained. He didn't have to but it's my fault why he's opening a sliver about his personal life.

I bit my cheek. Throwing another questions didn't feel right so I zipped my lips for few seconds before I gripped the belt to unfasten it.

"I have to go. See you next time, Oxford." Mahina kong sambit saka lumabas ng sasakyan.

Sinarado ko ang pinto nang makalabas ako at umikot ako para humarap sa driver's side. Binaba niya ang salamin at diretso ang tingin sakin. "Do you have free time on Sunday morning, afternoon, or evening?"

Napatawa ako. "Nasa bahay lang ako pero pwede akong lumabas hindi nga lang pwedeng magtagal." sagot ko, naihaon ko na ulit ang sarili mula sa tensyon kanina tungkol sa tatu.

"Mamili ka lang kung anong oras kitang susunduin sa linggo."

"Pwedeng alas onse nalang para sa lunch time. I know I still owe you a lunch since we already had dinner and breakfast together."

Nagliwanag na naman ang mukha niyang may balbas. Tumubo na ang balbas sa kanyang mukha pero hindi pa yun masyadong yumabong, noong huli ko siyang nakita ay may tumutubo na pero hindi pa masyadong mataas para maitago ang makinis na linya ng kanyang panga. But looking at him with stubble made him more sexier and wild looking.

"Great. That'd be perfect. Sinabi ko pala sayo na yayayain kita ng dinner pero kapag may free time ka ay pwedeng lunch or breakfast." he said animatedly. "Sunday at noon, it's perfect." he added after getting over with his thought about that he asked me before. "Sana ay hindi yun ang huli nating breakfast at dinner. Yayayain pa kita sa mga susunod na araw kapag may free time ka. All you have to do is to call me using the calling card I gave you."

I wrinkled my face and smiled as I shook my head. "Sorry pero nakakalimutan ko na tawagan ka. At baka busy ka rin sa trabaho."

Hindi ko siya tinatawagan gamit ang kanyang calling card dahil baka yung sekretarya niya ang makausap ko at makaabala pa ako sa trabaho nila. Oxford was the CEO of his jewelry business. He's handling a business which was one of the largest and successful accessories line in the world.

"Sinabi ko na sayo na hindi ako magiging busy kapag ikaw ang tumawag."

Ngisi lang ang tangi kong nagawa dahil sa sinambit niya. Kapag magpadala ako sa lambing ng boses niya ay baka matudas ako dahil hindi biro ang makasama ang isang lalaking kagaya niya na maraming babae ang naghahabol, kahit tingin lang ay diyan ako aatras dahil paniguradong magagandang babae ang naghahabol sa kanya. Kagaya ni Cassidy Reyes. Hindi ko parin maialis ang kanyang maamong mukha sa utak ko. Parang ang hirap alisin ng kanyang mukha dahil sa ganda niya.

Kinunot ko ang noo ko para ilagay na ang pokus ko kay Oxford.

Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. "Susubukan ko pero hindi ako sigurado, Oxford."

"I'll wait." he huskily replied. "Uuwi na ako. Will see you sooner, Billie. Good night."

"Night." I waved my hand to bid my goodbye.

Pag-alis niya ay binuksan ko ang gate pero hindi pa ako nakakapasok nang may taxi na huminto sa tapat ng katabing gate ng apartment namin. Lumabas si Farren na maraming dalang grocery bags.

"Salamat, manong. Heto po ang bayad." sabi nito atsaka kumuha ng pambayad at binigay sa driver.

Nang makaalis ang kanyang sinakyan na taxi ay masaya itong humarap sakin. "Oy Billie girl! May nahanap na akong trabaho! Finally!" sabi niya at tumingala pa at nagpapadyak-padyak sa saya.

Oxford Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang