Huminto kami at pinagtig-isahan ang apat na matataas na puno. "Shit! Ang dami! Mga Cerberus ba ang mga 'yan?" Tanong ko. Nasa ibaba namin ang isang malawak na kapatagan na punung-puno ng mga mababangis na hayop. They're all three-headed monsters pero hindi sila katulad ng Cerberus.

Dahil ang tatlong ulo nila ay ulo ng iba-ibang hayop, ang isa ay lion, ang isa ay ahas at ang ikatlong ulo ay ulo ng kambing. Ang mga paa nila sa harap ay mga paa ng lion. Sa likod ay paa ng kambing at ang buntot ay tila buntot ng ahas. "Yan ang tinatawa na Chimera, kaiba sila sa Cerberus dahil ang Cerberus ay malalaking aso lamang"

"Subukan mong humuli ng isa, kamahalan" Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Lark. "Bakit ako? Bakit hindi ikaw? Ikaw naman nakaisip eh" Paano kung tuklawin pa ako nung isa sa mga ulo nun. O kaya sakmalin ako ng lion. Aba! Edi nawalan ng ka-forever si Lucian babes.

"Sige. Ipapakita ko muna sa'yo kung papaano" Natatawang sagot ni Lark. Pinagmasdan ko si Lark na nag-iba ang kulay ng mata. From black, it turned to bloody red. Lumabas din ang mga pangil niya at humaba ang mga kuko niya. Ghad! I don't know how vampires do this kind of transformation pero talaga namang nakakamangha.

Pinagmamasdan niyang maigi ang mga Chimera na nasa kapatagan and in just a second tumalon sya paibaba. I saw how he twisted the three heads of a Chimera. Hindi nito nagawang pumalag sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Ni hindi rin sya napansin ng iba pang Chimera dahil mabilis syang nakabalik sa itaas ng puno na tinatayuan niya kanina habang bitbit ang Chimera na hinuli niya.

"Wow!" That was really impressive. "Ikaw naman po Lady Alexis" may halong excitement ang boses ni Chiara, pero ako? Tang*na! Sigurado ba sila sa ipapagawa nila sa'kin? Tinignan ko muli ang mga Chimera sa ibaba. Hindi ko alam kung ilang daang Chimera ang nasa ibaba. Kapag napansin nilang nandoon ako paniguradong dudumugin nila akong lahat para lapain.

"Parang inantok yata ako bigla" Palusot ko. Sino ba naman ang nasa matinong pag-iisip na tatalon sa ibaba lalo na kung alam mong hindi mo kaya? "Kamahalan, hindi kayo matututo kung panghihinaan kayo ng loob" Paliwanag ni Claudia.

"May punto si Claudia Lady Alexis. At isa pa, kami ang mananagot kay Lord Lucian kapag hindi ka namin naturuan" Seguna naman ni Chiara.

"Konti lang din ang nalalabing panahon upang magsanay, at marami ka pang kailangang aralin. Lalo na sa paggamit ng salamangka" Dugtong pa ni Lark.

"Makapangyarihan ang mga Mystic Theurage, at hindi tayo nakakasiguro na magagawa mong manalo sa kanila, sa estado mo ngayon"

"Tama. Kaya kailangan nating magsanay ng magsanay upang mahigitan mo sila"

May point lahat ng sinasabi nila. Malalakas ang mga Mystic Theurage, kaya sakanila ako paniguradong mahihirapan sa darating na paligsahan. "Gaano karaming salamangka ba ang kaya nilang gamitin?" I asked out of nowhere. Bigla akong na-curious kung gaano kalakas ang kakayahan nila.

"Sila ang sunod na malakas na isang Ulimate Magus kaya nakasisiguro kaming halos lahat ng salamangka ay alam nila"

"Ang kaso nga lang, hindi sila maaaring gumamit ng itim na salamangka, maliban kay Gynweilla Mrinal"

Yeah, si Gywnweilla ay isang dark sorcerer. "Ano ang kaibahan ni Gynweilla sa iba?" Nagtatakhang tanong ko. "Ang mga katulad ni Gynweilla na gumagamit ng itim na salamangka ay hindi na maaaring gumamit ng matataas na uri ng puting salamangka, ngunit lubhang mapanganib ang itim na salamangka dahil wala itong limitasyon lalo na kung sa pakikipaglaban gagamitin kung kaya't isa sya sa pinaka-kailangan mong paghandaan"

I actually don't get it. "Sampung gabi na lang bago ang kabilugan ng buwan at sa sampung gabi na iyon ay kailangan mahigitan mo ang kakayahan nilang lahat" Tumango ako. They're right, kailangan ko ng magsanay ng bonggang-bongga kung gusto kong maging reyna. Kailangan kong maging reyna as soon as possible para maituloy ko na ang mga pinaplano ko.

"Sige, sige game na!" buo na ang loob ko ngayon. Hayy! Pero nakakatakot talaga eh. Tignan mo naman 'yung ulo ng ahas, ang laking ahas nun. Kapag tinuklaw ako nun patay agad ako. "Pagbutin nyo po kamahalan"

Huminga ako ng malalim at lumunok kahit nanunuyot na ang lalamunan ko sa takot at nanlalamig ang kamay sa kaba. Okay fine. Kakayanin ko 'to alang-alang sa forever namin ni Lucian bebe.

This will be the third time na gagamit ko ang element ng hangin at dahil tropa-tropa na kami, hindi na ako nahirapan. Hindi ko na rin kinailangan pumikit para maramdaman ang enerhiya sa katawan ko. Kasing bilis ng hampas ng hangin ng isang bagyo ang bilis ng pagbaba ko.

Nakatayo na ako sa kapatagan at napukaw ko na ang atensyon ng mga Chimera. At leche lang! Nakalimutan kong planuhin kung anong gagawin ko dito sa baba.

"Grrr" They're all growling at parang gustung-gusto nila akong kainin. "C-calm down okay. Practice lang 'yun" Sabi ko habang dahan-dahang umaatras at naka stop sign ang dalawang kamay ko sa kanila. Unti-unti rin silang lumalapit papunta sa'kin at mukhang nag-aabang ng tamang pagkakataon para sunggaban ako. "T-teka lang. P-pwede naman take two diba?" Sinusubukan ko silang kausapin kasi baka effective kaso mukhang mas lalo silang nagagalit.

Lumundag ang isang Chimera sa gawing kaliwa ko para sunggaban ako kaya I waved my left hand para magpakawala ng malakas na hampas ng hangin. Tumalsik ang Chimera palayo, pati ang iba pang Chimera na nasa bandang kaliwa dahil sa lakas hampas ng hangin. "Oy wala ba kayong balak na tulungan ako dito?!" Hiyaw ko sa tatlong bampira na nasa itaas ng puno.

Sunud-sunod na sumugod ang mga Chimera sa'kin kaya sunud-sunod din ang ginawa kong pag-wave ng kamay. Hanggang sa unti-unti akong nakaramdam ng pagod at panghihina. "Shit! Hindi sila nauubos" Kung sabagay, hampas ng hangin lang ang ginagawa ko sa kanila kaya makakabalik at makakabalik din sila. At mas lalo pang dumami ang mga Chimera at pinapalibutan na nila akong lahat ngayon. "Damn! I'm doomed" Ano na ang gagawin ko?

I need to do something, hindi pwedeng maghintay lang ako ng milagro rito. Ang sabi ni Lucian, I can use any element. Kaya sinubukan kong isipin ang apoy. I felt a little burning feeling inside my body. Parang nagkaka heart-burn at muscle burn but this one's different, kasunod ng burning sensation that I felt ay para naman akong pinahiran ng vicks vaporub inside and outside of my body.

I lifted my right hand, the burning feeling is slowly travelling from different parts of my body up to my right hand hanggang sa maglabas ng apoy ang kanang kamay ko. "Whoa!" I was stunned, I never thought it would be this easy. I threw the ball of fire in front of me kaya umatras ang mga Chimera na nasa harap ko.

I threw another one on my left, then on my right, pati sa likod ko. Kaya napapalibutan na ako ng apoy ngayon. At hindi ko na makita ang mga Chimera dahil palaki ng palaki ang apoy.

Ang problema ko naman eh kung paano ako lalabas dito sa ginawa kong barricade ng apoy. Habang nag-iisip ako ng way kung paano ako lalabas, unti-unti ko ring naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko dahilan para mapaupo ako. Shit! The feeling is suffocating. Parang uhaw na uhaw ako sa oxygen. Inilibot ko ang tingin sa paligid, mas lalong lumakas ang apoy na nakapalibot sa akin at halos makulong na ako dahil pati ang itaas na bahagi ay may apoy na rin. Hell! I am trapped! And I can't fucking breathe!

Sumalampak na ako sa batuhan dahil sa sobrang sikip ng paghinga na nararamdaman ko. When I felt a cold finger trailing my cheek. "Gago ka akala ko ba hindi ka sasama?" Papikit na ako at halos hindi ko na mabigkas ang mga salitang sinasabi ko. I received no response from him. Instead, he gently kissed me and gave me some air until I passed out.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon