Di niya kasi makuha yung pwestong komportable siya.

Kaya ang ginawa ko, kinantahan ko na lang siya.

Ayun, parang baby na tumigil at nakatulog.

"And if you want, hey girl, you got me. There's nothing I know I wouldn't do, Just to get up next to you...." (A/N: Jason Derulo  - Want to want me)

Tumigil na ko nung napansin kong andito na nga kami sa street ng bahay nung matanda.

Nung makita ko yung house number ay pinarada ko na sa gilid ko ang kotse.

"Ito na siguro yun" Bulong ko.

"Lex" Sobrang himbing ng tulog niya kaya parang nagdadalawang isip akong gisingin siya.

Kaso kilala ko to eh.

Magagalit si Alex pag hindi ko siya sinama.

"Panget, gising na" I tapped her arm but she just moaned.

Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya matulog.

Para talagang prinsesa 'to sa ganda.

Panget lang tawag ko sa kanya pero kabaliktaran talaga siya nun.

"Junior, gisingin mo nga si mama mo" Tinanggal ko yung seatbelt ko para maabot si junior.

Pinakawalan ko siya sa seatbelt niya at idinikit ko ang lips niya sa pisngi ni Alex.

Ito namang isa, tinabig lang yung bunso namin.

Hinagis ko na si junior sa likod kasi parang nairita din ako sa kanya.

"Peste ka, wala kang karapatan halikan si Alex! Akin lang siya" Pagirap ko kay Junior. "At paguwi mo, pagsabihan mo rin si kuya senior mo. Wag siyang masyadong yumayakap kay Alex. Papaluin ko yun"

Tumingin na ulit ako kay Alexandra.

Sleeping beauty yata ang goal nito ngayon.

Parang mantika matulog.

Sige, gigisingin din kita in a prince-charming-na-pogi-pa way.

I leaned into her and kissed her lightly. Dampi lang ng labi ko.

Tinignan ko siya pero parang no effect.

Ah! Gusto laplapan.

Malandi pala si sleeping beauty, di ako nainform HAHAHAHA.

Natawa na lang ako at hinalikan ng madiin ang pisngi niya kaya nagising na nga talaga siya.

Itinulak niya agad yung mukha ko bago siya humikab.

"Ano ba nate! Istorbo ka naman eh!" Pagrereklamo niya.

"Andito na po kasi tayo kanina pa. Ikaw kaya nakakaistorbo sa oras ko kasi ayaw mong magising"

"Ay? Hehehe. Sorry naman"

Kinusot niya yung mga mata niya at bumaba na sa kotse.

Ako pa iniwan. Ibang klase din ito eh.

Bumaba na rin ako at lumapit sa kanya. Nagdoorbell na pala siya...

"Sino yan?" Sigaw ng isang babae.

"Fairy God Father mo. Andito ako para bigyan ka ng basag na glass slippers" Bulong ko.

"Aray!" Binatukan ba naman ako ni Alex. Huhuhu Ang brutal!

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon