"Fine. Ekis na yung doppelganger. Kung hindi natin sila ka-spirit double, ano natin sila?"

"Abay malay ko. Wag ka sakin magtanong Nathan. Mukha bang alam ko rin yung sagot?"

"Sungit naman ng babe ko"

"Wag sabi babe eh! BAKIT BA BABE KA NG BABE? SINO BA SI BABE MO?"

"Eh di yung side chick ko malamang HAHAHAHAHA"

"At proud ka pa? Argh! Bahala ka maghanap ng kausap mo!"

I crossed my arms and looked away.

Kinurot kurot niya yung braso ko para lumingon ako pero di ko talaga siya tinitignan.

Aba! Pinagtatawanan pa kasi ako!

"Alex hahaha. Huy babe...ay joke lang....lex hahaha"

Talagang inaasar pa ko.

Sige lang!

"Si junior oh, nakaupo sa likod. Nakikinig satin. Bahala ka, iiyak yan pag di pa tayo nagbati"

Oo nga pala, nilagyan niya pa ng seatbelt yung stufftoy para daw safe yun.

"Di mo ko madadaan sa pagre-reason gamit ang mga anak natin" Sagot ko.

"Bilis na alex. Nagjojoke lang eh. I love youuuuuu"

I continued being silent and soon enough, he got tired laughing at me.

He reached for my hand and squeezed it.

"I love you" Paguulit niya.

He even smiled at me.

*sigh*

"Ang unfair" I murmured.

"Ng ano?"

"Ikaw. Unfair yang ganyan na kapag inamo mo ko, nawawala agad yung inis ko sayo"

"Eh kasi...mahal mo ko kaya ganyan ka"

Hinila niya ko para yumakap sa kanya.

Di naman niya ko matignan kasi busy siya sa pagdadrive.

"Saan mo gusto magdinner?" Tanong niya pagkatapos niya halikan ang tuktok ng ulo ko.

"Kahit saan. Di naman ako mapili"

"Monthsary pa rin naman natin, di'ba? Balak ko sana dalhin ka sa bahay tapos paglutuan kita kaso may lakad nga tayo kaya di na tuloy yung plano"

I smiled. "Napabuti pa pala itong pagalis natin kasi nightmare yang luto mo pagnagkataon hahaha"

Alam ko namang hindi siya marunong magluto.

Anak mayaman at lalake pa. Ganun talaga hahaha.

"Hoy, ang sama mo. Nagaaral po akong magluto"

"Weh? Kelan pa?"

"OH DI SIGE NA. HINDI NA MARUNONG" Pagalit na sabi niya.

Tumawa na lang ako at pumikit na.

Inaantok kasi ako at mukhang matatagalan pa ang byahe dahil traffic.

Iiglip muna ako.

Nathan's POV

Gusto daw matulog ni Alex kaso ang likot likot naman niya.

Stuck with the Past (Stuck Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon