LATS:SS | DISCLAIMER | Prologue

3 0 0
                                    

The names, character, places, events, businesses and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to living or dead is purely coincidental.

PLAGIARISM or directly copying others work is a COPYRIGHT INFRINGEMENT by illegally reproduce protected work!

Book Title: Love At The Shore: Sullivan's Series
All Rights Reserved (2024)
Plagiarism is a Crime

PROLOGUE

DALA DALA ang maleta ko pati na ang ticket na gagamitin ko pauwi ng Pilipinas. Ayoko nang magtagal dito sa Paris which is si dad and mom lang naman ang may gustong manatili ako. Para saan? Para ako ang mamahala ng maiiwan nilang business dito? Hello! No way. Wala akong balak na magtrabaho sa isang kompanya lalo na't hindi naman iyon ang pangarap ko. Kahit sabihin na ako pa mismo ang magiging CEO, ayoko pa rin. Ang gusto ko lang sa buhay ko ay maging isang doctor. Yun lang at wala nang iba pa.

Uuwi ako ngayon sa ayaw at gusto nila. Call me brat but this is my want. Palagi nalang sila ang nasusunod sa buhay ko. Panahon na siguro para piliin ko naman ang gusto ko ngayon hindi ba? Pero pakiramdam ko masama pa rin akong anak dahil sa pagsuway ko sa kanila. And besides, hindi pa naging maganda ang pagpapaalam ko sa kanila kanina. Which is nag-away pa kami ni dad dahil lang dito sa gagawin ko. But this is it. Wala nang atrasan pa. Uuwi ako.

Hila hila pa rin ang maleta ko, pumila na ako para sumakay ng eroplano dahil iyon na ang susunod na aalis. Pagkasampa ko sa loob ay nilagay ko na ang maleta ko sa lalagyan ng mga gamit banda sa itaas ng uupuan ko. Huminga pa ako ng malalim. Hindi ko maintindihan ang sarili king bakit kanina pa ako kinakabahan sa hindi ko malaman na dahilan.

Naupo ako at pasimpleng binuklat ang librong dala ko sakaling mabagot man ako dito sa loob. Hindi naman ako nakakatulog kapag sumasakay ako ng eroplano. Siguro ay hindi lang ako komportable. Pagbuklat ko ng libro ay sakto namang may umupo sa tabi ko. Tinignan ko pa siya pero tinaasan lang ako ng kilay. Tataas na rin sana ang kilay ko sa kanya kaso naisip kong may galang pa rin naman ako sa mga matatanda kahit papano.

Tsk.

Ilang oras din ang itatagal ko dito sa loob ng sinasakyan kong eroplano kaya naman itinuon ko na ang atensyon ko sa libro at hindi na pinansin ang matanda kong katabi na kanina pa nakatingin sa'kin. Medyo naiilang ako pero mabuti nalang at naagaw ng atensyon ko itong librong binabasa ko.

Nagising ako dahil sa sigawan ng mga tao. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ngayon. Sa ilang beses na sakay namin sa eroplano ng parents ko ay hindi ako nakakatulog. Ngayon lang. Kinusot ko ang mata ko at wala akong nakikita ngayon kundi ang mga taong nasisigawan dahil sa takot. Oh my god. They're panicking. Sinalakay ng kaba ang dibdib ko dahil sa walang balanse ang eroplanong sinasakyan namin. I can hear a strong thunder and I was surprise when I see a lighting outside in help of airplane windows dahil malapit lang ako sa binatana. I began panicking but I force my self to calm. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang kumalma. Naiiyak na rin ako sa sitwasyon naming mga pasahero ngayon. Naririnig kong panay announce ng piloto na kumalma kami pero wala pa ring epekto iyon.

"Passengers, please calm down yourself. There's only a small problem but we can fixed it right away. And besides, the weather is quite bad too so we all need your cooperation. Just stay in your respective seats." Anunsyo ng pilito. Pero hindi pa rin nakatulong dahil mas lalo lang nahulog ang mga tao sa pagpa-panick. Oh my god. Maayos naman ang panahon kanina. At kung alam man nilang masama ang lagay ng panahon ay hindi sila magpapalipad ng eroplano para lamag ipahamak ang mga pasahero pati narin ang mga buhay nila.

Hindi ko alam ang gagawin ngayon. Nagpapanick na rin ako. Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa takot at pangamba. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi nalang ako tumuloy. Na sana ay pinakinggan ko nalang ang sinabi ni mom and dad kanina. Napasigaw kaming lahat dahil sa gulat at takot ng bilang tumagilid ang sinasakyan naming eroplano kasabay ng malakas ma kidlat. Bumubuhos rin ang malakas na ulan kaya naghahalo ang mga sigawan namin at malakas na buhos nito.

Nagkanda-untog-untog na rin kaming lahat sa bawat isa dahil sa hindi na balanse ang paglipad nito. Ang alam ko nalang ngayon ay umiiyak na ako at kumakapit sa pwede kong kapitan dahil sa tingin ko ay bumubulusok na pabaa ang sinasakyan naming eroplano. Napuno ng iyak at sigawan ang loob. Halo halong emosyon ang nakikita ko sa bawat pasahero. Ang mga mukang hindi maipinta dahil sa sobrang takot, lungkot at pangamba. Kung siguro ay nakikita ko rin ag sarili kong itsura ngayon ay ganoon din sa kanila. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko inisip o hindi ko man lang naisip na hahantong ang ganito sa lahat. Kung ito man ang magiging katapusan ko ay masama. Dahil hindi man lang naging maganda ang huling pagsasama at pagkikita namin ng mga magulang ko.

Ang huling alam ko nalang ay tumama ang ulo ko sa matigas na bagay kasabay ng pagsabog sa hindi kalayuan pero tiyak kong eroplano yun na sinasakyan namin. Hindi ko alam kung nadala ba ako sa pagsabog dahil unti-unting namamanhid na ang buong katawan ko kasabay ng pagdilim ng paningin ko. Kahit namamanhid na ang buong katawan ko ay ramdam ko parin na nababasa ako ng ulan at parang lumulutang ako sa ibabaw ng tubig. Bago pa ako mawalan ng malay ay nakarinig pa ako ng pagsabog kasabay niyon ay ang malakas na kulog at kidlat. And everything turned black.

###

ZXN NEWS*

"Isang eroplano ang nabalitaang nawawala at bumagsak at umano'y nasangkot sa isang insedente, pinaghahanap na rin ito ng mga rescue team. Ayon sa naturang airlines, ang dahilan daw ng insedente ay ang masamang lagay ng panahon. Tinitiyak din ng mga autoridad na gagawin ang lahat ng makakaya upang mahanap ang nasabing eroplano pati na rin ang mga sakay  nito ngunit hindi nila matitiyak na buhay pa ba o wala nang buhay ang mga ito."

"Alas syete ng gabi ng makatanggap ang naturang airlines ng isang security alarm call mula sa isang eroplano ngunit sa kasamaang palad ay hindi naging malinaw kung ano ito. Ayon din sa mga autoridad ay tiyak na wala nang nakaligtas sinoman sa mga pasahero lulan ng bumagsak ng eroplano."

"Kasalukuyang iniimbestigahan pa rin ang nasabing insedente. Maraming tao na rin o siguro ay mga kamag-anak ng mga biktima lulan ng eroplano ang naririto ngayon sa airlines at nagkakagulo."

**

Love At The Shore: Sullivan's SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon