EPISODE 3 - SB19

2 0 0
                                    

SCENE 1 – INT. BAHAY. LIVING ROOM. MORNING

FLASHBACK - 2019

Makikita si Vernice na naka-upo sa sofa habang nanunuod sa TV pero nalipat ang atensyon nya ng marinig nyang may bumaba mula sa hagdan at si Joy ito.

VERNICE:

Morning, Joy! Halika breakfast tayo.

Nakangiting aya ni Vernice kay Joy samantalang si Joy ay tinignan lang sya at hindi sinagot.

VERNICE:

May gusto ka bang kainin?

Tanong pa ni Vernice pero hindi pa rin sya sinasagot ni Joy at nagpatuloy sa pagbaba, tumayo naman si Vernice para pumunta sa kusina para ihanda ang pagkain pero napatigil sya ng mapansin nyang tumigil si Joy doon sa may sala at nanunod sa TV kaya napatingin din sya rito.

Isang music video ang nagpa-play dito. Lumapit si Vernice at tinignan si Joy at makikita mo ang pagngiti nito.

VERNICE:

Bagong boy group yan, SB19. Ganda ng kanta nila?

JOY:

SB19, Go up. (smiles)

- CUT -

SCENE 2 – INT. SCHOOOL. SIBOL HQ. LEISURE AREA. AFTERNOON

- MONDAY -

Makikita sila Aria, Josh, Kaiden at Kessler na naka-upo sa sofa na andoon sa leisure area sa second-floor ng HQ. Si Aria abala sa harap ng laptop nya samantalang ang tatlo naman ay nakatutok sa kani-kanilang cellphone.

ARIA:

Josh.

Napatingin si Josh kay Aria dahil sa pagtawag nito. Samantalang si Aria ay sa laptop nya pa rin nakatingin.

JOSH:

Ano yun?

Tumingin naman si Aria kay Josh at binaling din sa kanya ang laptop kaya tumingin din dito sa Josh.

ARIA:

What do you think about her?

Application form ni Joy Cruz ang nasa laptop screen ni Aria. Binasa at tinignan naman ito ni Josh bago magbigay ng opinyon.

JOSH:

She's good pero nagtaka nga ako bakit nasa reserve member sya?

Tanong ni Josh habang nakatingin kay Aria.

ARIA:

I put her there.

Sabi ni Aria at binaling na ulit pabalik sa kanya ang laptop.

JOSH:

Oh, bakit? Kala ko si Walton nagsuggest na maging reserve sya eh.

ARIA:

She's good, maganda nga yung compose nya pero may kulang sa kanya eh... but I don't know exactly kung ano yun I just feel it.

JOSH:

Instict? Malakas instict mo eh haha pero kung hindi ka talaga sure, let's put her in GnT.

ARIA:

Sa Gabi ng Tanghal?

JOSH:

Oo pati yung si Japeth Aguilar, sila naman nag top nung audition diba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Story of a Fan Girl  | An A'TIN StoryWhere stories live. Discover now