13- Good Times Guaranteed

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko man lubusang maintindihan ang pinaka-layunin ng Aizenberg Organization pero isa lang ang napapansin ko. Napaka'mystery para saakin ng organization nila.





"Alam mo Coline, kahit ako nalulungkot, namimiss ko din kasi ang family ko. Lalo na si Papa. Nung isang araw nakita ko si Ate Aira pero kahit na nagkita kami pakiramdam ko magkalayo parin kami." I confessed, saka ako napabuntong hiniga.





Naramdaman ko ang paghaplos ni Coline sa likod ko.





"Naniniwala ka ba sa blood is thicker than the water?" Tanong ni Coline.




"Hmmn.. Ewan ko eh, parang hindi, base sa karanasan ko." Natatawang saad ko, kaya napangiti din si Coline. At para mapigilan namin ang senti mode ay niyaya ko nalang sya na mag-order ng halo-halo.




"Sana pala sinama nalang natin si Sage." Saad ko.




"Bakit naman? Ang KJ kaya non? Tapos diba ayaw nya sayo? Sinabi na nga nya directly."




"Ayaw ko din sa kanya, pero kahit ganon, gusto ko parin maging pair sa inyong dalawa." Dahilan ko.




Nakakabwisit din kasi itong si Sage palaging high blood saakin. Kung buntis lang yun iisipin ko talaga na pinaglilihian nya ako.




"Masungit talaga yun, nung nakaraan nag-away kami non dahil gusto nya na ako ang mag-vaccum sa third floor eh may ginagawa pa nga ako." Kwento ni Coline, kaya natawa ako.




I tried reaching out to Sage and befriend her, but she proved to be quite elusive. I'm the type of person who doesn't beg for others' approval, except when it comes to my family.




Despite Sage's aloofness, grumpy demeanor, and her tendency to get easily annoyed, I still believe that she is a good person deep down.




As we sat in the cottage, Coline suggested that we take a nap here, enjoying the gentle breeze. I agreed with her idea, so we quickly finished our halo-halo and settled ourselves on the cottage chairs.






Our heads were close together as we engaged in conversation. The tranquility of the surroundings and the soothing atmosphere made me feel sleepy.





I relaxed my body against the chair, and Coline was in a similar position beside me. Our heads were still close, forming a comforting connection. It didn't take long for me, my eyelids growing heavy until they closed completely.










"Tiff, gising..."





Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Coline na ginigising ako habang tinatapik nya ang balikat ko.




Pilit akong bumangon at napatingin ako sa paligid. Gosh! Maggagabi na. Ang haba naman ng tulog namin.




"Kanina ka pa gising?"  Tanong ko kay Coline.




"Kagigising ko lang din, kung hindi pa ako nahulog hindi pa ako gigising."




"Grabe, hapon na Coline.."




"Kaya nga, tara umakyat muna tayo sa room natin. Gusto ko maligo tapos mamaya sumama ka saakin makikipagkita ako sa ka-chatmate ko."





"Sige.."






Sabay kami ni Coline na naglakad pabalik sa room namin. Habang naghahantay kami sa elevator ay may lumapit saamin na pamilyar na muka.





Sweet Escape (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon