Kael was sitting beside her room's door. Nakabaluktot ang binti niya at nakakrus ang mga braso sa katawan na tanging panloob lang ang suot na pang itaas. She was crying so hard just like earlier when we're talking on the phone.

Dumagundong sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Agad ko siyang nilapitan at nilebel ang sarili sa kaniya para makita siya nang maayos.

"Anong nangyari?" Taong ko habang inaayos ang buhok niyang nakatabing sa basa niyang mukha.

Mabilis kong hinubad ang hoodie na suot ko. "Suutin mo 'to." Nagmamadali ko iyong inayos at tinulungan siyang isuot iyon habang binabantaya ang paligid.

Inayos ko ang buhok niya matapos niya iyong suutin. Napansin ko ang nagkalat niyang gamit sa sahig kaya kinuha ko iyon lahat bago siya inalalayang tumayo. Nanginginig ang katawan niya at mahigpit ang kapit niya sa kamay ko habang tumatayo.

"Ito ba yung susi?" Tukoy ko sa susi na napulot sa sahig.

Tumango lang siya.

Agad kong binuksan ang pinto at pinapasok na siya. Napansin ko ang nakasulat sa pinto niya pero nanahimik na lang muna ako. Kinuha ko muna lahat ng gamit niya at pinasok sa loob bago ko sinara ang pinto. I guided her to her bed and made her sit on the edge. Naupo ako sa tabi niya at inayos muli ang buhok niya na medyo nabasa na ng sarili niyang luha.

She cried harder and slowly rested her head on my shoulder. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa dibdib ko at nagdadalawang isip na tinapik ang likod niya. I gulped when she brought her face closer to my chest.

Gamit ang isa kong kamay ay inalalayan ko ang likod niya habang ang isa naman ay marahang hinaplos ang braso niya. Hinayaan ko lang siyang ilabas ang nararamdaman niya. She cried for a few minutes until she slowly calmed down. Nang mahina na ang pag iyak niya ay dinukot ko ang panyo sa bulso ko tsaka iyon inabot. Kinuha naman niya iyon at ginamit na pamunas sa luha. Tinulungan ko siyang ayusin ang mahaba niyang buhok. Namumula ang ilong niya at namumugto ang mga mata.

"Ano bang nangyari?" Kalmado kong tanong. "Napansin ko rin yung nasa pinto."

She sighed deeply with her eyes closed before speaking. "May lalaking sumunod sa 'kin kanina dito. Hindi ko napansin na may tao na palang sumusunod sa 'kin. Gusto niyang kunin yung hoodie mo." Kwento niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Yung hoodie ko?" Puno ng pagtataka kong tanong.

Tumango siya.

Ano namang kinalaman ng hoodie ko?

"Bakit naman niya kinuha yung hoodie ko?"

It doesn't make sense. Anong mapapala niya doon?

Umiling siya at umangat ang parehas na balikat. "Hindi ko alam."

"Nakita mo ba yung mukha nung lalaki?"

Umiling ulit siya. "Hindi. Balot na balot yung mukha niya. Naglabas pa siya ng pocket knife kaya mas lalo akong nag panic. Hindi na ako nakapalag habang pinipilit niyang hubarin sa 'kin yung hoodie. Nung nakuha na niya, umalis na siya agad." She narrated.

That's weird and very unusual. Ano ba ang meron sa hoodie ko? Imbis na pera o cellphone ang i-demand nung lalaking 'yon, bakit yung hoodie ko? I mean, it's better that the man asked for my hoodie and not Kael's important things. But still, why?

...

Kael's POV

Thanks to Ken, I am now calm and collected. Hindi ko talaga inaasahan na pupuntahan niya 'ko dahil may lakad siya. But he did. Mabuti na lang dumating siya. I suddenly felt safe once he's around.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Where stories live. Discover now